WONDERFUL NIGHTMARE

1006 Words
PAUNANG SALITA BAGO LUMIPAS ANG SAMPUNG TAON. "Mga anak, gising na. Maaga ako aalis kasi madaming naghihintay saken na suki ngayong araw." Rinig ko na naman ang boses ni mama na nang iisturbo sa pagtulog ko. Ito yung isa sa mga kinaiinisan ko. At dahil 7:00 am na din at malilate ako kung matutulog ulit ako, bumangon na ko at dumiritso sa hapag kainan para kumain ng almusal. "Wala na bang ibang ulam kundi puro gulay na kamatis, ampalaya. Tapos itong itlog hindi mawala-wala." dabog ko ng umagang yun. "Naku, itong panganay ko talaga. Anak, madami kasing tirang gulay kagabi kaya hindi na ko bumili ng ibang mauulam. Mamaya nalang ako bibili. " ngiting sagot ni mama. "Sa canteen nalang ako kakain. Walang gana dito. Akin na baon ko at aalis na ako." "Sige na mga anak, aalis na si mama." Bago umalis si mama, pinainom muna nya si papa ng gamot nya para sa diabetes. Tanging sa school lang ako nagiging masaya at dun ko nararamdaman ang buhay na gusto ko. Ibang iba ang buhay ko kapag nasa paaralan, malayong malayo sa reyalidad na buhay na meron kami. Bukod sa may mga kaibigan akong naiinintidan ako sa mga gusto ko, lahat sila ang tingin saken ay nag-iisang anak ng mayamang pamilya sa lugar namin. Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko at mas lalo kong ikinagulat ng tinawag akong "ate" ni Krissa. "Anu ba? Diba sabi ko wag mo akong lalapitan o kakausapin kapag dito sa school." pigil ko sa kanya. "Pero bakit?". "Basta. Alis na. Alis." Nagtatakang umalis lang si krissa. Hindi dahil sa ayoko sa kapatid ko na lumalapit saken baka kasi mabuking nila na tindera lang sa palengke ang trabaho nila mama at hindi ako bugtong na anak. At ayaw kong masira yun. "Who's that? Do you know her?" Tanung ni Alli ng makalapit saken. "Ahm no. She's in a rush, nabangga nya ako then humingi ng sorry. That's it. " Pangarap kong maging isang abogado pagdating ng araw, kaya mas lalo kong sinisipagan sa pag-aaral. Lagi akong top at maraming nakukuhang achievements kahit san. At sinabi ko sa sirili ko na hindi ako mag aasawa ng hindi mayaman. Yun siguro ang dahilan kaya mas lalo akong nagiging mailap kasi kinaiinisan ko talaga ang buhay na meron kami ngayon. "Ma, meron nga pala kaming field trip next week. Ako nalang yung di nakakapagbayad. Required sumama ang lahat, and of course dapat lang na sumama ako kasi deserve ko naman. " basag ko habang kumakain kami. "Magkano ba babayaran anak," sabi ni papa na tapos na. "20 thousand." "Ako din po, kasi kinukulit na ako nung admin na kailangan ko daw bayaran yung mga balance ko last sem." singit ni krissa Nakaramdam ako ng inis sa sinabi ni Krissa. "Galing mo din dumiskarte nu? Kung kelan ako nagsasabi dun ka din sisingit. Naku mama, papa, mas mahalaga yung saken ha. Yung balance mo pwede pa naman sa sunod na sem." "Ate pwede ba ako muna ngayon. Hiyang hiya na kasi ako dumaan sa registrar e. Wala na akong maisagot. " "No..." "Anak, Adeline. Masyadong malaki yung bayarin nyo. Pero gagawa ako ng paraan. Pati na sayo krissa. Wag na kayong magtalo, ha. Kumain na muna tayo. " "So, anu ngayon. Kasalanan ko ba? Pinag aral nyo ako sa private school tapos magrereklamo kayo sa bayarin ko. At ikaw, tumulong ka ng pagtitinda at magsaving ka ng may pambayad sa tuition mo. " Galit kong sabi kay krissa at padabog akong lumabas ng bahay. Nagliwaliw muna ako sa labas ng ilang oras at pagdating ko sa bahay naabutan kong naka-abang sila mama at tita sa may pintuan. "Heto na pala si Adeline. Anak!" twag saken ni mama. "Magpapatulong daw ang tita mo para sa assignment ni Chloe. " "Bakit ako?" mabilis kong tugon. "Ahm. Anu kasi, Hindi daw kasi kaya ni Chloe kaya kung pwede sana tulungan mo. Ako din kasi hindi ko kaya e. Alam mo na." Paliwanag ni tita saken. "So kasalanan ko pa ba na bobo yang anak nyo? At ako pa na naman ang gagawin nyang sangkalan sa mga assignments nya?." "Anak, Adeline." tingin ni mama saken. Napayuko si tita sa mga sinabi ko. Hindi ko man din sinasadya pero nasabi ko na. Siguro dahil na rin sa inis ko kanina. Pero ako nalang kasi lagi ang pinapagawa sa halos lahat ng assignments ni Chloe. 4 na araw ang lumipas at ang field trip na ipinaalam ko kina mama at papa ay ngayong araw. Pero ang totoo, walang field trip kundi birthday celebration ni Andrea at gusto ko talaga umattend. Nakitulog ako kina Alli ng dalawang araw para magmukhang nasa field trip. Basang basa ng ulan si krissa at pauwi na sya sa bahay. Buhat-buhat nya ang tirang mga gulay at prutas na hindi kinuha ng mga nagpadeliver. Sinasabay nya sa patak ng ulan ang bawat luhang tumutulo sa mata nya. "Nakakainis! Nakakainis! Mabuti pa si ate nasa field trip, nagpapakasaya. Samantalang ako, heto. Nagbubuhat at naghahanap buhay kahit gabi na." Malakas na pag-iyak at hinaing nito. Sa patuloy nyang paglalakad ay di nya namalayan ang mga plastic na hawak hawak nya ay nasira at nagtilapon kung saan ang mga prutas. Napaupo nalang si krissa at umiyak ng umiyak. Sumilong muna ito saglit sa isang shed ng may napansin sya. Dali-dali nyang pinunansan ang mga luha nya. "Te-teka. Mga kaklase ni ate yun. Akala ko ba may Field Trip sila pero bakit? Mas lalo nyang ikinagulat ng makita ang ate nya, nakasuot ito ng casual na dresss at pustorang postora. "A-ate?!!" Sinundan nya ito hanggang sa makarating sa venue. Galit ang naramdaman nya lalo na't nagsinungaling siya sa mga magulang nila. "Ateeeee!" Tawag nito kay Adeline habang masayang nakikipagkwentuhan sa mga barkada. Samantala, nagulat ako ng makita si Krissa na basang basa at may dala pang ilang piraso ng mga gulay at prutas. Hindi ako nagpahalata at nagpanggap na walang naririnig. "Omg. Anu ba yan? Ang langsa. Excuse me, pano kang nakapasok dito?" tanung ni andrea kay Krissa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD