Chapter 4

2552 Words
Austeja Binabalak ko pa lamang na magpalit ng suot katulad noong sinabi ng pinsan ko sa akin ay nakarinig na ako ng mga panibagong tinig mula sa labas ng kuwarto. Pati si Althea na sinusuri ang mga naka-ayos na niyang damit sa bag, napatigil sa ginagawa. Hindi ko na kailangang manghula pa sa kung sino ang mga bagong dito sa pamamahay namin. Malakas ang kutob ko na ang pamilyang Salcedo na ang mga iyon. Naririnig ko kasi ang malakas na halakhak ni Papa. Para bang ang pagdating ng pamilyang hinihintay niya ang makapipigil sa amin sa pag-alis. Halatang nabuhayan siya ng dugo. Baka iniisip niya na dahil sa nandito na si Ivan at ang pamilya niya, hindi na kami matutuloy sa pagsama namin sa mag-inang Archeron. Pero sa tingin ko naman ay kahit na ano ang gawin ni Papa, hindi papayag si tita Elizabeth na iwanan nila kami dito, lalo na ngayong alam na talaga nila ang nagaganap dito sa loob ng tirahan namin. Hindi rin naman siguro hahayaan ng pinsan namin na mawalang kuwenta lang iyong pagtutok niya ng baril sa tiyuhin niya. “I think the Salcedos are here,” pahayag ko sa kapatid ko. Hindi ko naitago ang pagkabahala na humalo sa tinig ko. Tipid na ngumiti si Althea saka naglakad palapit sa akin. “Don’t worry, Aus,” aniya saka malambot na hinaplos ang braso ko. “Kahit na sino pa ang dumating, aalis pa rin tayo sa impyernong bahay na ito.” May assurance ang tinig nito, at hindi mo malalasahan ang pagdududa na makakaalis nga kami dito. Mukhang kahit na ano ang mangyari, buo na talaga ang desisyon ng kapatid ko na layasan ang tatay namin. Dumating man si tita Elizabeth at ang anak niya o hindi, desido na talaga ang kapatid ko na umalis na sa puder ng ama niya. Subalit kahit gano’n ay hindi pa rin ako mapanatag. Paano kung pilitin ako ni Papa na manatili dito sa kanya at papiliin na hahayaan niyang sumama si Mama at Thea sa tita at pinsan ko basta maiiwan ako dito kasama siya? Paano kung gusto pa rin niyang matuloy ang kasunduan sa pagitan ko at ni Ivan? O papaano kung si Ivan mismo, gustong matuloy ang napag-usapan nila ng ama ko? Ano ang magagawa ni tita Elizabeth at ng kanyang anak kung sakali mang magkagulo dito sa bahay? May hawak mang baril si Zigger subalit kung nandito ang buong pamilya ni Ivan, may magagawa ba siya para humadlang? May gagawin ba siya para sa akin na pinsan lang niya na ngayon lang yata niya nakita at nakilala? Ilalagay ba niya sa kapahamakan ang sarili niya? Walang magandang record ang mga Salcedo rito bukod sa mayaman sila. Kahit nga iyon ay mula sa illegal na paraan. At bakit nga ba may dalang baril ang pinsan ko? Normal na ba sa pamilya nila ang gano’n kapag umaalis sila? Hindi ko man lang rin nakitaan ng gulat ang nanay niya kanina noong itutok niya ang baril sa tatay ko. Siguro ay gano’n talaga kapag mayaman ka; dapat ay may dala kang armas upang maprotektahan mo ang sarili mo. Pareho kaming napatingin ni Thea sa may gawing pintuan nang bigla iyong bumukas. Kumabog kaagad ang dibdib ko nang walang sabing pumasok ang ama ko dito sa loob, subalit hindi ko alam kung bakit bigla na lamang iyong nawala nang mapansin ko ang lalaki sa may likuran ni Papa. Inihilig nito ang isang braso sa hamba ng bukas na pintuan saka ibinulsa ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot niyang pantalon. Nakatingin rin siya sa gawi namin na animo’y pinapanood kami—o mas mabuting sabihin na binabantayan niya ang bawat gagawing kilos ng tatay ko. “Nandito na si Ivan kasama ang pamilya niya, Austeja,” aniya gamit ang malumanay na tinig saka ako ginawaran ng isang ngiti nang makalapit siya sa amin. Ngunit halatang-halata na iyong ngiti niyang iyon pakitang-tao lamang. Lagi niyang ginagamit ang ngiting iyon kapag gusto niya akong sumunod sa kanya. Para bang napakabuti niyang ama at makabubuti rin sa akin ang gusto niyang ipagawa. “Pa…” may pagmamaka-awang sambit ko habang umiiling. “Itutuloy mo pa rin, Pa?” Panunuyang singit ng kapatid ko saka humarap sa akin. “Hindi mo sila kailangang harapin, Aus. Aalis na rin naman tayo rito.” Muli nitong ibinaling ang ulo sa tatay namin gamit ang matapang na mukha. Marahas na lumanghap ng hangin si Papa. Halata ang pagpipigil sa hitsura nito. Kabisado ko ang ugali niya, at alam kong nangangati na ang mga palad niya sa mga sandaling ito. Gustong-gusto na niyang ipadapo ang mga iyon kay Althea simula pa kanina. Hindi ko maiwasan ang pagguhit ng takot sa sistema ko, subalit nagpapasalamat rin ako dahil hindi niya iyon magawa-gawa. At malakas ang pakiramdam ko na ang pumipigil sa kanya ay ang katotohanang nanonood ang pamangkin niya. Muling lumanghap ng hangin si Papa sa kalmado nang paraan saka pa pumikit. Pagmulat niya ng mga mata ay diretso nitong tinitigan ang bunsong anak. “Iwanan mo muna kami rito ng ate mo, Althea,” utos ni Papa sa medyo matigas na tinig. “May pag-uusapan kaming dalawa.” “Hindi, Pa.” Matigas na salungat ng kapatid ko. “Tara na, Aus. Nang makaalis na rin tayo sa kulungang ito!” Pasinghal nitong sabi saka hinawakan ang braso ko. “Althea…” gigil at may pagbabantang sambit ni Papa. “Labas!” Sigaw nito. Mabilis akong nagtungo sa harapan ng kapatid ko at itinago siya sa likuran ko nang makita kong inangat ni Papa ang isang kamay niya. Kahit na lalong tumingkad ang takot na nararamdaman ko at alam kong masasaktan ako ay wala akong pakialam. Alam kong sa puntong ito ay nawalan na talaga siya ng kontrol sa sarili, at hindi ko mapapayagang saktan niya ulit si Althea. Pumikit ako at hinintay na dumapo sa akin ang kamay niya subalit lumipas ang ilang segundo ay wala akong naramdamang lumapat na palad sa kahit na saang parte ng balat ko. Nang maramdaman ko ang paggalaw ni Althea sa likuran ko ay doon ako nagmulat ng mga mata. Unang dumapo ang mga mata ko sa lalaking nakahilig pa rin sa may hamba ng pintuan. Mukhang hindi man lang siya gumalaw sa puwesto niya. Diretso at seryoso itong nakatingin sa mukha ko. Para ring nagtatagis ang mga bagang niya dahil sa hindi ko malamang dahilan. Nang bawiin ko ang paningin ko sa kanya at ibinaling sa tatay ko ay napansin ko na iyong inangat niyang kamay ay naka-muwestra sa may gawing pintuan. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko dahil sa napagtanto ko na mukhang hindi naman niya pagbubuhatan ng kamay ang bunso niyang anak. Humugot ako ng hininga dahil bahagya akong nakaramdam ng ginhawa. Tumalikod ako sa tatay ko para harapin ang kapatid ko na makikitaan mo nang konting pag-aalala ang mukha. “Sige na, Thea. Lumabas ka na muna. Kakausapin ko lang sandali si Papa.” Tipid akong ngumiti sa kanya nang gumuhit ang pagtutol sa mga mata nito. “Huwag na huwag kang papayag kahit na ano ang sabihin niya sa’yo, Aus,” bilin nito. Bago pa man ako makatango sa kanya ay naglakad na siya tungo sa pintuan. Sinundan ko siya ng tingin, samantalang ang tatay namin ay sumunod sa likuran niya. Umalis naman si Zigger sa may hamba at tuluyang lumabas rin para mabigyan ng daan ang kapatid ko. Napalunok ako nang hawakan ni Papa ang handle ng pintuan nang tuluyan nang makalabas si Thea. Muli ring nabuhay ang takot dahil sa katotohanang maiiwan akong mag-isa rito sa kuwarto kasama siya. Kung ano na rin ang pumasok sa isipan ko na maaari niyang gawin sa akin. Gusto ko siyang pigilan nang isasarado na nito ang pintuan subalit ginawa na iyon para sa akin dahil isang ulo ng puting sapatos ang humarang sa may ibabang parte ng pinto bago pa man iyon tuluyang maisarado ni Papa. “Hindi mo ba ako narinig, Zigger? Gusto kong kausapin ang anak ko,” ani Papa nang kusang itulak ni Zigger pabukas ang pintuan. Napaatras pa ang tatay ko dahil doon. “Then start talking,” tamad nitong sabi. “I’m sure you can talk to your daughter even if I’m around, Uncle.” Siya na ang nagsarado sa pintuan saka sumandal sa gilid no’n na parang isang guwardiya. Hindi ako naging komportable nang ituon niya sa akin ang mga mata. At mas lalo pa akong hindi naging komportable nang muli niyang pasadahan ng tingin ang suot ko. Bahagya pa itong umiling sa akin at nakitaaan ko ng tabang ang mukha niya. “Zigger…” may pagbabantang tawag ni Papa sa pamangkin niya. Matatalim rin ang mga titig nito. Mabagal na ibinaling ni Zigger ang ulo sa gawi ng tatay ko. “Don’t use that kind of tone on me, Uncle. You know it ain’t working.” Ngumisi ito saka marahang umiling. Nakita ko ang pagguhit ng galit sa mukha ni Papa subalit mas pinili na lamang niyang hindi sumagot. Bakit pa nga naman siya sasagot kung sa hitsura pa lamang ng pamangkin niya ay isinisigaw na nito ang salitang ‘delikado’? Kung titingnan ay napaka-kalmado lang ng mukha niya. Ngunit siguro ay napagtanto ni Papa na iyong pagiging kalmado ng pamagkin niya ay hindi normal, at kahit na nandito siya sa mismong loob ng tahanan niya ay hindi siya sasantuhin nitong lalaking ito. Hindi ko alam kung matutuwa ako na tinatalaban ng takot ang tatay ko sa mga sandaling ito. Wala iyong bagsik niya kapag kami lang ang kaharap. Hindi na nagtatagal ang tapang sa mukha niya. Naglakad palapit sa akin ang tatay ko. Inayos ko ang postura ng katawan ko at inihanda na rin ang sarili sa kung ano man ang mga salitang lalabas mula sa bibig niya. Pero isa lang ang sisiguraduhin ko, hindi na ako papayag sa kung ano man ang mga gusto niyang ipagawa. “Austeja, anak,” sambit ni Papa. Napakalambot ng tinig niya. “Huwag mong isipin na ipinagkakanulo kita dahil lang sa ipinagkakasundo kita. Hindi mo ba maintindihan kung bakit ko ginagawa ito? Iyon ay para umayos ang buhay mo.” Napakislot ako nang hawakan niya ang balikat ko. At alam kong ito iyong epekto ng pananakit niya sa akin. Kahit iyong simpleng paghawak lang niya, hindi na ako nagiging komportable. Pakiramdam ko ay lagi niya akong sasaktan sa tuwing igagalaw niya ang mga kamay niya. Nagiging alerto palagi ang katawan ko para makailag kung sakali. Hindi ako sumagot sa kanya. Ayoko ring salubungin ang mga titig niya kaya kung saan-saan dumadapo ang paningin ko dito sa kuwarto. Ayoko ring makipagtitigan sa pinsan kong nakikinig sa mga sinasabi ni Papa. “Anak, si Ivan ang sagot sa mga problema natin,” muling sinabi ni Papa. “Ivan is so into, Aus. He can give you anything you want! Ayaw mo ba ang gano’n, anak? Hindi mo ba naisip na kapag naging parte ka ng pamilya nila, mai-aangat mo rin kami ng mama mo? Mapag-aaral mo sa magandang eskwelahan ang kapatid mo. Makakabangon tayo sa pagkakalugmok!” Humalo ang ka-desperaduhan sa tinig nito. Hindi lang pala sa tinig niya, kundi pati na rin sa hitsura niya. Para bang ang nakikita na lang niyang pag-asa ay si Ivan at ang pamilya niya. Gaano ba siya kasigurado na ibibigay nga sa akin ni Ivan ang lahat? At magkano ang presyo ko na napag-usapan nila? Sigurado rin ba siya na gusto ako ni Ivan? Knowing his reputation here? Bakit ba ganito ang klase ng mindset ng tatay ko? Alam ko sa sarili ko na kaya kong tumulong sa kanya—sa kanila pero hindi sa ganitong paraan na ako mismo ang ibinebenta niya! “Pa, hindi lang naman si Ivan ang pag-asa natin, eh. Bakit mo ba ako pinipilit na ipakasal sa lalaking hindi ko naman gusto?” Matapang kong tanong. “Anong hindi, anak? The Salcedos are millionaires!” Inihawak pa niya ang isang kamay sa balikat ko para siguro kumbinsihin pa ako. Isang malakas na halakhak ang kumuha sa pareho naming atensiyon ni Papa. Sabay naming ginawaran ng tingin si Zigger na nakahalukipkip habang nakasandal pa rin sa gilid ng pintuan. “You are selling her to someone who’s just a millionaire?” Tanong nito kay Papa sa natatawa pa ring tinig. Umalis ito sa pagkakasandal at ibinaba ang mga kamay sa magkabilang gilid niya para ipasok sa mga bulsa ng pang-ibaba niyang suot. Pinanood ko ang paglakad niya palapit sa aming mag-ama. Humakbang naman paatras si Papa nang makalapit na sa amin ang pamangkin niya. “Hindi ko siya ibinebenta, Zigger,” tanggi ni Papa. Malungkot akong napangiti sa sarili. Ano pa nga ba ang ginagawa niya kung hindi gano’n? “Good. But if you’re going to sell out your daughter, Uncle, at least sell her to a man with a billion net worth.” Hinugot ni Zigger ang isang kamay mula sa bulsa at ipinatong sa balikat ng tatay ko. “I personally know a billionaire who I think would be willing to pay for my dear cousin here at any amount.” Lumingon ito sa akin saka tikom ang bibig na ngumiti. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya dahil sa sinabi niya subalit hindi niya iyon pinansin. Tinaasan pa niya ako ng kilay, halatang nang-aasar. At tumalab iyon dahil naiinis ako sa kanya sa mga oras na ito. Marahas na tinanggal ni Papa ang kamay na nakapatong sa balikat niya na ikinatawa lang ng pamangkin niya. Hinawi naman ni Zigger pataas ang buhok niya na tumatakip sa noo nito, subalit muli ring bumalik sa dati iyon, at medyo gumulo pa. “Hindi ko ibinebenta ang anak ko!” Mariing tanggi pa ng tatay ko. “Then let’s hear what Ivan Salcedo can offer in exchange for Austeja,” mungkahi niya at muli akong nginitian. Hindi ako nakaimik sa gulat. Ano ba ang balak nitong lalaking ito? Interesado ba siya sa kung ano ang i-o-offer ni Ivan kapalit ko? Hindi ba’t nandito silang mag-ina para iligtas kami sa kamay ng tatay ko? Isang matagumpay na ngiti ang biglang sumilay sa mga labi ni Papa habang nakatingin kay Zigger. Muli kong nakitaan ng pag-asa ang mukha ni Papa, samantalang iyong hangad kong hindi matuloy ang kasunduan, unti-unting namamatay. Tumalikod sa amin si Zigger at nauna nang lumakad tungo sa pintuan. Naging mapait ang panlasa ko habang nakatingin sa malapad niyang likuran. Nakakamangha rin ang tangkad niya, at sana ay mauntog siya sa kung saan dahil sa binigyan niya ng panibagong pag-asa ang tatay ko sa sinabi niya! Isinarado ng pinsan ko ang pintuan paglabas niya. Hindi ko man lang siya nakitaan ng pagdadalawang isip na iwanan ako dito sa tatay ko. Parang hindi niya itinanong sa akin kanina kung sinasaktan ako ng ama ko. Parang hindi rin niya sinabi na mukhang hindi ko naman gustong magpakasal. “Well…” usal ni Papa sa masayang tinig habang nakatingin sa akin. “Let’s go, Austeja.” Hindi na niya ako hinintay na magsalita pa. Lumakad na rin siya tungo sa pintuan saka na lumabas. Ipinagkibit-balikat ko na lamang ang lahat at inayos ang sarili. Lagi naman akong nawawalan ng pag-asa ngunit bakit pakiramdam ko ngayon ay mas lalong wala na talaga dahil sa pinsan ko? Isn’t he supposed to save me from this?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD