Chapter 2 Kapit-Patalim

1003 Words
CHAPTER 2 Kelly's POV "Ang tagal naman!" bulyaw ko sa pinto ng banyo. Mag-iisang oras na akong nakapila para sana maligo. Late na ako sa unang araw ng pasok ko sa trabahong in-applayan ko noong nakaraang linggo. Kung hindi ko lang nakalimutan mag-set ng alarm. Dumagdag pa ang hang over na nafe-feel ko ngayon dahil sa birthday blow-out ni Shenna kagabi, hindi naman ako pwedeng mawala sa event ng aking one and only bff. "Bwesit naman, oh! Kanina pa ako rito, ah! Ba't ang tagal naman? Baka natulog ka na riyan, Toper?" dagdag kong bulyaw kay Toper sa loob na tila nakatulog o kung anong may pinapanood. "Aish! Ano ba yan! Scandal nanaman ba?" iritableng bulyaw ko rito habang kating kati nang makaligo, dala ko ang isang plastic tray na pinaglalagyan ko ng sabon at shampoo. Nakikiupa lang ako sa maliit na boarding house ni aling Bebang, dito na ako nakatira simula third year college hanggang nakapagtapos na ako at ngayon nga ay magtatrabaho na. Ang daling umikot ng panahon, at ngayon ay twenty two na ako. Isa lamang itong maliit na paupahan sa gilid ng malaking ilog ng Pasig. Squater area. Para sa akin, okay na 'yon kaysa walang matuluyan dito sa napakalaking syudad ng Maynila. Sanay naman ako sa hirap. Kinakatok ko nang walang tigil ang pinto nang biglang nagresponde si Toper, "Teka lang, Kelly!" ani Toper na nagto-tootbrush. Lumabas ito na nakatapis ng tuwalya lang. Madali akong pumasok para makaligo. Laking squatter lahat ang tao dito at kabilang na ako roon. Simula pagkabata ay dama ko na ang karalitaan, lumaki ako sa puder ng nakatatandang kapatid ng aking ina na si tiya Lourdes. 'Di ko na nakita ang aking ina dahil pumanaw ito noong sanggol pa lang ako, habang ang ama ko naman ay hindi ko kilala. Sabi ni tiya, isa lamang itong customer ng aking ina noon at ang tanging natatandaan nila ay ang palayaw na 'Bong'. Nabuntisan lang daw ang mama ko at ako ang naging bunga ng isang customer-GRO tandem. Ang swerte 'di ba? Oo, GRO ang nanay ko at hindi ko ikinakahiya 'yon, pati nga tiya Lourdes ko ay GRO rin, iba-iba ang ama ng anak nito. May anak siyang Hapon, si Yuki. May anak siyang Amerikana, si Hanna. Si Eshan, anak niya sa isang nakilalang Bombay na naging suki nito sa bar dati. Ganiyan lang ang buhay namin. Kayod kalabaw. Kaya nang makatapos ako sa high school ay lumuwas ako galing sa probinsya ng San Luis at pumunta sa sentro ng lungsod ng Maynila para dito ko masimulan ang pagwo-working student habang kada gabi ay nagtatrabaho ako. Nagtitinda ng barbeque, balot, o kwek kwek. Suma-sideline din ako sa mga pageant at mga patimpalak sa mga barangay. Isali pa ang extra ko na raket, naging cigarrete vendor, nakapag cashier sa karinderya, nag promodiser ng mga cologne, nag-ahente ng mga appliances, naging raketerang model sa isang sardinas at pati na rin ang pagiging escort girl ng mga matatandang mayayaman. Iyon ang the best raket ko sa lahat. Escort girl. No choice, eh. Doon madali ang kitaan. Marami akong qualities na nakakapanlibog sa kalalakihan. Kapit-patalim ang uri ng trabaho ko. Nineteen years old pa lang ako noon nang mawala ang pagkabirhen ko, unang pagkakataon 'yon na magtrabaho ako bilang escort girl. Sinamahan pa nga ako ni tiya Lourdes noon. Hinding-hindi ko malilimutan 'yon, ang araw na nakuha ako ni ginoong Damian, ang lalaking kumuha sa pagkabirhen ko. Malapit ako sa kaniya kasi siya halos ang nagpatapos sa akin sa pag-aaral noong nag fourth year na ako sa high school at noong magkolehiyo na ako. Nakilala ko siya sa isang textfriend bulletin sa isang dyaryo noon, looking for a friend, kaya naman sinubukan ko at sakto naman na napakagalante nito kahit na napakaaktibo o malibog. Iyong tipong mahilig humimas at napaka-touchy, pero okay lang kasi siya rin naman ang nag-finance sa napili kong kurso na Tourism nang magkolehiyo na ako. Praktikal lang. Sugar daddy ko si Damian. Yes, why not? Walang commitment. Give and take lang, 'di ba? Matapos maghanda sa aking sarili ay agad na akong naglakad papaalis sa isang makitid na eskenita. Napaisip ako habang tanaw ang malayong bukana ng highway na tinatahak ko. Maya maya pa ay narinig ko nanaman sila. "Witwiw!" satsat ng mga lalaki sa eskinitang halos araw-araw yata akong inaabangan. Habang dinadaanan ko ang kalye ay nagsisipolan ang mga tambay sa suot kong uniporme, sexy corporate attire ito at bakat na bakat ang kurba ng aking dibdib. Nakapasok ako bilang tourist agent sa isang kilalang kompanya na nagke-cater ng mga tourist sa lungsod ng Pasig at ina-assist namin sa mga destination na nakatalaga kung saan ang mga ito. Just a decent job for my morning routine. "For my morning, p*ta!" sabi ko sa pagkakabigla. "Pst, sexy! Pa-kiss naman!" satsat ng isang tambay sa akin habang naglalahad ng dila na tila nilalaro sa labi nito. Yuck! Kamukha ni Tokmol! Naalala ko ang lasinggero naming kapitbahay sa San Luis. Inirapan ko lang ito, sanay na akong bastusin ng mga ito, ikaw ba naman halos araw-araw na napapasubo sa daan at matyempuhan ang mga ito. Halos kilala na ako sa Pasig bilang prangkadera at bilang escort girl na kung titingnan sa lipunan ay napakababang uri ng babae. Ika nga ng ilan, ka-level ng GRO. Well, balewala lang sa akin 'yon, at least may degree na ako ngayon at 'yon ang unang hakbang ko na makaahon sa kinasasadlakang kahirapan na kinamulatan ko. Sakay ako ng taxi papuntang trabaho, halos trenta minutos lang ang layo nito sa lugar ko pero dahil late na ako ay nagpasya akong mag taxi na lang. Ibinaba ako ng matandang driver na kanina pa nagpapapansin sa t'wing nagtatama ang mga mata namin sa salamin. Pansin ko pa ngang hinipuan niya ang kamay ko nang mag-abot ako ng bayad. Napaputok ng wala sa oras ang kanina ko pang nginunguyang bubblegum. Naglipana na talaga ang mga maniac! Sabi pa ng utak ko saka inismiran ito.  "God bless po!" dugtong ko pa rito saka bumaba. ...itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD