Chapter 5 Gimik

1602 Words
CHAPTER 5 Helena's POV "Gimik time!" sigaw ko habang suot ang napakaikling red dress na may v-cut style sa dibdib na nagpapa-stand out sa akin. Naka-high heels at kontodo make up. Sabay sa beat ng disco sounds at mga ilaw na nagpapaliwanag sa madilim at mausok na bar. Marami ang nagsi-shisha, at ang iba naman ay nagvi-vape. Ubod-lakas na humataw si Sheena sa dance floor, napaka-sexy ng suot nitong black cocktail dress. As usual, nagpa-party kaming dalawa kapag may problema kaming pag-uusapan or a celebration sa aming mga buhay. Kasama ni Sheena ang boylet nito, hindi ko kilala kasi bago nanaman. Ganiyan si Sheena, every week may ka-date na bago or sugar daddy. "Siz! Maiwan ka muna namin, ah. May pupuntahan muna kami saglit," saad ni Sheena sa akin habang nakangiting kumindat nang makahulugan. Gets ko na 'yon. Dating gawi. Tumango lang ako sa kaniya at nag-handsign ng circle cash hand. Nagpatuloy ako sa pagsasayaw sa dance floor, lahat ng kalalakihan ay nakatingin sa akin. They're staring at my big boobs and round ass. I get it. Sinadya ko rin 'yon para naman mag-stand out ako ngayong gabi. "Yeah! I'm so happy for my new job!" naibulalas ko habang hawak ang baso ng vodka. Someone came over me at nagpapakitang gilas sa pagsayaw. Pagkalipas ng ilang segundo ay may dumating din na isang lalaki na kontodo pa-cute sa akin, malaki ang braso nito at dibdib. Nag-aagawan silang makuha ang atensyon ko. Pero isa lang ang point ko sa gabing iyon, to be happy. Magpapakasaya ako ngayong gabi! Marami ako pwedeng i-celebrate. Una, natanggap ako sa pinag-applayan ko; Pangalawa, naka-start na ako kaninang umaga; At pangatlo, pwede akong maglakwatsa ngayong gabi dahil wala akong pasok bukas! "Hi, miss. You're so attractive, can I dance with you?" anang unang lalaki. "I'm David," pakilala naman ng pangalawa. "I'm Sam, can we dance?" pakilala ng isang lalaki sa sumasabay sa akin sa pag-indak. "Oh, sure," sambit ko rito at agad namang lumapit siya sa akin at napahawak ako sa braso nito habang gumigiling. Naparami na yata ako sa inom. Nanlalambot na ang mga tuhod ko. Normal lang naman sa akin ang ganoong type ng lalaki. I have no control of it, kaya on-the-go lang ako. Besides, masaya ako ngayong gabi. Nakipagkwentuhan, nakipag inuman, at dating gawi, nakipag-check-in. Malaki ang in-offer sa akin ng guy, sayang naman, at bet ko rin kasi pogi at napaka-masculine ng figure. Alam ko ang pigura ng lahat ng lalaki at kung paano ito pasayahin, in a sosyal way, ha. Hindi in a cheap way. Kaya nga tawag sa akin minsan, call girl or escort girl. Marami akong kilalang tao na napagserbisyuhan ko na. Marami at halos sa mga ito ay nasa gobyerno, mga matatanda na't walang asawa o hiwalay na. Mga lalaking naglalagi sa bar o sa casino ng mayayamang negosyante at minsan nga mga milyonaryo ang customer ko. 'Yon ang buhay na nakasanayan ko. Mag-aalas tres na ng madaling araw. Nasa may bandang Quezon St. ako at pumapara ng taxi, nahihilo na ako dahil sa mga alak na nainom ko at kalalabas lang namin ng guy na umaya sa akin sa hotel. Sam daw ang name nito, but it doesn't matter to me, anyway. Pilit kong inaayos ang aking sarili. Napansin ko ang sasakyang paparating, pinara ko ito habang hawak ko ang aking sling bag. Hilong hilo na ako noon kaya hindi ko na halos mabuksan ang pinto ng taxi. "M-Manong, sa may Pasig, ho, malapit sa 7-eleven station." "Pasok ka." Iyon lang ang narinig kong boses at pagkatapos ay nagdilim na ang paligid ko. Hilong-hilo ako na nakasandal sa front seat ng taxi. Hindi ko na maaninag ang lugar kung saan na ako banda no'n, basta ay tinulungan ako ng driver na pinara ko kanina. I looked at him, pero napapikit nanaman ako dahil sa pagkahilo. Naaamoy ko ang pamilyar na pabangong hindi ko maalala kung kanino. *** Michael's POV Bakit kasi naglalasing, eh. Akay-akay ko si Helena. I don't have any choice kaya dinala ko na lang siya rito sa unit ko. Hindi ko rin alam ang address niya. Papasok na kami sa elevator, lahat ng madaanan namin ay ako ang tinitignan. The hell am I doing this for! *** Helena's POV Pumikit lang ako at dama ko na kinakarga ako ng driver na iyon. Kinabukasan, nagising ako sa isang kama. Wala akong damit, nakatabon lang ng isang puting kumot ang hubo't hubad kong katawan. Imposible! Hindi ganito ang hitsura ng kwartong napag-check-in ko sa lalaking nakasama ko sa bar. Teka? Pamilyar ang hitsura ng kwarto. Madali akong tumayo kahit pa wala akong saplot at tanging hawak ko lamang sa mga oras na 'yon ay ang kumot. Hinanap ko ang switch ng ilaw, madilim at parang haunted ang nakapaligid na dark curtains. Familiar ang disenyo ng hotel, parang nakarating na ako rito. Pero saan? Kaninong kwarto ito? At sinong nagdala sa