KABANATA 1

1194 Words
"What's this, Adeline? This is not what I'm expecting from you!" bulyaw ni Mr. Cruz sa harap ko kasabay ang pag tapos ng mga papel. "I-im sorry sir. Hindi ko kasi-" "Stop! Dahil sayo bumaba na naman ang sales natin ngayong buwan, paano natin mababawi lahat ng ginastos natin? Sige nga? May naiisip ka ba na ibang paraan?!" Halos araw-araw wala akong ibang narinig sa boss ko na maayos na salita or kahit maliit na compliment sa lahat ng mga ginawa at pinaghirapan ko. Sa loob ng pitong taon kong ginugol sa kompanya ay wala ding magandang nangyari sa buhay ko. Dahil kahit maraming beses akong gumawa ng mabuti para sa kanya mali ko lang ang nakikita nya. "I want you to file a report tomorrow morning, exactly 8:am. At gusto ko before this month end, maayos na lahat. Maasahan ko ba yun?" "Yes sir. " Tumango ako sa kanya at namalayan ko nalang na nakasara na ang pinto ng office ko. Maaga ako uuwi ngayon, dahil kailangan ko pa tapusin ang report na ipapasa ko bukas ng biglang mag ring ang cp ko. "Hello, nasan ka.?" "Pauwi palang, nag aabang na ako ng taxi. May problema ba?" "Punta ka dito sa tagpuan natin, magsasaya tayo ngayong gabi. " at pinatay ang tawag. Si Keila ang nag-iisa kong kaibigan na nakakaalam ng lahat ng meron at pinagdadaanan ko. Sya din ang karamay ko sa lahat sa oras lalo na sa panahong naghihina ako, sya din ang taong bumago sa dating ako at sya din ang taong subrang kinaiinggitan ko. Nakita ko sayang nakangiti at kumakaway mula sa malayo. Kumaway din ako sa kanya. Masaya ako dahil nakatagpo ako ng kaibigan na gaya ni Keila. "Sakto ang dating mo. Halika na, upo ka. " Sabi nya agad pagdating ko. "Pinagod ka na naman siguro nung boss mong kalbo. Sabi ko naman kasi sayo maghanap ka na ng ibang trabaho yung talagang na appreciate lahat ng pagod at hirap mo at saka yung swak dyan sa IQ mo " dugtong pa nya. "Hindi naman . Ganun talaga yun, nagkaproblema lang kami ngayon kasi di namin naabot yung target sales namin ngayong buwan." Naka apat na bote din kami ng suju at medyo nahihilo na ako. Siguro nanibago ang katawan ko dahil ngayon lang ulit ako nakainom. Naglakad lakad muna kami ni Keila para mahimasmasan. Napadaan kami sa isang matandang babae na kilalang manghuhula sa lugar na yun, ayaw ko sana pumasok pero pinilit ako ni keila. Pinagbigyan ko na dahil wala namang mawawala at magbabago kahit pa magpahula ako. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko dahil sa sinabi saken ng matandang babae. Parang may kung anung kirot akong naramdaman na di ko mapaliwanag. "Iha, madami kang pinapasan na dibdib mo na di mo kayang ilabas. At madami kang bagay na subra mong pinagsisihan ngayon. Huwag mong hayaan na balutin ka ng lungkot at nyang mga pasanin mo dahil hindi maganda para sayo." Katulad ng lagi kong ginagawa at nakasanayan tuwing nakauwi na ako, binuhos ko ang maga luha na na gustong gusto ko ng ipatak kanina na magkasama kami ni keila pero di ko pinahalata sa kanya dahil madami na syang ginawa saken. Yakap-yakap ang litrato naming apat. At humagugol ako na parang wala ng bukas dahil sa sakit. Dali-dali kung kinuha lahat ng mga gamit ko dahil 7:39 na ki nagising, siguradong sandamakmak na salita na naman ang maririnig ko sa boss ko. Pagpasok ko sa office ko nakita ko syang nakatingin sa glass window, walang imik o kibo. Lumingon lang sya ng narinig nya ang pagsara ko ng pinto. "Ganitong oras ka ba pumapasok tuwing umaga, kaya ba laging palpak mga pinagagawa ko Sayo?" Babatiin ko pa sana sya pero inunahan nya agad ako. "No, sir. May ginawa lang kasi ako kagabi na--" "Yung report, nagawa mo ba?" putol nito Inabot ko sa kanya ang printed kung report at basta nya lang itong kinuha at binuklat Isa Isa. "Ito na yun? Wala na?" "Hindi ko pa sinama dyan yung last month kasi--" "Tapusin mo. Sinong gusto mong gumawa? Ako? Malulugi na ang kompanya, tapos bibigyan mo ako ng report na putol putol at kulang kulang. Lagi nalang, wala ka ng ginawang tama. Hindi ko alam kung anung nangyayari Sayo. " Pagsabi nun ay narinig ko nalang ulit na pasara na ang pinto. Gusto ko umiyak ng mga oras na yun, kahit ako sa sarili ko hnd ko alam ang nangyayari saken. Ni hindi ko na nakikita ang sarili ko na maging masaya. Pagdating ko sa bahay na pinag bo-board dan ko, nakita ko nakatayo si tita mina sa harapan ng pintuan ko. "Aba himala, naabutan kita ngayon. Baka nakakalimutan mo, oras ng pagbayad sa renta ngayon. " bungad nya saken. "Naku, pasensya na tita kasi next week pa yung sahod ko. Promise mababayadan na kita sa utang kong dalawang buwan at mag a-advance pa ako. " "Naku, hindi mo na ako madadala sa palusot mong yan. Kapag hndi ka nagbayad saken nagyong gabi, sinasabi ko sayo Adeline , bukas na bukas aalis ka dito." "Tita naman, wag kang ganyan. Alam nyo naman na wala akong ibang mapupuntahan kapag umalis ako. " "Ah basta. Wala akong pakialam, aba kasalanan ko ba kung wala kang pambayad. At saka wala na ang mama mo, kung tutuusin dapat nga hndi kita pinatira dito kung hindi langa ko binilinan ng mama mo. At balita ko professor sa isang university si krissa, hindi mo aakalain siguro na mas gumanda ang takbo ng buhay nya kesa sayo. Dun kana sa siguro sa kapatid mo makitira, kung wala kang ibabayad ngayon. " Pababa na sya ng hagdan habang ako nakayuko at walang masabi dahil sa mga totoong narinig ko. " Nga pala dadating ngayon si Chloe, tanda mo yung pinsan mong grabi mong laitin dati. Hay naku, hindi ko na ikukwnto sayo lahat basta ang masasabi ko lang mas maganda din ang buhay nya ngayon kesa sayo." Pagkasabi ni tita ng mga salitang iyon, para akong estatwa na pinagkaitan ng tadhana. Tama, ibinilin ako ni mama kay tita Mina, hindi ko alam ang nangyayari ng mga panahon na yun. Narinig ko na nagsisisgawan sila sa baba at rinig ko ang boses ni Chloe, masaya sila. Habang isa-isa sa kung binubuklat ang mga litrato ng pamilya ko, wala akong ibang magawa kung ang iiyak ang lahat. Kung maibabalik ko lang ang dati na buo pa kami, sana nasabi ko lahat ng gusto kong sabihin bago nahuli ang lahat. Maaga ako pumasok, inayos ang mga gamit ko dito sa opisina. Narinig kong may kumatok sa pinto at pumasok si sir. Iba na naman ang awra nya, hindi ko alam kung sa aga aga laging mainit ang ulo. "Ms. Perez, natapos mo ba ang lahat ng kailangan ko?" "Yes sir, ito na po. Lahat po nandyan na. Wala na po kayong dapat alalahanin Kasi lahat tinapos ko na. " Inabot ko sa kanya ang mga papel at bakas sa mukha nya ang malawak na ngiti. "Good, kung ganito sana lagi ang pinapakita mo edi wala tayong problema. " "Heto pa po," "Anu naman to?" "Resignation letter ko, I am resigning now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD