"Anak, san ka galing? Bigla ka nalang tumakbo. Iniisip mo yung mga nangyari kanina? Wag mo ng isipin pa iyon ha, ang mahalaga ay nandito kaming tatlo ng kapatid at papa mo. Wag mong iisipin ang mga sinasabi ng ibang tao sayo. Pasensya na. Hindi na dapat kita sinama pa kanina." Mahabang pahayag ni mama saken.
"Ako din anak, siguro ay hindi pa din mawala sa isip mo ang nangyari din satin nung isang araw sa pamamasada. Pasensya na din kung sinama pa kita. Hindi na mauulit pa iyon." Wika ni papa na lumapit na din samen.
Naramdaman ko na naman na namumuo ang mga luha sa gilid ng mata ko.
Tinignan ko sila ng malalim isa isa.
"Mama, papa, Krissa. Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal." Iyon lang ang nasambit ko at niyakap silang tatlo ng mahigpit.
"Ay naku po ang anak ko, naglambing na naman. O bakit ka umiiyak? Shhh tahan na. Naku Eduardo, parang pati ako ay naiiyak na din." Wika pa ni mama.
"Ate, may problema ka ba? Makikinig naman po kami." Sabi pa ni Krissa.
Kinusot kusot at pinunasan ang mga mata ko. Pagkatapos ay umupo at ganun din sila. Para bang naka abang sa mga sasabihin ko. Napatawa pa ako sa mga reaksyon nila.
"Wala po. Medyo madrama lang ako nitong mga nakaraan. Siguro dahil Kasama ko kayo."
"Oo naman anak. Lagi mo kaming kasama at karamay kong anu man yang problema na hinaharap mo. Nandito kami ni papa mo at ng kapatid mo. Makikinig sa lahat ng sasabihin mo. Hindi porket dalaga kana at may sarili ng mga desisyon, e sasarilinin mo na ang mga problema mo. Minsan kailangan mo yang ilabas dahil baka makasama sa kalusugan mo." Si mama na nakahawak sa hita ko at may maamong mga tingin.
"Okey kana ba?" Tanung ni papa.
Tumango ako.
"Mabuti. Basta lagi mo tatandaan, wag ka mahihiya na magsabi samen ng mama mo. Magagawan natin ng solusyon kung anu man yan. Basta wag lang tungkol sa pakikipagrelasyon." Natawa naman kaming apat sa sinabing iyon ni papa. "Ayos lang saken ang manliligaw, pero huwag muna ang magkaroon ng karelasyon." Dugtong pa nito.
Sa mga sinabi nilang yun ay para akong nabuhayan muli ng lakas ng loob na lumaban.
Linggo ng umaga, gumagayak na kami para sa pagsamba. At napag usapan namin na dadaan sa hospital para kunin ang result ng test na ginawa saken.
Sakto ang dating namin para sa unang misa, mataimtim kaming nagpasalamat sa kanya sa kabutihang nito sa amin. Lalo na sa akin, nagpasalamat pa din ako na binigyan ako nitong pagkakataon na makasama muli ang mahal ko sa buhay. Pasulyap sulyap pa ako sa kanilang tatlo na taimtim na nagdadasal habang nakaluhod. Ibinalik ko ang tuon ko sa pananalangin at muling nagpasalamat.
Pagkatapos nun ay nagpasya na sila mama na dumiritso na sa pagpunta sa hospital. Panay pa din ang hiling nila kahit na nasa sasakyan na kami na sana ay walang masamang result kundi maging normal lang. Pinapanatag ko naman ang loob ko dahil alam kong normal lang iyon.
Pagdating namin sa hospital, naghintay lang kami ng ilang minuto bago kami pinuntahan ng doctor. Dala-dala nito ang isang brown envelope. At inabot iyon kay mama.
"Wala naman po akong nakitang masama sa results, normal naman po ang lahat. Medyo natagalan lang kasi pabago bago, hindi ko nga maipaliwanag ang pangyayari. Pero overall, wala po kayong dapat ipag-alala. Normal po ang anak nyo, wag ka lang masyadong ma stress iha..at.. huwag kalilimutan ang uminom ng madaming tubig." Paliwanag nito.
Bumugtong hinga si mama, napahawak pa sa dibdib.
"Hay salamat naman po doc kung ganun. Maraming salamat po talaga." Yumukod pa si mama at hawak hawak ang kamay ni doc.
Nagpasalamat din si papa at ganun din ako.
"Wala pong anuman. Gawain ko naman po ang ipagbigay alam sa inyo ang nararapat." Ngiti nito.
Paglabas namin sa hospital ay kulang magtatalon sa tuwa ni mama. Medyo nahihiya pa si papa sa ginagawa ni mama na para bang nanalo sa lotto ang reaksyon.
"Anu ka ba carmina. Nakakahiya ang ginagawa mo?" Medyo natatawa pa si papa.
"Masaya lang ako ed. Malusog ang anak natin. Dapat lang na masaya tayo. Kaya ikaw bunso, narinig mo ang sabi ni doc, hindi lang si ate mo ang dapat uminom ng maraming tubig. Pati ikaw."
"Mama alam ko naman po iyon." Sagot ni Krissa.
Pagkauwi namin sa bahay ay nagluto ng pansit si mama. Pasasalamat na din daw yun sa lahat ng biyaya.
Pinaalala nya din saken na malapit na daw ang graduation namin. Tinanung pa ako kung anu daw anh gusto kong regalo.
"Ma, hindi ko kailangan ng regalo o kahit anung materyal na bagay. Ang regalo na gusto ko ay natanggap ko na. Masaya na ako sa ganito tayo. Kayo ang pinakamagandang regalo na natanggap ko."
Bumigay naman ng malawak na ngiti si mama at medyo naiiyak pa.
"Alam mo anak, talagang nagpapasalamat ako. Dininig ng diyos ang matagal kong pinagdarasal na sana hipuin nya ang puso mo na lumambot at matutong magpakumbaba." Naiiyak na wika ni mama.
Niyakap nya at hinagod ang likod ko.
Pagkatapos namin kumain ng hapunan at handa na para sa pamamahinga. Nakita ko na nag uusap sila Krissa at papa.
Hindi ko sila nilapitan at pinapakinggan ko lang pag uusap nila.
"Anak, wag ka sana magkaroon ng sama ng loob sa ate mo kung palagi sya ang inaalala namin. Alam mo naman na lubos lubos kaming nagpapasalamat ng mama mo sa malaking pagbabago nya. Pantay ang pagmamahal namin sa inyong magkakapatid, palagi mo sanang tatandaan yan."
"Alam ko naman po iyon papa. At kahit ako po nagpapasalamat kasi napakalaki ng pagbabago ni ate. Naipagtanggol nya ako sa school, tinutulungan na nya ako sa lahat, ginagabayan nya ako sa pag-aaral, at higit sa lahat. Tinutulungan na nya kayo ni mama. Bilang kapatid at bunso nyong anak, wala naman po akong ikinasasama ng loob. Sa halip natutuwa pa ako." Rinig kong sabi ni Krissa.
Sumandal ako sa yari sa sawaling nagsisilbing pader namin. Napahawak ako sa dibdib ko at lihim na ngumiti sa kawalan.
KINABUKASAN
Lunes. Apat na araw bago mangyari ang iniiwasan ko.
Ito yung araw na sa dati kong buhay at nagpaalam ako kay mama at papa para sa field trip pero ang totoo ay birthday party.
Naka upo ako sa bangko at nagsusulat. Pansin kong nakatingin saken ang dalawang dati kong kaibigan.
Inaasahan ko na talagang lalapitan ako nila Alli at Andrea at katulad ng inaasahan ko, lumapit silang dalawa na may malawak na nga ngiti.
"Hey! Aalis mamaya ang parents ni Alli. So napagdesisyonan namin na baka you want to join us to have some fun. At saka, two days nalang birthday ko na. Wag kang mag-alala about her parents, hindi nila malalaman. Mag I stay lang tayo ng one night to their house." Mahabang hayag ni Andrea.
"Come on girl. Wag kana mag isip. Sagot ka namin. Katulad ng dati. She's right, aalis sila mom and dad mamaya. Si yaya at ang driver ko lang ang magiging tao sa bahay. G ka?" Dagdag pa ni Alli.
"Hey, don't make me upset. It's my birthday."
"Anu kasi, baka hindi ako makakasama. Alam mo na magiging busy na for graduation." Palusot ko.
"Come on, Adeline! Makakapaghintay ang graduation, yung party ko hindi. Let's enjoy first. Okey!" Pilit na pagkukumbinsi saken ng dalawa.
"Naku hindi talaga pwede. Pasensya na ah. Ibibigay ko nalang sa graduation yung ireregalo ko."
Naghalukipkip ng kamay si Andrea. At bakas sa mukha nito ang pagkadismaya. Maging si Alli ay ganun din, ang masayang mukha ay napalitan ng seryosong mukha.
"Okey fine! Hindi ka na namin pipilitin, kung ayaw mo di wag! This is the last time that we will be interacting with you." Matigas nitong sabi at padabog na lumabas ng classroom.