Chapter 3 Gatchalian Travels and Tours

1052 Words
CHAPTER 3 Kelly's POV Nang makababa ako ay nasilayan ko ang isang building malapit sa isang kilalang mall. Gosh! Napakataas ng building! Nalulula ako habang nakatanaw sa pinakamataas na floor, 14th floor ang opisinang dapat kong puntahan. Madali akong pumasok sa building at nakipag-unahan sa elevator, punuan ang elevator sa mga oras na 'yon, rush hour kasi. Pinindot ko ang numerong 14 at naghihintay na bumukas ang pinto. Pansin ko ang kasama kong nakahalukipkip sa isang banda. Matandang lalaki ito na tila kanina pa tinitingnan ang kurba ng aking boobs. Nag smile ako sa matanda. Pilit. Napalunok naman ito sa aking ginawa. Habang ang isa namang binatilyo sa aking kaliwa ay kanina pa ikinikiskis ang kaniyang harapan sa may bandang hita ko. Aba! Pagsasabihan ko sana nang biglang bumukas ang pinto. Nagmamadaling lumabas ang dalawang lalaki. Lumabas na rin ako, at natanaw ko ang napakalawak na office ng 14th floor doon. Bumungad sa akin ang center aisle ng mga cubicle na desk, busy ang mga taong nagtitipa ng keyboard at may mga teleponong nakasiksik sa tainga nila habang nakikinig. Parang call center agent yata ang opisinang napasukan ko? Biglang may dumaan na isang babaeng matangkad at binati ako, "Hello, ma'am. Good morning. How may I help you?" Napakaganda ng tono ng pagtatanong nito sa akin, halatang praktisado at may degree ito. "Uhm. Yes, please, gusto ko sanang makausap ang HR. Ako pala si Ms. Morata. Ms. Helena Kelandra Morata," sabi ko rito na may kaba dahil late na nga ako at sa unang araw pa naman ng trabaho ko. "Oh, ikaw pala si Ms. Morata, ang new tourism aide namin." Ngumiti ito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, tila tinatantya ang quality ng kagandahan ko. "Halika, sumunod ka," ani nito na naunang naglakad na tila rumarampa sa Ms. Universe, catwalk style. Tumaas ang kilay ko rito na tila nakikipagkumpetensya sa akin. Sumunod ako at sa pinakadulong pinto ay kumatok ang babaeng nag-assist sa akin. Napakalandi ng boses nito. I can't hide my expression, kaya naman napa-face palm ako pero binawi ko naman nang sinulyapan niya ang gawi ko. "Mr. Francisco, nandito na po siya," sabi ng babae. Binuksan nito ang pinto at pinatuloy ako habang nakahawak pa rin sa siradora ng pinto, pagkapasok ko ay muling isinara nito iyon at naiwan ako sa loob kasama ng nabungaran kong lalaki. Nakita ko ang isang maginoong lalaki na sa tantya ko ay nasa 30's o higit pa. Tall, dark, and yes, handsome. May pagka-Sam Milby ang dating nito, matipuno ang pangangatawan na halatang nag-eehersisyo. Gym Hunk! He looked at me like a nude figure, from my boobs to my central heating point. Nagtaas ito ng kilay sa aking gawi na-gets ko kung ano ang iniisip nito ngayon. "G-Good morning po, sir. I'm Ms. Helena Kelandra Morata, your new tourism aide," lakas-loob kong sambit upang hindi mapansin ang namumuong kaba sa aking boses. He just smirked. "Hmm. Ms. Morata, you're late," sarkastikong sambit nito. Tumayo ito at sinipat nanaman ako muli mula ulo hanggang paa. "You're beautiful, matangkad, fair skintone, and I think matalino ka naman siguro. Pero for your first day of work? You're 30 minutes late," saad nito sa baritonong tinig. "Sorry, sir, kasi—" Hindi ko na natapos ang aking salita dahil halatang iritable na ito. "Stop reasoning, Ms. Morata. Nangyari na, kaya let's end it and try to focus on this one," sabi nito habang may kinuhang papel sa drawer. "I refer the old staff para sa naka-assign sanang tourist sa 'yo, but here." Sabay abot sa isang papel sa aking harapan. "Read that, para sa naka-assign na trabaho para sa 'yo ngayon," wika nito. Tumalima ako at kinuha ang papel. Hawak ko ang long coupon bond na may mga detalye ng trabaho ko. Pangalan ng taong iho-host ko, tourist iterinary at budget details. Kalakip din dito ang hotel suite coupon na paglalagian ng tourist na pakikisamahan ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang plane ticket. Going to Palawan! Kasali ang pangalan ko! For the first time, makakapagbakasyon na rin ako sa pangarap kong lugar, all credits to my new work, of course. Gatchalian Tourist and Travel agency. Ang swerte ko!  Alas tres ng hapon nang araw na 'yon at susunduin ko na dapat ang tourist na naka-assign sa akin from airport at ire-refer ko sa hotel na naka-book dito, kasama ang assigned driver. I looked back to Mr. Fransisco and I teased his eyes showing my flirty looks. Alam kong alam niya ang mga makahulugang titig ko. Umiwas siya ng tingin sa akin. "Go! Magtrabaho ka na!" saad ni Mr. Francisco sa akin. Nakita ko na may sumilay na ngiti sa mga labi nito habang iniiling ang ulo. Agad akong lumabas sa pinto at nagtanong kung saan naka-assign ang partner kong driver. Nakipagkilala ako kay mang Allan na nakilala ko agad. Ito mismo ang nakasabayan ko sa elevator kanina, parang na-shock nga ito nang kausapin ko at magpakilala na ako ang magiging kasama niya sa byahe. Okay lang naman ito, mabait at matipid lang magsalita. Pumanaog kami sa building at pumunta sa parking lot sa baba. Nakahilera ang mga sasakyan ng kompanyang pinagtatrabahuan ko. Sa pinakadulo ang kotse ni mang Allan, kulay asul na Hybrid Toyota Model. Nagmamadali kaming nagtungo roon dahil traffic day.  Agad naman akong nagkabit ng aking headset saka nakinig sa musika, kailangan ko ng inspiration sa oras na 'to! Si Annie Batungbakal na taga-Frisco Gabi-gabi na lang ay nasa disco Mga problema n'ya'y kanyang nalilimutan 'Pag s'ya'y yumuyugyog, sumasayawSa umaga, dispatsadora Sa gabi, s'ya'y bonggang-bongga Pagsapit ng dilim, nasa Coco Banana Annie Batungbakal, sa disco, isnabera Sa disco, s'ya ang reynaSi Annie Batungbakal na taga-Frisco Laging ubos ang suweldo n'ya sa disco Mga problema n'ya'y kanyang nalilimutan 'Pag s'ya'y yumuyugyog, sumasayawSa umaga, dispatsadora Sa gabi, s'ya'y bonggang-bongga Pagsapit ng dilim, nasa Coco Banana Annie Batungbakal, sa disco, isnabera Sa disco, s'ya ang reynaSa umaga, dispatsadora Sa gabi, s'ya'y bonggang-bongga Pagsapit ng dilim, nasa Coco Banana Annie Batungbakal, sa disco, isnabera Sa disco, s'ya ang reynaSi Annie Batungbakal na taga-Frisco Bigla na lang natanggal sa trabaho Mga problema n'ya'y lahat nagsidatingan 'Di na yumuyugyog, sumasayawSa umaga, dispatsadora Sa gabi, s'ya'y bonggang-bongga Pagsapit ng dilim, nasa Coco Banana Annie Batungbakal, sa disco, isnabera Sa disco, s'ya ang reynaSa umaga, dispatsadora Sa gabi, s'ya'y bonggang-bongga ...itutuloy.               
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD