CHAPTER 1: THE PAINTING

1063 Words
KASALUKUYANG PANAHON Naglilibot sina Jane sa Angel's Antique Shop ng kaibigang si Angeli nang mapansin ang kaibigang si Reighn na nakatitig sa sulok ng shop. "Ano'ng tinitingnan mo?" tanong nito sa kaibigan. Itinuro ni Reighn ang malaking painting na nakasandig sa pader sa sulok ng shop. "Look. That is really creepy." Lumapit si Jane sa itinuro ni Reighn, pinagmasdan ang painting ng isang maputlang babae, makinis ang mukha, mahaba ang buhok nito at may suot na koronang tinik. Mukhang ikakasal ito, ang kaibahan lang ay itim ang suot na traje de boda. Ang mga mata nito ay itim na itim. Nababalutan pa ng papel ang ibabang bahagi ng painting, mukhang hinahanapan pa ng pagsasabitan kaya hindi pa naisasaayos. "What are you looking at, guys?" singit ni Angeli nang mapansing may pinagkakaabalahan ang mga kaibigan. "Mary Angeline, bakit ka nagtitinda ng ganito kapangit at nakakatakot na painting?" Napayakap pa sa sarili si Reighn. "It just arrived earlier. Wala akong mapaglagyan. Kakatapos lang ng renovation at nag-aayos pa kami ng display. Hindi ko rin alam kung bakit napasama 'yan sa delivery. Wala naman akong in-order na ganyan sa catalogue. Wala ring idea ang antique store sa Paris kung saan galing 'yan, wala raw silang items na galing sa Pilipinas. Baka raw sa Custom nagkamali at naisama sa cargo natin." Nilapitan ni Angeli ang painting saka hinawakan ang frame nito. "Unique ang pagkakagawa ng frame, gawang lokal base na rin sa kamagong na ginamit at inukit ito nang mano-mano." Lumapit si Reighn at yumuko, pinunit ang papel na tumatakip sa ibabang bahagi ng painting. Nakita nito ang inukit na pangalan sa sentro ng ibaba ng frame. "Sonia 1818. Nakasulat din sa baba ng painting ang pangalan at petsang Sonia Rubio, September 20, 1818 at pirma ng pintor, Roberto." "Woah! What does that mean? She died 202 years ago? Antique na nga talaga ito. Mabebenta mo nang mahal ang painting na 'to!" bulalas ni Jane. "Who would buy this ugly painting?" May pandidiring itinapon ni Reighn ang papel, tumama ito sa mukha ng nasa painting. "Tara na nga, idispatsa mo na 'yan. Nakakatakot ang itsura." Tumalikod na si Reighn saka nagpatiunang lumakad palabas ng antique shop. Sumunod na rin si Jane dito. Pinagmasdan muna ni Angeli ang painting bago sumunod sa mga kaibigan. May kakaiba siyang nararamdaman sa painting. Sa tingin niya'y nakamasid ang babae sa kanya. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan. Iwinaksi ang nararamdamang kilabot saka siya tumalikod palayo sa painting. Unti-unting nagbago ang mukha ng babae sa painting nang makalabas ng shop ang magkakaibigan. Naglabasan ang mga ugat nito sa mukha at nagliwanag ang mga mata. Mahimbing ang tulog ni Reighn sa kanyang silid nang maramdaman niya ang kakaibang init sa paligid. Nagmulat siya ng mga mata at pinagmasdan ang liwanag ng numero sa split type aircon niya. Normal naman ang naka-set na temperatura kaya't nagtataka siya sa kakaibang init. Inalis ang comforter, babalik na sana siya sa pagtulog nang makarinig ng kakaibang tunog. Tila hinga ng isang nilalang na nagmumula sa balon. "Sino 'yan?" Walang sagot na narinig si Reighn kaya binuksan nito ang lampshade sa gilid ng kama. Nanlaki ang mga nito nang makita kung sino ang nilalang na nakatayo sa gitna ng silid niya. Nanlilisik ang mga mata ng babaeng naka-itim na traje de boda at nakangisi, litaw ang sira-sirang ngipin. Iniumang ang mauugat na kamay na may matutulis na kuko at mabilis na lumutang palapit kay Reighn. Sinakal nito ang dalaga na sindak ang tanging mababakas sa mukha. Hindi na ito nakasigaw man lang o nakapanlaban pa dahil sa lakas ng kakaibang nilalang na sumasakal sa kaniya. Tumunog ang leeg ni Reighn, lawit ang dila at tirik ang mga mata ng dalaga nang bitiwan ito. Iniumang muli ang mga kuko saka kinalmot sa mukha ang kawawang dalaga. Lumutang ang babae paatras palayo sa biktima at unti-unting naglaho. ☆ "What happened?" nag-aalalang tanong ni Ivan kay Angeli habang papalapit sa nobya. Patakbong yumakap si Angeli kay sa kasintahan. "Reighn's brother just found her dead in her room," umiiyak na sumubsob si Angeli sa dibdib ng nobyo. Narito sila ngayon sa morgue kung saan dinala ang katawan ni Reighn para sa autopsy. "Ang sabi ng nag-autopsy, sinakal si Reighn, at ang cause of death ay ang pagkabali ng leeg. Kamay ang ginamit sa pagsakal pero walang fingerprints. May malalaki siyang kalmot sa mukha na parang kalmot ng malaking hayop." "Sino naman ang kayang sumakal at bumali ng leeg gamit ang kamay?" nagtatakang tanong ni Ivan. "Hindi ko alam." Panay iling na lang ang nagawa ni Angeli. Naghihinagpis ang dalaga sa sinapit ng itinuturing na bestfriend. Apat sila nina Jane, at ang kambal na sina Reighn at Rei ang lumaki nang sabay-sabay. Pare-pareho silang nagmula sa ampunan at suwerteng magkakaibigan ang sabay na umampon sa kanilang apat. Naging sandigan nila ang isa't isa sa hirap man o ginhawa habang lumalaki sila. "Angeli!" Humahangos si Jane habang papalapit kay Angeli. "Nabalitaan ko ang nangyari. Bakit gano'n ang pagkamatay ni Reighn?" "May pumatay sa kanya. Gusto kong mahuli ang pumatay sa kakambal ko!" sigaw ng kapatid ni Reighn habang palabas ng autopsy room. Pinagsusuntok nito ang pader. "Stop it, Rei!" Pinigilan ni Jane ang kapatid ng kaibigan. "Hurting yourself won't solve this. Mahahanap din natin ang pumatay sa kapatid mo." Niyakap niya ito mula sa likuran. Hindi niya hahayaang may masamang mangyari sa pinakamamahal niya na kapatid ni Reighn. Matagal na niyang tinatangi ito at ngayong wala na ang kaibigan niya, ipinapangako niyang hindi niya ito pababayaan. Inilibing si Reighn matapos ang isang linggong burol. Wala pa ring nakukuhang impormasyon o lead kung sino ang nangahas pumasok sa condo ng magkapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD