"Ate, Akala ko ba nasa field trip ka? Nagsinungaling ka kina mama at papa para lang dito sa celebration na to ng mga kaibigan mo??!" sigaw saken ni Krissa at walang tigil sa pag iyak.
"Atee? Sinong ate? May kapatid ka dito?" tanung ni Alli.
"Ate Adeline?" Umuwi na tayo?"
"Whatttt? Akala ko ba solong anak ka, Adeline?" sabi nung isa naming kaklase.
Halatang disappointed silang lahat saken. Sira na ako sa kanilang lahat lalo na sa dalawang kaibigan ko. Hinila ko palabas si Krissa. At puro pangngungutya ang narinig namin.
"Tignan mo ang nangyari? Sinira mong lahat!" Sigaw ko kay Krissa.
"Anu? Anung sinira ko? Yun ba ate? Yung kasiyahan mo? Samantalang ako, simula nung nagpaalam kang may field trip kayo ako nag aasikaso sa lahat. Alam mo ba na iaapoy ng lagnat ngayon si mama ha!! Kailangan ko I deliver itong lahat , para makabili ng gamot ! Tapos ikaw! Ikaw nagpapakasaya ka dito.?!!" Sunod sunod na sabi ni Krissa at walang tigil sa pag iyak.
"I hate you krissa!. Pesteng huhay to! Bakit ba kasi kailangan ko maghirap ng ganito at sa dinami dami ng pwede kong maging pamilya kayo pa? At sana kung ipapanganak akong muli, sana mayaman ako at hindi kita kapatid!"
Galit na galit ako na umalis. Nauna na ko sa kanya at walang lingon lingon. Pagdating ko sa bahay, makalat ang lahat. Nagkalat ang mga gulay, plato, at kung anu anu pa. Umalis din ako agad at hindi naman ako napansin nila mama ata papa dahil kapwa tulog na sila.
Hinihintay ko na may sabihin saken sina mama at papa dahil sa pagsisinhngaling ko pero, wala akong narinig. Hindi na rin siguro nagsabi si krissa dahil siguro ayaw na nyang dumagdag pa sa sakit ni mama.
Lumipas ang dalawang araw na hindi pa din ako umiimik kay Krissa. Maging sa paaralan, tahimik lang akong pumapasok at pilit kinakaya ang lahat.
Isang gabi, bago ako umuwi dumaan ako sa isang convenient store at bumili ng alak. Nagsinungaling lang ako ng edad kaya ako nakabili. Pumunta ako sa tabing dagat at dun nagsisisgaw ng lahat ng saloobin ko at hinaing sa buhay. Alas 10 na nag umuwi ako. Nakita ako ng isang matanda na nakaupo sa gilid ng poste.
"Hija." tawag nito saken pero hindi ako lumingon.
"Huwag kang magpakahangad Nlng bagay na hindi kayang ibigay sayo. Mahalin mo ang mga taong nasa paligid mo dahil darating ang araw na pagsisishan mo ang lahat at tanging hinaing at pag iyak na lang ang itong magagawa. "
Tinakip ko ang hoodie jacket ko. Ibigay ko sa sana ang tira kong siopao na binili pero bigla akong nairita sa sinabi nya. At dahil medyo masakit ang ulo ko at nahihilo ako mas binilisan ko nalang ang paghakbang ko.
Pagdating ko sa bahay binuklat ko ang takip na nakapatong sa lamesa ngunut walang kahit anung pagkain.
"Walang pagkain?!!!" Sigaw ko at pumunta si mama at krissa dahil sa lakas ng sigaw ko, ipaghain nyo ako dahil kanina pa ako nagugutom!"
"Anak. San ka ba galing ha. A-amoy alak ka pa . Kailan ka pa natuto uminom?" mahinahon lang na tugon ni mama.
"Pakialam nyo ba kung uminom ako. Kasalanan nyo kung bakit ako nagkakaganito. Kung sana ipinaganak akong mayaman, di ko sana dinadanas ang ganitong klase ng buhay. Nagagawa ko sana ang mga gusto ko!." sigaw ko sa kanila
Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa kanang pisngi na ikinagulat ko. Napatakip sa bibig si mama dahil sa bigla. Hinawakan nya ako magkabila sa balikat at pilit na humihingi ng tawad.
"A-anak. Pasensya kana. Wag kang mag alala, kapag lumakas lakas na ako at kaya na ulit ng katawan ko. Mas lalo ako magsisispag sa pagtitinda sa palengke. Magiging ayos na ulit tayo ha. Wag ka mag alala. "
"Mama hayaan nyo sya. Wala tayong magagawa kung ibang buhay ang hinahangad nya. Anung gusto mo, pagkakakubain mo si mama at papa na magtrabaho at ikaw magpapakasasa. Wala ka nga ngang ginawang maganda, puro ka pa pang iinsulto, kinakahiya mo pa kami. Kung ayaw mo sa buhay na meron ka ngayon, umalis ka." Sabi ni krissa na wala ding tigil na sa pag iyak.
Dumating si papa galing sa pagbili ng gamot ni mama.
"Anu bang nangyayari sa Inyo? Naghihirap na nga tayo ganyan pa ang mga ginagawa nyo? Adeline, anak. Nagsususmikap kami ng mama mo para lang sa inyo ng kapatid mo. Naging responsable naman kami para kahit papaano maibigay ang mga gusto nyo. Lahat ng pwedeng pagkakitaaan ginagwa namin matustusan lang pangagailngan natin. Mahirap pero kinakaya. At Wala kaming kahit anung reklamo dahil sa tuwing nakikita namin na masaya kayo, mas double ang saya namin ng mama mo. Ang hiling ko lang anak, sana suklian mo kahit konting respeto kami ng mama mo , mahalin mo ang kapatid mo gayan ng pagmamahal namin sa inyo, ginagawa namin ang lahat para maiahon kayo sa hirap. " sunod sunod na Sabi ni papa.
"Patawarin mo kami dahil hindi pa namin naibibigay sa inyo sa ngayon ang mga gusto nyo, kung gusto mo umalis at ayaw mo sa ganitong klase ng buhay. Umalis ka, dahil wala akong anak na pinalaki na bastos ang ugali. Hanapin mo sa labas ang gusto mong buhay, at bumalik ka kapag nahanap mo na ang gusto mo!!" dugtong ni papa
"Sigeee. Aalis talaga ako! At hinding hindi na ako babalik sa pesteng lugar na to at kung ipapanganak man ako muli sana mayaman ang pamilya ko!".
Tumakbo ako ng mabilis at walang lingon lingon mula sa bahay. Wala na akong pakialam kahit san ako abutin ng mga paa ko basta gusto kong makalayo at mapag isa. Ang gusto ko lang naman ay maayos na buhay na hindi na kailangan magtinda pa sa palengke para kumita. Pero hindi iyon naintindihan ng magulang ko.