CHAPTER 2: THE MONSTER

1166 Words
"Are you okay?" masuyong tanong ng nobyo kay Angeli. Narito sila ngayon sa antique shop niya. Hinawakan ni Ivan ang baba ni Angeli para sana halikan ito subalit iniiwas niya ang mukha palayo sa nobyo. "I guess. I'm just tired." Hinilot ni Angeli ang sentido. Napagawi ang tingin niya sa painting na nananatiling nasa sulok ng antique shop niya. Napakunot ang noo niya dahil sa nakita. Ang babae sa painting ay nagbago ng posisyon. Naaalala niyang nakaharap ito sa bandang kaliwa pero ngayon ay nakaharap ito sa bandang kanan. May bahid din ng itim na dugong tumutulo sa leeg nito. Iba ang pakiramdam niya sa nakikita niya pero nais niyang tiyakin ito. Marahang lumapit si Angeli sa painting saka hinawakan ang bandang leeg ng babae, bagong pinta ang dugo. Halata dahil iba ang kulay nito sa halos kumupas na kulay ng painting. "Hon, this black blood paint wasn't here last week. Ngayon ko lang napansin 'to. May nagpintura yata nito." "Baka isa sa mga customer dito na naglaro ng paint." Itinuro ni Ivan ang ilang lata ng paint na nasa kabilang sulok ng antique shop. Mga pinturang ginamit no'ng ni-renovate ang shop bago mamatay si Reighn. "Baka nga. Hindi ko pa pala naaayos 'yan. Halika na, mag-lunch na tayo, naroon na sa cafeteria ang ibang staff." Binalikan ni Angelica ang bag sa mesa bago tinawag ang assistant niyang nagi-inventory. "Minerva, dito ka muna ha. Pagbalik nina Steph pagkatapos managhalian, kumain ka na rin." "Sige po," magiliw na sagot ni Minerva, ang katiwala ni Angeli sa shop. Kaedad ito ni Angeli, matangkad at balingkinitan ang katawan. Makalumang manamit at laging nakapusod ang buhok pero bakas ang magandang hubog ng katawan kahit pilit na itinatago ito. May kakaibang alindog din ang paraan ng paglalakad nito. Umiindayog ang balakang habang marahang lumalakad palapit sa kanila. Inayos nito ang files na nasa desk ni Angeli bago kumaway sa magkasintahan. Lumabas ng shop sina Angeli at Ivan, naiwan ang katiwala. Walang tao nang mga oras na 'yon kaya't napakatahimik ng buong shop. Nagsusulat si Minerva sa log book nang makaramdam siya ng kakaibang kilabot sa buong katawan. Inilibot ang tingin sa paligid subalit walang ibang tao roon. Nagkibit-balikat ito at nagpatuloy sa ginagawa. Subsob ang ulo niya sa pagi-inventory nang makarinig siya ng kakaibang malalim na paghinga sa kanyang likuran. Dumampi pa ang mainit na hangin sa kanyang batok. Nagtayuan ang balahibo ng dalaga. Naramdaman niya ang presensya ng kung sinong nilalang sa kanyang likuran. Kinakabahan man ay nilingon niya ito. Halos lumuwa ang mga mata ni Minerva nang makita nang malapitan ang mukha ng babaeng naka-traje de bodang itim. "Eeeeeehhh!" malakas na tili ni Minerva. Agad na sinakal ng nakakatakot na babae ang dalaga. Buong diin niya itong sinakal hanggang sa mabali ang leeg. Lawit ang dila at luwa ang mga mata ng dalaga. Hindi pa nakuntento ang babae sa painting, iniumang ang inuugat na kamay at mahahabang kuko at kinalmot sa mukha ng babae. Paulit-ulit na pinagkakalmot hanggang sa mawasak nito ang magandang mukha ng dalaga. Nanlilisik ang mga mata nito bago tuluyang naglahong parang usok at bumalik sa painting. May kakaibang ngisi sa mga labi nito. Nakagigimbal ang sumalubong sa kay Angeli at sa staff niya pagkarating sa shop. Nagkalat ang bahid ng dugo sa mga muebles at antique collection nila. Nakahandusay sa lapag ang katawan ng isang babaeng halos hindi na makilala ang mukha pero alam ni Angeli na si Minerva ito base na rin sa suot ng bangkay. "No! This is not happening..." Nawalan ng malay si Angeli dahil sa halo-halong emosyon, mabuti na lang at nasalo ito ng kasintahan. Inihiga ito nii Ivan sa sofa na nasa gilid ng antique shop saka pinaypayan. Dumating na rin ang mga pulis, ininspeksyon ang paligid ng shop at ang bangkay ng katiwala. Pinauwi na muna nila ang limang empleyado at isasara pansamantala ang shop. Nahimasmasan si Angeli matapos painumin ng tubig, agad na naalala ang naabutan nilang karumal-dumal na eksena sa shop. "Bakit nangyayari ang lahat ng ito? Bakit pinapatay ang mga malalapit sa akin?" hinagpis ni Angeli. Niyakap ito ng kasintahan. Nailabas na rin ang katawan ng biktima bago muling lumapit kay Angeli ang naiwang pulis. "Ma'am, ako po si PO1 Jeffrey Ballon. May CCTV po kayo? puwede pong matingnan ang nakuhanan ng camera?" tanong ng pulis. Napaangat ang ulo ni Angeli at wala sa loob na pinagmasdan ang pulis. Lutang pa rin ang isip niya habang kinakausap siya nito, pero niya hindi maiwasang mapagmasdan ang mukha ng kaharap. Maamo ang maliit na mukha nito. May bilugang mga mata at matangos na ilong, tinernuhan ng maninipis na mga labi. Matikas at moreno ito. Ipinilig ni Angeli ang kaniyang ulo. Napaangat siya sa kinauupuan niya. "Mahuhuli namin ang salarin!" Hiyaw niya sa kanyang isipan. Tiningala ang CCTV na nakakabit sa taas na bahagi ng pinto at nakatutok sa sentro ng shop kung saan naganap ang pagpatay. Naikabit ito pagkatapos ng renovation ng shop niya, at hindi pa niya nababanggit sa assistant dahil kagagaling lang nito sa bakasyon habang ginagawa ang shop. Agad na tinungo ang laptop na nakapatong sa mesa niya at tiningnan ang files. Hinanap niya ang oras kung kailan posibleng naganap ang pagpatay sa katiwala niya. "ito!" Agad na lumapit si Ivan at si PO1 Ballon sa likuran niya. Pinanood nila ang video. Nanlaki ang mga mata nila nang makita kung saan nagmula ang nilalang na pumaslang kay Minerva. Parang pelikula na lumabas ito mula sa painting bilang usok at lumitaw sa likuran ni Minerva habang nagsusulat sa log book nang nakatayo. Kitang-kita niya kung paano pinaslang ang kawawang katiwala maging kung paano bumalik ang nilalang sa painting. Sabay na napalingon ang tatlo sa gawi ng painting sa sulok ng shop habang naninigas sa kani-kanilang puwesto. Nagpungas-pungas muna ng mga mata si PO1 Ballon bago nagsalita. "Totoo ba ang nakita ko? Lum..." "Sshhh!" saway ni Angeli sa pulis. Kung totoong buhay ang babae, malamang na nakikinig ito sa kanila. "Anong gagawin natin?" tanong ni Ivan. Marahang nilapitan ni Angeli ang painting saka lakas-loob na huminto sa tapat nito. Inilabas ang phone saka kinuhanan ng litrato ang painting maging ang nakaukit na pangalan at petsa sa frame. Binitbit ni Angeli ang laptop saka inayang lumabas si Ivan at ang pulis. Isinara nila ang shop, tinungo nila ang sasakyan ni Ivan. "Sa condo tayo." Nagmamadaling lumabas sina Angeli ng shop saka tinungo ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD