"Ate..." tawag ni Sabel sa kapatid pagpasok nito ng bahay. "Buboy." Walang sagot mula sa mga tinawag na kapatid. Tinungo nito ang silid ng mga kapatid subalit wala ring mga tao roon. "Ate Sabel?" bungad ni Buboy pagpasok nito ng bahay. "Buboy! Nasaan si Ate Sonia?" nababahalang tanong ni Sabel. Napatda si Buboy. "E-ewan ko, Ate Sabel. Iniwan ko lang siya saglit habang nakaupo sa pasimano." "Ano?! Hindi ba't kabilin-bilinan kong huwag na huwag mo siyang iiwan nang mag-isa?!" bulyaw ni Sabel dito. "P-pasesnya na, Ate. Saglit lang naman akong lumabas eh," maluha-luhang sagot ni Buboy habang nagpapahid ng mga mata gamit ang mga kamay. "May magagawa ba ang paghingi mo ng pasensya? Wala ka talagang malasakit kay Ate Sonia eh. Napansin ko iyan kanina pa!" Ibinalibag ni Sabel ang bayong sa