Lumipas ang mga oras at halos lahat ay nakauwi na. Kami nalang ni mama ang natira at ang ibang mga nagtitinda ng karne. Pauwi na din ang kaninang katabi namin na kasamahan ni mama dahil naubos na ang mga paninda nito.
"Mauna na ako sa inyong dalawa. Malayo pa ang uuwian ko. Carmina, bukas nalang ulit." Paalam nito.
Kumaway din ako dito bilang paalam.
Saglit na napaupo si mama sa bangko. Marami pa ang paninda namin.
"Anak parang uuwi na naman tayong may dala pa ring mga gulay at prutas. Ni hindi ko man lang nabalik ang puhunan ko." Malungkot na sabi ni mama. "Anak, bumili ka muna pala ng mamemeryenda natin. Nagugutom na din ako." Wika ni mama at dumukot sa bulsa nya.
Naghanap ako ng tindahan ng tinapay at juice. Bumili ako ng halang 30 pesos na tinapay at 20 pesos na juice pampatawid gutom kahit papano. May tira pa din naman kaming tubig kung sakaling kulangin ang binili kong juice. Pagbalik ko e nadatnan kong may kinakausap si mama na dalawang babae na sa tingin ko ay mag-ina rin.
"Sige na ho, murang mura na ang kilo nitong mangga. 40 nalang po, hinog na po yan. At baka itong saging e gusto nyo din bilhin nyo na din po." Pag alok ni mama sa dalawa.
Umiling lang ang mga ito at ni hindi man lang tinignan si mama.
Hindi na ako naka-alis sa kinatatayuan ko, nakatingin lang ako kay mama mula sa malayo at pinagmamasdan sya habang nag-aalok ng mga paninda. Madami na ang dumaan pero ni Isa ay walang pumansin sa mama ko, halos magmakaawa at kung pagtulakan sya ang subrang nakakadurog ng puso ko. Sinasalubong na nya ang mga dumadaan bitbit ang mga gulay at prutas, ngiti at balewala lang ang mga tinutugon ng mga ito.
Napahawak ako sa dibdib ko, dahil sa mga oras na 'yun hindi pa man ako umiiyak ay subrang sakit na nito na para na namang tinutusok ng kung anung bagay na matalas.
"Mga ate, kuya, bili na po kayo ng gulay. Bili na po kayo!Sariwang sariwa po at bagsak presyo na." Si mama na noon ay nagsisisigaw para makahanap ng customer.
Mga ilang sandali pa ay may lumapit na isang babae at lalaki na tingin ko ay magkasintahan, maputi ang lalaki at masasabing hindi Pinoy, lumapit ito kay mama ay alam kong nagtanung 'yon sa kanya. Nakita ko ang reaksyon ni mama na palingon-lingon kung saan saan, alam kong mahina si mama sa salitang English kaya kahit reaksyon nya ang nakikita ko ay alam kung nahihirapan sya at kailangan nya ng tulong. Lumapit ang babae at ito ang kumausap Kay mama, lalapitan ko na sana si mama para makatulong pero ganun na lang ang gulat ko ng makitang binato ng babae kay mama ang isang mangga. Sumabog iyon sa damit ni mama dahil hinog na. Pinagsigawan nito si mama at hindi pa nakuntento at dinuro pa.
Si mama ng mga oras na 'yon ay nakayuko lang, para bang nakikinig lang ng mga sinasabi sa kanya at kahit isang salita ay walang binanggit si mama. Sa mga oras na yun, talagang pakiramdam ko ay binagsakan ako ng langit at lupa. Hindi ko alam ang nangyayari bakit nakikita ko ang mga paghihirap nila.
Napaluhod ako sa labis na sakit habang umiiyak. Nakahawak sa dibdib at hinahampas hampas ko 'yun.
"Maa!" Iyon lang ang tanging nasambit ko habang dumadaloy na mabilis ang mga luha ko.
Mabilis na lumipas ang mga oras at lumapit ako kay mama ng may ngiti sa labi. Hindi na din ako umiiyak. At hindi din halata saken na umiyak ako. Gustong-gusto kong yakapin si mama sa mga oras na 'yun.
Naghintay pa kami ng ilang oras para kahit papano makabenta pa. Nabawasan naman siguro ng mga ilang kilo pa 'yun at nakadagdag kita pa Kay mama.
Saktong alas singko na kami nakauwi. Tahimik lang ako sa isang tabi at hindi na naman mawala sa isip ko ang mga nangyari. Magmula kay papa at kay mama. Gustong gusto Kong magtapat sa kanila pero paano? Gusto ko silang yakapin lahat at sabihin ang mga dapat sabihin pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
Pagdating namin sa bahay, katulad ng ibang mga pamilya ay sinalubong kami ni mama ng kapatid ko na parang batang maliit na nag-aabang ng pasalubong. Napasulyap ako kay papa at gumawa pa din sya ng tricycle nya. Si mama naman ay naupo sa mahabang bangko namin at pagod na pagod. Ni hindi pa nya natatanggal ang apron na suot-suot nya. Nakahawak ito sa ulo at ikinalas ang suot na belkbag. Nagbilang pa si mama ng benta nya at humulog sa alakansya namin.
Bigla kong naalala, na dati kinukuha ko ang mga laman niyon pagkatapos ay wawaldasin lang sa paaralan at mamimigay na para bang hindi hirap sa buhay. At ngayon, na alam ko kung paano at saan galing ang mga iyon na galing pala sa pagod, hirap, at maging sa pag iinsulto sa hanap-buhay para lang kumita ng pera at kinahiya ko ang sarili ko.
Ngayon parang naiintindihan ko kung bakit pinapakita saken ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang hirap na nararamdaman ko ngayon. At ang pinakamasakit pa ay alam kong hindi ito panghabambuhay, permanente lang ang lahat ng nangyayari.
Sa subrang sakit na naramdaman ko ay tumakbo ako, palayo sa bahay at bahala na kung saan dalhin ng mga paa ko. Gusto Kong sumigaw at ilabas ang lahat ng sakit na naramdaman ko dito sa loob ko.
Tumakbo ako ng tumakbo, habang umiiyak. Napatigil ako at napadpad sa isang maliit na eskinita, dun ay umupo ako sa katabing poste at yumukod at humaguhol.
Sumigaw ako ng malakas na malakas at wala akong pakialam kung sakaling may makarinig man.
"Bakit?! Wag nyo naman po iparanas saken ang ganitong klase ng pagpapahirap. Alam kong napakalaki ng kasalanan ko Sa inyo, lalong-lalo na sa pamilya ko dahil naging suwail at walang galang ako." Muli ay yumuko ako at umiyak ng umiyak.
Nang may naramdaman akong may humahagod sa likod ko at naramdaman kong umupo sa tabi ko. Hindi ko agad sya namukhaan dahil sa malalaking butil ng luha kong namumuo sa mata ko ng kinusot ko iyon ay nakita ko si lola. Nakangiti sya saken ay patuloy ang paghaplos sa likod ko. Niyakap ko sya at ganun din sya saken.
"Lola." Sabi ko na habang patuloy na bumabagsak ang mga luha sa mata ko.
"Shhhhh! Tahan na iha. Alam kong kaya mo 'yan. Kilala kita, matatag at malakas kang babae." Rinig kong sabi nya. Kumalas ako mula sa pagkakayakap at tumingin sa kanya.
"Apo, ang mga ito ay panimula pa lamang. Marami ka pang makikita at mararanasan na subrang magpapadurog ng puso mo."
"Lola, sabihin nyo kung paano ko mapipigilan ang lahat ng yun. Sabihin nyo po nakikiusap ako."
"Kahit ako hindi ko din alam, apo. Ang alam ko ay nandito ako para bantayan at gabayan ka. Ang sabi ko naman sayo baka hidni mo makayaan pa ang mga sunod na mangyayari. Maging handa ka sa lahat, pero uulitin ko. Wala akong kahit na akong pwedeng gawin at tulong na maibibigay sayo. Hindi ka pinaparusahan ng langit kundi ipinapakita lamang nya sayo kung sana dati ay naging mabuti kang anak at kapatid sa pamilya mo."
"Ganun din po 'yun. Pinaparusahan ako dahil alam nyang madami akong kasalanan. Hindi ko na kaya."
"Kaya mo 'yan." Ngumiti lang si lola at wala pang isang kisap mata ay bigla na naman itong nawala na para bang bula.
Matapos ang ilang minuto na pananatili ko sa lugar na iyon ay nagpasya na akong umuwi. Baka hinahanap na ako nila mama at papa sa bahay. Pagbalik ko sa bahay ay nakita ko silang nakaupo tatlo. Bakas sa mukha ang mga pag-aalala. Nilapitan agad ako ni mama at hinawakan ako sa magkabilang balikat.