CHAPTER 4
Kelly's POV
It's a busy Tuesday. Mag-aalas dose na ng tanghali bago namin narating ang NAIA. Nakipagsiksikan ako sa departure area, marami ang nakaabang. Dala ko ang malaking slogan ng pangalang susunduin ko.
Mr. Michael Brent Robertson.
Nangangalay na ako sa high heels sandal na suot ko. Ba't ba kasi ito pa! Kanina pa kami naglalakad ni mang Allan sa NAIA at chine-check kung saan banda ng terminal darating si Mr. Michael. Nakamasid ako sa malayo, tinatantya ko ang bawat amerikanong lalabas sa terminal, pero wala akong makitang puting lahi. Ano ba naman. Kakangalay na maglakad. Maya maya, lumapit sa akin ang matangkad at morenong lalaki na nakatitig sa akin nang diretso.
"I'm Michael," saad nito na suot ang halos nagpang-abot niyang kilay. I raised my right eyebrow.
Nang-go-good time yata 'to, ah. Wala sa hitsura nito ang pagka-Amerikano, Pinoy na Pinoy ang hitsura nito maliban sa matangos na ilong at angking magagandang mga mata. Hindi ako umimik, tiningnan ko lang siya mula ulo hanggang paa, tapos ay ibinaling ko muli ang aking tingin sa ibang nagsisilabasan na tao sa terminal.
Pero pansin ko pa rin na hindi siya natinag at nandito pa rin sa aking harapan. Nang-go-good time yata ang mokong na 'to. Pero in fairness, yummy rin ito kahit may pagkasuplado ang dating.
"Hey? Excuse me, bingi ka ba? I'm Mr. Robertson!" diin na pagkakasabi ng lalaki sa harap ko.
Hinarap ko siya habang naka-cross arms. "Ganoon po ba? Pero hinihintay ko po ang ibang Mr. Michael Robertson," pagmiminaldita ko rito.
Kasi naman, sabi ni Mr. Francisco ay amerikano ang iho-host ko pero ang layo naman sa hitsura nito. Tatawagan ko na sana si Mr. Francisco para sana magtanong ng eksaktong detalye dahil hindi ko naitanong ang hitsura. Basta ang sabi nito kanina ay kababata niya ito sa America.
"Seriously?" sambit ko sa kaniya habang kinakapa ko ang aking telepono sa aking bag na dala. Pero maya maya ay may tinawagan ito sa phone niya, at tila kinabahan ako dahil nakipagkumustahan ito. Si Mr. Nathaniel Francisco yata ang tinawagan niya. Ang boss ko mismo! Ang tanga mo talaga, Kelly!
"Ahm. Hello po, sir Michael," binati ko ito.
"Oh? Akala ko ba hihintayin mo ang Mr. Michael Robertson mo?" wika nito pabalik sa akin suot ang ano-ka-ngayon look. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya, para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
"Eh, pasensya na po. First day ko lang po sa work ngayon kaya kinakabisado ko pa," sabi ko rito.
Sarkastikong nag-cross arms ito sa aking harap habang tinitingnan ako na tila binabasa ang aking bawat galaw. "Ganoon ba? Well, let's not discuss it now, maybe later. By the way, I talked to your boss, my bestfriend. I told him na magaling ang pina-assign niya sa akin na kumuha ngayon, kaya don't worry, hindi ka sasabunin noon," wika nito sa akin pagkatapos ay ngumiti ito ng nakakaloko na may makahulugang tingin.
Napaawang ang bibig ko. Mas nakahinga ako nang maayos sa sinabi niya. Naku! Kung 'di ka lang customer ko kanina pa kita tinadyakan! Pilit akong ngumiti at sumunod sa papalayong lalaki. Kasama ko rin si mang Allan na bitbit ang mga bagahe ng aming iho-host. Sakay kami sa kotse, nakaupo ako sa front seat katabi si mang Allan habang si Mr. Michael naman ay nakaupo sa likuran na tila abala sa pag-swipe ng telepono nito, wala kaming imikan.
Nakakabingi ang katahimikan, traffic din ng mga oras na 'yon. Minabuti kong makipagkwentuhan kay mang Allan. Nalaman ko na hiwalay na pala ito sa asawa at namumuhay ito sa Maynila nang mag-isa. Mayroon daw itong anak sa probinsya at ngayon ay may asawa na. Napatigil ang pag-uusap namin ni mang Allan nang magsalita si Michael.
"Manong, iparada mo muna saglit sa susunod na kanto, d'yan malapit sa kainan. Kain muna tayo, gutom na ako," saad nito habang hawak ang sikmura na tila kanina pa ito gutom, nakalimutan kong tanungin o i-check kung nakakain na ba ito.
Tumango lang si mang Allan, habang ako naman ay walang imik na nakamasid sa harap ng salamin ng kotse at tinitingnan si Michael.
"Yes, miss? Why are you looking at me like that? May dumi ba sa mukha ko?" tanong nito sa sarkastikong tono.
"Wala lang, sir, kasi I thought na Amerikano ang susunduin ko, sabi kasi 'yon ni boss Francisco," pagmamaktol ko.
"Ganoon ba? So gusto mo palang maka-customer ng Amerikano?" He looked at me like nothing, 'yong parang mapanuya.
"Hindi po sa ganoon!" maagap kong sabi.
"Well, I'm proud to be Pinoy, pero nakapag-asawa si mama ng Amerikano kaya naging US citizen ako," he clarified.
"Ganoon ba, saan na pala ang totoong papa mo?" wala sa isip na tanong ko. Hindi ko naisip na napakadaldal ko na pala, parang na-sense kong ayaw na niya itong pag-usapan.
"Hmm. Let's not discuss it na lang, miss," saad niya sa akin.
I looked at him through the mirror at nakita ko na naging seryoso ang mukha nito habang tanaw ang bintana. Malayo ang tingin sa kung saan.
"Ms. Helena, Helena Morata," pakilala ko sa sarili ko kahit na alam kong hindi ito nakatingin.
"Ah. Ms. Helena." Narinig kong sabi niya.
Hindi ako komportableng tawaging Helena, mas ginagamit ko ang palayaw na Kelly bilang pagpapakilala ng pangalan. Pero sa unang pagkakataon, Helena ang naisambit ko sa kaniya. Siguro panahon na rin para baguhin ang pangalang kilala sa mga kasalanan, at siguro panahon na para makilala ako bilang Helena na may ambisyon at pangarap.
Nakita namin ang malapit na cafe kaya pumarada si mang Allan at noo'y pumasok kaming tatlo para kumain. Magaan kausap si Michael, kahit unang impresyon ko rito ay sarkastiko at hambog. Maginoo ito at may malasakit lalo na sa mga matatanda. Maasikaso rin na parang galing ito sa hirap o nakaranas ng kahirapan dati bago naging isang nakakaangat sa buhay. Nag-obserba lang ako habang kumakain.
"Helena, want wings? Or legs?" tanong nito sa akin na tila iba ang pagkakaintindi ko.
"Thank you, sir Michael, pero okay na ako rito," saad ko habang abala ako sa kinakain kong gulay at fries.
"Sir Michael? Ang pormal naman. Michael na lang," sabi nito sa akin na ngayo'y ngumingiti na. Kita ko ang napakagandang dimples nito sa magkabilang pisngi. Ngumiti ako pabalik dito. Naging magkasundo kami ni Michael, ganoon din kay mang Allan. Naging komportable kami sa isa't-isa.
Matapos naming kumain ay nagtungo kami sa hotel ni Michael at sinamahan namin ito para sa mga gamit niyang dala at para na rin malaman ang susunod na appointments nito sa upcoming trip. Room 166, 8th floor ng Larkin Hotel, deluxe suite ito at kumpleto ang kagamitan sa loob. Parang flat studio style. Pagpasok ko pa lang sa kwarto ni Michael ay nangibabaw ang masculine style at mga arkong design sa ceiling na dumagdag sa dark serene ambiance ng kwarto nito. Idagdag pa ang napakalapad na mirror view sa veranda nito na matatanaw ang napakaraming ilaw ng syudad. City life!
Mamamalagi si Michael sa pinas ng tatlong buwan para sa business at personal na bagay. Kaya naman matagal tagal din kaming magsasama nito bilang tourist aide s***h personal atchay niya ako. Napangiti ako sa iniisip ko. Ah, basta! Napaka-green minded ko talaga.
Nakasaad sa kontrata ko kung kailan mamamalagi ang nakatukang tourist or pagsisilbihan na person ay ganoon din katagal ang assessment ko bago i-assign sa ibang customer. Exciting ang trabaho ko kasi hawak ko ang oras, hindi gaanong stress. Makakatrabaho pa ako ng ibang extra gabi-gabi, at 'yon ang pagiging Kelly ko, my dark side.
***
Flashback
Michael's POV
"Thanks, Nate, sa info. Maraming salamat talaga!" sabi ko sabay baba ng aking telepono.
Ngayon, alam ko na kung nasaan ang ipinapahanap ni Duke Simon. Ang babaeng dalawang taon ko nang hinahanap, ang kaniyang pamangkin. It's time to payback Duke Simon's genuine hospitality. Hindi ko mararating ang estado ng buhay na mayroon ako ngayon kung 'di dahil sa kaniya.
"Wait for me, milady," sambit ko habang tanaw ang larawan ng isang club na pinapasukan ng babaeng gusto kong makita.
...itutuloy.