Chapter 1 The Past
CHAPTER 1
Kelly's POV
"Ate! Ate Clarisse!" sigaw ko habang napapabalikwas ako sa pagkakatulog. Binangungot nanaman ako ng aking nakaraan, ang nakaraang hinding hindi ko malilimutan. Ang pagkatupok ng apoy sa gusaling nandoon si Ate Clarisse, ang aking nag-iisang kapatid.
Matagal na panahon na akong hindi nakakauwi sa Pampanga, ang lugar kung saan naging kilala ako bilang si Kelly. Ang babaeng anak ng p*ta, ang inang kinahumalingan sa angking ganda na si Vera. It's a total disaster when my mama decided to swift to a different path. Galing sa isang respetado at relihiyosong angkan ng mga Alcantara ay biglang isusubsob ang sarili sa putikan at magiging babaeng bayaran. Iyan ang pagkakaintindi ko sa inang si Vera. Gaya niya ay namulat ako sa mundong ginagawalan nito. Isang call girl, escort girl, isang bayaran.
Lumaki akong gano'n. Ikaw ba naman ang halos kinalakihan nang atmosphere at scenario ang kalakalan ng laman at aliw, hindi ka ba makikisawsaw? As a matter of fact, I have no choice. Bagama't gano'n ang uri ng buhay na mayroon ako, masasabi kong laki sa hirap ako pero palaban. Kinayanan ko lahat, mapaibaba man o gaano pa ito kataas na uri ng trabaho, kinakaya ko. Iisa lang ang nasa utak ko at patuloy na nakatanim dito—kapit sa patalim.
Kung maarte ka, patay ka. Kung matapang ang sikmura mo, buhay ka. Diskarte lang. Kahit nga ganoon ang pang-aalipusta sa amin, nagpapasalamat pa rin ako sa aking ina at ama na binigyan ako ng magandang mukha at tindig artistang appeal. Kahit sa ganitong paraan man lang, maitago ko na kabilang ako sa mga hampaslupang nilalang. At least rich girl kung tingnan.
May pagka-Hispanic ang beauty na mayroon ako, 'yan ang kadalasang saad ng mga kakilala ko at sabi na rin syempre ng aking nag-iisang bff na si Sheena. Sheena Salvador, same as my case, escort girl din. Birds with the same feather, share the same career together.
Nakilala ko si Sheena sa college days ko. Nineteen years old ako noon at sugar daddy ko si Sir Damian, ang uhuging matanda na kumuha sa aking pagkabirhen. Ganoon lang talaga. Win-win ika nga nila. Hindi naman ako lugi dahil sinuportahan niya ako since day one ng college hanggang makatapos ako nito. Bachelor of Science in Tourism Marketing.
Let me introduce myself, I am Helena Kelandra Alcantara Morata, ang magandang anak ni Vera Alcantara, ang pinakamagandang dilag sa bayan ng San Luis, Pampanga. Bukod doon ay wala na akong ideya kung ano at anong mayroon ang inang hindi ko nakagisnan dahil namatay ito nang isinilang ako. Si itay ko naman, wala akong trace kung nasaan ito, basta ang alam ko, 'Bong' ang palayaw nito.
Hindi na rin ako nagtatatanong kay tiya Lourdes. Sakit lang sa ulo kung magkaganoon. And of course, speaking of my beautiful tiya, salamat kay tiya Lourdes dahil isinabak niya ako sa ganitong kalakalan, kaya naman ngayon ay wais at matatag ako mag-isip. Practical basis. The more customer, the more kita.
Pero kahit ganito ang lahat ng naibanggit ko patungkol sa sarili ko ay may ambisyon din ako, isang mataas na ambisyon. Ang makaahon sa putik na kinasasadlakan ko ngayon, at makalasap ng marangyang buhay na sa tingin ko'y deserve at dapat na para sa akin at sa pamilya ko.
Dahil doon, napagdesisyunan kong pumunta sa Manila at dito na makipagsabayan. Makipagsabayan sa mabilis na ikot ng mundo, kung saan talo ka kapag huminto ka. Talo ka kapag mahina ka. Dapat matuto kang makisabay at maging matapang kahit na tapang tapangan lang ang lahat.
Sa aking pakikipagsapalaran sa Maynila, saktong napadpad ako sa isang kompanya na hiring ng Tourism Aide, nag-apply ako at nagbakasakali na swertehin. More work, more ipon; More sideline, more ipon din.
Gatchalian Travel and Tours.
"Just wait. Makakapasok din ako sa inyo. Ako si Kelly, a.k.a Helena, ang dakilang raketera at babaeng kinakaya ang lahat, kaya hintayin ninyo ako! Makakapasok din ako r'yan," cheer ko sa sarili.
Tulala ako ngayon na nag-iimagine sa labas ng building ng Gatchalian Travel and Tours. Naghihinatay ako na tawagin para sa interview. Kabado ako sa mga oras na 'to, hindi ako mapakali lalo pa't marami ang nakapilang aplikante. Parang wala ako sa kalingkingan ng mga ito. Kakarampot pa naman ang English na alam ko. Patay na! Baka English ang Q and A portion. Nag-oobserba lang ako sa kabuuan ng hallway ng building hanggang sa napagitla ako bahagya nang marinig ang mismong pangalan.
"Next, Helena Kelandra Morata," tawag ng guard sa akin at sumenyas na ako na ang susunod na papasok sa isang mini cubicle malapit sa glass door. Nagpaunlak ako rito at napaupo sa isang plastic chair.
Isang matabang babae ang nakaupo at may hawak na mga papel, tila mga resume ito ng mga aplikanteng nakapila pa rin sa labas. Obviously, isa na ako roon. Sinipat niya ang gawi ko at ngumuso na tila dapat ko itong pakinggan nang mabuti. Parang may quiz lang sa school, ah. Bahagyang pagpapatawa ko pa sa sarili na noo'y nanginginig sa takot at sa aircon na kontodo full sa lamig.
Binasa niya ang aking mga dokumento at nagpapalit-palit ng tingin sa akin. Parang namamalikmata yata ito. Halata n'ya siguro ang aking edited na litrato?
Inadjust ko ang whitening effect ng mismong larawan, kaya naman napakaputi ko sa litrato ng aking two by two ID picture kaysa sa ngayon na may pagka-tan skin na normal na skintone ko talaga.
Nagsalita ito habang nakapangalumbaba sa aking gawi, "So, Ms. Morata, tell me about your story," tanong nito sa akin habang suot ang makapal na eyeglasses niya na animo'y tinitingnang mabuti ang aking mukha.
Huminga ako nang malalim at nakangiting isinalaysay ang aking kwento. Sa pamamagitan ng unang katagang ibinigkas ko.
"I am Helena Kelandra Morata, and this is my story..." sabi ko pa saka ngumiti. Kung anuman ang kahahantungan ng istorya ko, i will surely make it simple as my name.
Ngumiti lang sa akin ang babaeng bopis na iyon saka nagtaas ng kilay. Kung siguro'y wala akong manners, baka naadobo ko na ng babaeng 'to.
...itutuloy.