CHAPTER 23

1297 Words
Napailing na lang ako at nagpatuloy sa kanina kong sinusulat. Ito ang unang araw na magpapraktis kami ng kanta para sa graduation. At masaya kong sasabihin sa inyo na ako ang Valedictorian sa klase namin. Pinapasulat ako ng guro ko na magiging speech ko para sa araw ng pagtatapos pero wala pang pumapasok sa isip kundi ang mga pambungad na pananalita pa lamang. Wala pa akong balak na sabihin kina mama at papa pero sa tingin ko naman ay alam nilang may honor ako. Nakita ko si Lance na palapit at nakangiti, para bang kinakabahan ako habang palapit sya. "Hi." Bati nya saken at umupo sa tabi ko. Ngumiti lang ako sa kanya. "Uy anung problema? Dapat masaya kasi isang linggo nalang ga-graduate na tayo. Magiging college na, yun ay kung palarin. Congratulations pala, top 1 ka na naman." "Salamat ah. Sayo din congrats, naka pasok ka sa top 10. Hindi na masama ang maging top 6 ah. Congratulations sa ating dalawa." Sabi ko sa kanya at tinapik sa balikat. "Oo nga e. Akalain mo nakapasok pa ako kahit na madami akong liban sa klase." "Magaling ka naman kasi, fast learner ka kaya nahahabol mo ang grado mo kahit pa marami kang liban." "Anu, kain tayo sa labas mamaya?" Napatingin ako sa kanya at nagulat sa sinabi. Ibang-iba talaga sa dati kong buhay ang mga nangyayari ngayon. "Ah, sige. Walang problema." Tugon ko. Magsasalita pa sana si Lance ng biglang pumasok ang guro namin at tinawag kaming lahat na lumabas at pumunta sa stage para sa praktis. Saktong break time nun at nakita ko Krissa, nagbilin ako sa kanya na baka gabihin ako ng uwi dahil nagpapraktis kami ng kanta. Tumango-tango naman ito bilang sagot nya. Pagdating namin ni Lance sa stage, masama ang tingin saken nila Alli at Andrea. Bale sa gitna ako at kasama ang top 2 at 3 sa gilid ko. Sa likuran ko naman si Lance nakapwesto, ang ibang mga medyo maliliit na kaklase ko ay nasa unahan at kalalakihan ang nasa likod katulad ng mga nakikita nyo sa isang graduation day. Inabot samen ang tig-iisang copy ng kantang "HEAL THE WORLD" Masaya at kulitan ang nangyari nung mga oras na iyon, halos mamaos na din ang guro namin sa pagsasaway sa mga lalaki kong mga kaklase. Pero para sa karamihan samen ay iyon ang pinakamasaya at di malilimutang araw namin bilang magsisipagtapos sa taong iyon. Lalo na sa akin, nagkaroon ako ng ideya na isasama at sasabihin ko ang lahat ng gusto kong sabihin sa mga magulang ko sa oras na magsalita ako para sa aking speech. Medyo matagal pa man ay eksayted na ako sa mangyayari. Hinahayaan kong wag mag isip ng kung anu anu at maging positibo ang lahat. Pauwi na kami ni Lance at sabay kaming naglalakad sa eskinita. Medyo padilim na ng mga oras na 'yun. "Natatandaan mo ba yung sinabi ko sayo na may kapatid ako na kasing edad ni Krissa." Basag ni Lance sa katahimikan ng paglalakad namin. "O-oo tanda ko. Bakit?" Napatigil sya at malalim na tumingin saken. "Nasaksak sya." Sa mga oras na yun ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, parang kinakabahan ako at parang ayaw ko ng magsalita pa si Lance. "Adeline." Palapit ito saken, at napapaatras ako. Nagulat ako ng hinawakan nya ako sa magkabilang balikat. "Hindi mo matatakasan ang nakaraan mo. At lalong hindi mo mababago ang mga nangyari na. Alam kong bumalik ka din sa nakaraan mo, sa kagustuhan mong itama ang lahat ng mga pagkakamali mo. Pero wala ka ng magagawa pa, Adeline. Wala kang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan." "A-anu bang si-sinasabi mo Lance? A-anung nakaraan? Bitawan mo nga ako." Pagpupumiglas ko mula sa kanya. "Makinig ka saken, mas masasaktan ka lang Adeline kapag pinilit mo ang gusto mong mangyari. Pakinggan mo muna ako." "At..papano mo nalaman na bumalik ako sa nakaraan ko? Sino ka ba? Sino ka ba talaga??" Gusto ko ng tumakbo nun at Iwan sya pero parang may isip ang mga paa kong huwag humakbang. "Parehas lang tayo, Adeline." Malungkot nitong sabi saken na nakayuko. Napaupo pa sya sa isang tabi at nakita kong pumatak ang mga luha sa mga mata nya. Nakatingin lang ako sa kanya, gusto ko na talagang iwan sya pero para naman akong hinihila palapit kay Lance. "Hindi ko kayang pigilan ang lahat. Nakakatawang isipin na sa pag-gising mo sa umaga nakikita mong masaya ang pamilya mo, nakangiti sayo na para bang totoo." Panimula ni Lance na noon ay sunod sunod na ang pagtulo ng mga luha. At sa di maipaliwanag, ay nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya. "Ni wala akong magawa at nagawa. Kahit pa dito sa pangalawang Buhay at pagkakataon ko, ni hindi ko naipagtanggol ang kapatid ko. Napakairesponsable kong kuya sa mga kapatid ko. Kasinungalingan ang lahat na mabuti akong anak. Kagaya mo din ako at wala tayong pinagkaiba... Araw at gabi akong pinaparusahan ng tadhana. Walang gabi na hindi umiiyak. Ang subrang masakit pa ay ang lahat ng nakikita at nararanasan ko ngayon ay parang ilusyon at imahinasyon lang." Nang makita kong labis na ang pag iyak ni Lance ay hindi ko alam na umiiyak na din pala ako. Ang kaninang gulat at galit ay naramdaman ng labis na awa at kalungkutan. "Alam mo ba, minsan inisip ko na huwag ng bumalik sa totoo kong reyalidad na buhay. Wala namang naghihintay sa pagbabalik ko doon, okey na ako dito kahit pa hindi totoo." Nang marinig ko iyon ay biglang pumasok sa isip ko sina mama at papa pati na si Krissa. Nakita kong nagpupunas ng luha si Lance at ngumiti pa saken. "Pasensya kana ah. Alam kong ikaw at ako lang ang magdadamayan. Nga pala, heto ang totoo kong address. Kung sakaling bumalik kana kung pwede sana na bisitahin mo ako." Nangungusap ang mga mata nyang nakatingin saken. "Pa-paano ko malalaman?" "Ahm, talikod ka." Tumalikod ako sa kanya at naramdaman kong hinawi nya ang buhok ko sa bandang batok. "Meron ka nalang sampung araw." Hinarap ko sya at napahawak sa sariling batok. "Sampung araw? T-teka uuwi na ako. Kalokohan to! Hindi pwede." Tumayo ako at hinawakan nya ako sa kamay at tumayo din sya. "Lin, makinig kang mabuti saken. Iwan mo na ang nakaraan mo at kalimutan ang dapat kalimutan. Wala kang magagawa." "Susubukan ko pa din Lance, ganun ako kadesperada na mabago ang lahat. Kahit pa dito sa nakaraan may magawa akong mabuti para sa kanila. Nakakatawang isipin na pipigilan ko ang kamatayan ng mga magulang ko!!" "Pwede ba? Maari mo itong ipahamak." "Tatanggapin ko. Kahit pa buhay ko ang kapalit para sa kaligtasan nila, gagawin ko! Ang buhay ko sa reyalidad ay wala na ding saysay, kahit sa mga huling sandali man lang ay maipagtanggol ko sila. Gagawa ako ng paraan, Lance. Si Lola! Kilala mo sya diba, nakikita mo din sya. Baka pwede nya akong tulungan, pati na ikaw. Magtiwala tayo." Pagkukumbinsi ko sa kanya. Napailing lang si Lance na para bang walang balak na pakingan ako. Bumitaw ako sa pagkakahawak nya at patakbong umalis. Mababago ko ang lahat. Kaya Kong baguhin. Hindi ako bibigyan ng pagkakataon kong wala din akong magagawa. Sa mga oras na yun ay walang tigil ang pagpatak na naman ng mga luha ko. [KASALUKUYANG PANAHON YEAR 2028] [THIRD PERSON POV] Nasa labas ng room ni adeline sina Keila at Krissa, nagkukwentuhan ito. At sa tagal na panahon na ng pagbabantay nilang dalawa sa comatose na si Adeline ay naging malapit na din ang loob ng isa't isa. Naging pangalawang ate ni Krissa si Keila. Masaya pa silang nagkukuwnetuhan ng biglang tumawag ang bunsong anak ni Krissa. "Mommy! Mommy! I saw tita!" Natigil ang dalawa sa kwentuhan at agad na lumapit sa bata. "What did you say, baby?" "I saw tita. She's crying." Nagkatinginan ang dalawa.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD