Austeja Nang mag-aya si Jesse na magtungo na sa table kung nasaan sila Zigger ay hindi na ako makapaghintay na makarating doon. Hindi ko na inalintana ang braso ni Landon na hanggang ngayon ay nasa may balikat ko pa rin. Ramdam ko na ang pawis na namumuo roon subalit mas ginusto ko na lamang na hindi pansinin. Alam kong sa segundong makaupo na kami, aalisin rin naman niya ito. Hahayaan ko na lang muna siya sa ngayon. Baka rin kapag napansin kami ni Zigger, magtanong iyon sa akin, at doon ko sasabihin na ayoko sa lalaking ito. Medyo malayo pa lamang ay natanaw ko na agad ang mga lalaking magkakatabing nakaupo sa harapan ng isang lamesa. Iyong blonde pa lang na buhok ng kaibigan ni Zigger, alam kong sila na ito. Malapit sa may swimming pool ang table nila at parang malaki rin kumpara sa