"Ano ho ang nangyayari sa anak ko?" nag-aalalang tanong ni Aling Dela kay Mang Tano. "Maaaring pinaglalaruan ng maligno o tikbalang ang inyong anak. Sa wari ko'y may umiibig na lamang-lupa kay Sonia. Kailangan ninyong ingatan ang inyong anak at bantayan sa lahat ng oras." Nag-antanda ng krus si Mang Tano bago kumuha ng langis at ipinahid iyon sa noo ni Sonia. Nagdasal ito sa lenggwaheng hindi maunawaan ng dalaga at ng pamilya niya. "Mahabanging langit!" bulalas ni Aling Dela. Napayakap ito sa asawa. "Ipatawag ninyo ako oras na muli siyang tangkaing kuhanin ng nilalang na iyon. Ipainom mo ito kay Sonia, tatlong beses isang araw upang maisuka niya ang anumang ipinakain sa kanya sa mga panahong naroon siya." Iniabot ni Mang Tano ang isang botelya na naglalaman ng dilaw na likido. Nangamba