akin? Nagawi ako sa maliit na kusina. May nakatalikod na lalaki at naghihiwa ng kung ano, naka-apron ito. "Sino ka?" tanong ko rito. Hindi ito umimik. "Ba't ako nandito?" dagdag ko pang tanong sa kaniya. Gulong-gulo ang isip ko. Nang humarap ito ay laking gulat ko nang makilala kung sino ito. Si sir Michael! Sa gulat ko ay nalaglag ko ang hawak na tabon sa katawan. Nakita ko ang expression ng mukha ni Michael habang nakatingin sa akin, ako nama'y nagkandaugaga kung ano ang unang tatakpan. Tiningnan lang ako ni Michael at lumapit sa akin, ipinangtakip nito ang suot na apron. Umiiwas ito ng tingin sa akin habang isinusuot ang apron sa ulo ko. "S-Sir Michael, paano ako nakapunta rito?" lakas-loob kong tanong dito. "Well, nakita kita sa may QC kagabi. I decided to rent a car para maglibot-libot at mamili ng mga needed stuff ko. Then, nakita kita na lasing na lasing kaya pinarada ko ang sasakyan ko," he clarified. "Ah, g-ganoon po ba?" "Yes, Ms. Morata. And, napakabaho ng damit mo last night. Nagsusuka ka kaya tinanggal ko na lang lahat sa katawan mo." Nag-echo ang word na katawan mo. Parang may kuryenteng dumaloy sa puson ko. Maghunos dili ka, Kelly!  "Ikaw ang nagtanggal lahat?" pabalik kong tanong. "Oo, bakit?" Nakatitig lang si Michael sa akin. I just stared his way also at natatanaw ko ang emotionless nitong mukha. Gaya niya ay wala akong response. "It's not new for me, Ms. Morata. Laking States ako, remember?" pagkaklaro niya sa akin habang naka-cross arms. Sa sinabi niyang iyon, kahit papaano ay nawala ang hiyang bumalot sa akin. "Ah, thank you po, sir," sambit ko sa kaniya. I don't know why pero kanina pa dumadaloy ang kuryente sa puson ko. "'Ba't ka kasi umiinom kung hindi mo kayang umuwi? Alam mo namang maraming naglipanang masasamang tao rito sa Maynila," may concern sa tono nito ng pagsasalita. Napa-smirk ako habang nakatitig sa kaniya. Aish! "Magbihis ka na," dagdag nitong sabi sa akin. "Eh, wala akong maisuot," saad ko sa kaniya habang nagpapabebe voice ako. Para akong nanumbalik sa pagiging teenager. Kinikilig ako habang nakatitig sa concerned na mga mata ni sir Michael. "Isuot mo muna 'yong white t-shirt ko," aniya habang itinuturo ang nakatuping damit sa lamesa. Madali ko itong kinuha at isinuot. He looked at me like a child na kemeng isinusuot ang t-shirt na bigay niya. Wala akong panloob, klaro pa rin ang mga nagsisitayuang korona ng aking dibdib. Nakita kong napalunok si Michael, nahuli ko siyang tinititigan ito. "Oh! Let's eat now, nagluto ako ng Italian spaghetti," sabi nito habang pinagsasandok ako ng spaghetti sa plato. Hindi ako makapaniwala na mismong customer s***h amo ko na dapat ako ang umaasikaso ay mismong nag-aasikaso sa akin ngayon. Sumasakit ang ulo ko sa mga pinaggagagawa ko ngayon. Ano ka ba, Kelly! Magpaka-Helena ka, please! Maya maya ay narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. ''Helena, halika na," tawag ni Michael sa akin. Pagkatapos niyang maipagsandok ako ng spaghetti ay umupo ako sa harap niya at nag-umpisang kumain. Nag-usap kami nang pormal sa simula, nagkakailangan pa kami hanggang sa pagkaraan ng mga oras ay naging kaswal na kaming nagkwentuhan ng kung anu-anong bagay. Kasama na roon ang mga bagay na kami lang ang nakakaalam. Pareho pala kami. Nagkagaanan kami ng loob, parang tropa ang dating ng paraan paano kami mag-usap. Tumulong ako sa mga hugasin, nilinis ko rin ang kusina, nag-arrange ng mga pinamiling gamit ni Michael at pagkatapos ay umalis na ako. Suot ang makapal na sandong panloob at ang puting t-shirt at jogging pants na ipinahiram ni Michael sa akin. Nagmukha akong losyang. Pumara ako ng taxi at umuwi na. Napagod ako, iyon pa naman sana ang araw ng off ko. Sa halip ay parang naging duty pa rin ito dahil out of nowhere, napunta ako roon mismo sa hotel ni Michael, na mismong boss ko pa. Pagkapasok ko sa kwarto ay tanaw ko ang napakalaking agwat ng estado ng pamumuhay ko at ni Michael. Nakikiupa lamang ako ng maliit at mainit na boarding house, samantalang napakakomportable ng pamumuhay niya. Hays. Makatulog na nga.  Pagod akong napahiga sa aking kama. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang 10 missed calls ni Sheena. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ito tumatawag, abala kasi ako kay Michael kanina. Anyway, nag-text na lang din ako rito ng nakauwi na ako para hindi ito mag-alala. Muli akong napatitig sa kisame. Iniisip ko ang mga oras na magkasama kami ni Michael. Sa loob ng maikling panahon ay napakagaan ng loob ko sa taong 'yon. Hindi ko namalayang dinalaw na ako ng antok. "Huwag kang magtangkang paibigin ako, dahil kahit hindi mo pa ginagawa, bihag mo na ako." Michael          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD