bc

SONIA 1818

book_age18+
966
FOLLOW
2.9K
READ
dark
sex
bxg
heavy
daemon
demon
supernature earth
supernatural
horror
cruel
like
intro-logo
Blurb

Warning! Mature content (18+ only)

FREE TO READ!

Sonia 1818 is a painting of a cursed lady 202 years ago. Nabubuhay ang babae mula sa painting at pumapatay ng mga kababaihang makasalanan.

Si Angeli ay may-ari ng isang antique shop at napasakanya ang nasabing painting. Alamin ang pagkatao ni Angeli, ni Sonia at ang nakatagong lihim ng Sonia 1818.

(SONIA 1818 SERIES) Warning: Mature content

•••••••

Credit to Shaicylyn Medel for letting me use her photo for my book cover. Thank you!♡

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
TAONG 1818... "Napakaganda mo, Sonia," sambit ng kasintahan niyang si Roberto habang ipinipinta siya nito sa canvas. Ang mukha niyang napakaamo ay kaaakit-akit. Ang bilugang mga mata niya ay tinernuhan ng katamtamang hugis ng ilong at mapupulang mga labi. Bilugan ang hawas ng maliit na mukha, at may mala-rosas na kutis. Ang mahaba at makintab na buhok niya ay nililipad ng malakas na hangin sa dalampasigan. Narito sila ngayon sa tabing dagat at nagpapahangin habang ipinipinta si Sonia. Hilig ni Roberto na ipinta ang magagandang babae, at ang kasintahan ang paborito niya. "Nakakahiya, Roberto, na nakatitig ka sa akin nang matagal," sambit ni Sonia, yumuko ito nang marahan habang namumula ang mga pisngi. Lumapit si Roberto kay Sonia saka hinawakan ang dalawang kamay nito. "Ipagmaumanhin mo, mahal ko. Labis lamang akong nabibighani sa taglay mong kagandahan." Hinawakan ni Roberto ang baba ng kasintahan saka marahan itong itiningala upang hagkan, subalit umiwas si Sonia rito. "Masyado kang mabilis, Roberto. Kailangan mo munang mamanhikan sa mga magulang ko at hingin ang kamay ko bago ka makahalik sa akin." Umatras nang bahagya si Sonia. Napabuga ng hangin ang binata bago muling nagsalita. "O sige, para sa halik, at para makasama na kita habambuhay. Mamamanhikan kami nina Mama at Papa sa inyo. Maaaring sa susunod na buwan pagbalik ni Papa sa isla. Nais na rin naman kitang maging asawa." "Maraming salamat sa pagrespeto mo sa akin, Roberto." Matipid na ngumiti ang dalaga. "Halika, tingnan mo ang ipininta ko." Inakay ni Roberto si Sonia palapit sa canvas upang ipakita ang natapos na painting. "Ang ganda!" bulalas ni Sonia. "Subalit bakit ako'y naka-traje, at itim pa rito sa ipininta mo?" nagtatakang tanong ng dalaga. "Hindi ko rin alam. Kusang lumikot ang imahinasyon ko at naipinta ko iyan. Maganda naman, hindi ba?" masayang pagbibida ni Roberto. "Maganda nga. Mahusay ka rin naman kasing magpinta... pero Roberto, ako'y mauuna na. Kailangan ko nang umuwi at gumagabi na rin." "Hindi na kita maihahatid, mahal ko. Kailangan ko pang iligpit ang mga gamit ko rito," hinging paumanhin ni Roberto kay Sonia. "Walang kaso, asikasuhin mo na muna iyan at umuwi ka na rin pagkatapos. Maiwan na kita." Tumalikod na si Sonia sa nobyo saka naglakad palayo. Mahaba pa ang lalakarin niya pauwi, babaybayin ang liblib na bahagi ng isla. Hindi pa gaanong matao sa isla nila, layo-layo ang mga bahay at madilim sa lansangan sa gabi. Ayaw niyang maabutan ng dilim sa daan. Habang naglalakad pauwi si Sonia ay nakaramdam siya ng kakaiba sa paligid. Mainit at maalinsangan, subalit may malamig na simoy ng hangin na nagpapatindig sa kanyang balahibo. Napayakap sa sarili si Sonia at ibinalot ang puting balabal sa katawan. Tila nagdilim ang paligid, at ang simoy ng hangin ay bumigat sa pakiramdam. "Sonia..." tinig ng malaking boses na tila nagmumula sa ilalim ng balon. "S-sino ka? H-huwag mo akong takutin!" Kinakabahang nagpalinga-linga sa paligid si Sonia. "Ako'y nakabantay sa 'yo. Akin ka... akin ka lang..." ani ng malaking tinig bago tila umaliwalas ulit ang paligid. Lakad-takbo ang ginawa ni Sonia dahil sa sobrang takot. Halos madapa pa ito dahil hindi na tinitingnan ang dinaraanan. Hingal-kabayo nang marating ang munting tahanan nila. "Ina, Ama..." tawag ni Sonia sa mga magulang. "Ate. Mamaya pa uuwi si Ama buhat sa pangingisda. Si Ina naman ay nakina Aling Sela. Kasama si Buboy. Tumanggap siya ng pakyawan sa pananahi." Lumapit si Sabel sa nakatatandang kapatid. "Ate, ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka at hingal na hingal?" Huminga muna nang malalim si Sonia bago muling nagsalita. "Wala. Wala ito. Magpapahinga muna ako sa silid ko. Wala akong ganang kumain eh." "Sige, Ate." Nagtatakang sinundan ng tingin ni Sabel ang Ate Sonia niya. ◇ Nahihimbing na sa tulog si Sonia nang dumating ang kanyang Ina. Ginising nito ang anak. " Sonia, kayo ba ay hiwalay na ni Roberto, ha? aba'y nakakahiya. Alam ng lahat na ikaw ang kasintahan niya pero iba na pala. Baka isipin ng mga tao na mababang uri ka ng babae kaya pinalitan ka agad," mahabang sermon ng Ina ni Sonia na si Aling Dela. Si Mameng ang kababata niya na labis ang inggit sa kanya. Lahat ng bagay na mayroon siya ay pilit na pinabibili nito sa magulang, kahit mapa-manyika man ito o damit. Huling naging alitan nila ay nang maging magkasintahan sila ni Roberto, may isang taon na ang nakalilipas. Madalas pa rin siyang pasaringan ng kababata ngunit hindi na lamang niya ito pinapansin. "Po? Ano pong ibig n'yong sabihin?" Nagpungas ng mga mata si Sonia saka hinawi ang nagulong buhok sa pagkakahiga. Hindi maunawaan ni Sonia ang sinasabi ng kanyang ina. Ang alam niya ay maayos silang naghiwalay ng nobyo sa dalampasigan. "Namataan ko siya kanina kasama si Mameng, nakaakbay pa. Papunta yata sila sa mansyon ng mga Alvaro." Nagmuwestra ang Ina na nakaturo sa bintana nila. "Ina, imposible ho iyon. Maayos naman ho kami ni Roberto. Mamamanhikan nga ho sila sa isang buwan," paliwanag ni Sonia sa kanyang ina. "Anong tingin mo sa akin, malabo ang mata? Malinaw pa ang mata ko. Linawin mo 'yan sa nobyo mo, ay naku bata ka. Iyan ang sinasabi ko sa 'yo noon, huwag si Roberto. Mahirap magkagusto sa mayaman. Aapihin ka lang niyan." Lumabas na ng silid niya ang ina. Naiwang nakatulala si Sonia habang naguguluhan. Imposibleng gawin iyon ng nobyo sa kanya. May tiwala siyang tapat ito sa kanya. "Kailangan naming magkausap. Pupunta ako sa mansyon bukas." ◇ Maagang nagtungo si Sonia sa mansyon ng mga Alvaro kinabukasan upang linawin ang nakita ng ina. Ito ang isa sa pinakamalaking mansyon sa isla nila. Hindi ganoon kayaman ang kanilang isla subalit may ilang mayayamang angkan ang nanirahan dito. Sila ay mga nagmula pa sa malaking bayan sa kabilang ibayo at napiling manirahan sa kanilang isla. Kulay puti ang kabuuan ng mansyon na gawa sa konkretong bato. Malawak ang looban nito na napapalibutan ng mga tanim na puti at pulang rosas ang kabahayan. Ang mansyon ay nababakuran ng mataas na solidong konkreto at ang tarangkahan ay gawa sa metal. Tumapat sa tarangkahan ng mansyon ang dalaga upang tawagin ang nobyo. "Ro..." Hindi na naituloy ni Sonia ang sasabihin nang makita niyang papalabas ng mansyon si Roberto habang kaakbay si Mameng, naghaharutan pa ang dalawa at tila napakasaya nila. Lukot ang damit ni Mameng at magulo pa ang buhok nito. Natigilan ang dalawa nang makita siya sa tarangkahan. "Sonia..." tila naguguluhang sambit ni Roberto. Magtatangka sanang lumapit sa kasintahan ngunit umatras ang dalaga. Ang kababatang si Mameng ay namaywang at nagtaas ng kilay habang nakangisi sa kanya. "Huwag ka nang magpaliwanag. Malinaw na ang lahat," nagbabadyang pumatak ang mga luha ni Sonia kaya tumalikod na ito at tumakbo palayo sa mansyon. "Sonia!" Dinig pa rin ng dalaga ang tawag ng nobyo pero hindi niya ito nilingon. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo upang makalayo rito. Pagkarating sa bahay at agad na pumasok sa silid si Sonia. Nagkulong ito maghapon at umiyak lang nang umiyak. Hindi rin ito kumain maghapon. "Ate, ano ba ang nangyayari sa 'yo?" tawag ni Sabel mula sa labas ng silid ni Sonia. "Kakain na tayo ng hapunan. Mauna na raw tayo sabi ni Ina. May tahiin pa raw sila." "Hayaan mo na muna ako, Sabel. Masama ang pakiramdam ko. Nais ko lang magpahinga," pagdadahilan ni Sonia. Niyakap niya ang sariling tuhod habang nakaupo. Isa lang ang lalaking minahal niya sa buong buhay niya pero sinaktan lang siya nito. Nahigang muli si Sonia, nakatulog dahil sa sama ng loob at sobrang pag-iyak. Mahimbing ang tulog ng dalaga nang tila may itim na usok na lumagos sa bintana papasok sa silid ni Sonia. "Sonia... Sonia... akin ka lang..." Umibabaw sa kanya ang itim na usok. Nagpabaling-baling ang ulo ni Sonia. Tila may kung anong dumagan sa kanya subalit hindi niya maidilat ang mga mata. Tagaktak ang pawis niya, hirap at naghabol ng paghinga saka unti-unting nawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
504.6K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Carrying The Billionaire's Son (Tagalog-R18)

read
481.0K
bc

One Night, One Pleasure | R18

read
136.4K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
459.2K
bc

DARK DESIRE (SPG)

read
41.4K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
822.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook