KABANATA 2

1000 Words
"What?! No, hindi pwede sino ang aasahan ko sa mga--. "Tapos na ako magsilbi na alalay mo, hndi ko nagagawa ang totoo kung trabaho dahil sa walang sawa nyo pag uutos saken na dapat kayo ang gumagawa. Napabayaan ko lang sarili ko, ni hindi na ako makatulog o makakain ng ayos. Kayo na bahala lumutas sa mga problema nyo.Thankyou sir." Pinipigilan pa ako si Mr. Cruz na umalis pero buo na ang desisyon ko kahit anung sabihin nya wala na syang magagawa. Para akong nabunutan ng tinik ng makalabas ako sa kompanyang yun. Pag uwi ko sa bahay, inayos ko ang lahat ng gamit ko at ibinigay ko sa tita mina ako sng utang ko sa renta na dalawag buwan. At pinasubrahan ko pa iyon. Wala akong salita na narinig sa kanya o kahit sino sa kanila na makita nila akong umaalis sa bahay namin naging bahay na nila. Hindi ko naman sila masisisi kasi malaki din ang ginawa ko sa kanila na isa sa mga pinagsisihan ko ngayon. Halos mag-aalas nwebe na ng gabi at palakas na ng palakas sng ulan. Nababasa na ang iba kung mga gamit kahit ako ay nilalamig na dito sa labas. Nakita ko na parating na ang sasakyan nila Krissa, ng nag iisa kung kapatid. Hindi muna ako nagpakita sa kanila kasi malakas ang ulan. Hinintay ko muna silang makapasok sa bahay, may dalawa na syang anak at puro babae. At tama si tita, mas maayos ang buhay nya kesa saken. "Honey, nandyan nga pala si ate Adeline sa sala. " "Anu? Hmm. Anung nakain nya at bigla nya ata naiisp na pumunta dito at ang lakas ng loob nyang nagpakita pa saken." "Kanina pa daw sya sa labas, naaawa nga ako at madami syang dalang gamit. Hindi ko alam kung umalis ba sya sa bahay nyo. Puntahan mo kaya muna at mag usap kayo. " Sabi ni Dylan habang nagaayos ng unan sa kama. "Wala akong dapat sabihin sa kanya at lalong wala kaming dapat pag usapan. " "Anu ka ba? Halos sampung taon na kayong di nag uusap, baka may malaking problema ang ate mo ngayon kailangan nya ng kalinga mo. Basang basa sya ng ulan." "Hindi mo kasi naintindihan, sya ang dahilan kung bakit nawala sila mama at papa samen. Kasalanan nya. Ayaw ko syang makita. Matutulog na ako". Kinuha nito ang kumot at tumalikod sa asawa. Nakita ko lumabas ng kwarto si Krissa, ngumiti ako sa kanya habang palapit sya saken. Talagang namiss ko ang kapatid ko. "O, himala ata na bigla ka sumulpot at nagpakita saken ngayon?". "Krissa. Ka-kamusta ka--" Yayakapin ko sana sya ng bigla syang umiwas. Alam ko naman sa sarili ko na malaki ang galit nya saken. At nung mawala ang mga magulang namin, hindi na nya ako kinusap. Ngayon lang. "Anu kasi, gusto ko sanang humingi---" "Kailangan mo ng pera , magkano ba? Lumayas ka sa bahay ni tita? Bakit? Wala ka ng pambayad?" Gusto kong ipatak ang mga luha ko pero pinilit ko na huwag magpakita ng kahinaan sa kanya. Dahil nasanay sya sa akin na hindi ganito ang pinapakita ko sa kanya. "Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo. Krissa, gusto ko humingi ng tawad sa lahat ng kasa--" "Hindi ko matatanggap ang lahat ng sasabihin mo, at kahit paghingi man ng tawad wala akong tatangpin. Kahit may mangyari pa sayong hindi maganda, wag mong aasahan na pupuntahan kita " matigas nyang sabi at kasabay nun ang pagpahid nya sa kanyang luha. Hindi ko na din mapigilan ang mga luha ko. Gusto ko syang yakapin kahit ngayon lang, pero wala akong magawa dahil ang dating Krissa na kilala kong malambing at mabait, nagbago dahil saken. "Umalis kana. Ayaw kitang makita. Dahil sa tuwing nakikita o naririnig ko ang pangalan mo, bumabalik ang lahat saken. Kaya ate, "umiyak ito at ramdam ko ang galit sa bawat salita na lumalabas sa kanya. "Ito na ang huling beses na magkikita tayo at bilang huling paggalang at pagrespeto ko sayo bilang ate ko. Hindi ko kaya na makita ka pa." Nakita ko nalang na pumasok na ng kwarto si Krissa at lumabas si Dylan. Labis din ang kanyang pag-aalala at ramdam ko yun, mabait syang asawa para sa kapatid ko. Dahil sa kanya, kahit hindi kami nagkausap ng kapatid ko ng mahababg panahon , palagi nya akong Ina update sa lahat ng mga nangyayari. Naging panatag ang loob ko dahil maayos ang lagay ng kapatid ko sa kanya. "Pasensya kana ate, ayos ka lang ba? Kumain kana ba? Kung gusto mo magluluto ako bg mainitan ang sikmura mo, basang basa ka. " "Ayos lang ako. Wag ka na mag abala. Pasensya na kayo kung bigla ako nagpakita. " "Wala yun. Tama lang na pumunta ka. Pagod lang si Krissa kaya pasensya na. Bukas mag-iiba din yun, alam ko na namiss ka din nya. " pagpapalakas ng loob saken ni Dylan. Ngumiti lang ako sa kanya. "Aalis din ako. Dumaan lang talaga ako, magpahinga kana din dahil alam kung pagod kayong dalawa." "Naku, ate dito kana matulog. Malakas ang ulan baka magkasakit ka. " Tinapik ko nalang sa balikat si Dylan, at hindi nya na din ako napilit dahil siguro naintindihan nya din ang nangyayari. Nagpaalam na din ako sa kanya at ramdam ko din ang bigat sa loob nya na umalis ako. Tinawagan ko si Keila dahil wala na akong ibang mapuntahan. Pagdating ko sa bahay nila tulog na ang lahat, bibigyan nya ako ng tuwalya pamunas sa basa kung katawan. "Basang basa ka. Bakit Hindi mo man lang sinabi na umalis kana sa bahay nyo?" Hindi ko magawang makasalita dahil sa walang tigil ng pag iyak ko. Niyakap ko sya Ng mahigpit.at gumanti naman sya saken habang hinahaplos ang likod ko. "P-pasensya kana kung naabala kita, kung dito ako pumunta. " "Shhhh. Okey na. Tama ang desisyon mo na dito ka pumunta. Tama yun. " Mas lalo kung ibinuhos ang mga luha ko at siguro narinig nya at naintindihan ang bawat paghagulhol ko sa kanya .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD