Austeja
Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng iritasyon na ngayon ay gumagapang sa mga ugat ko habang naglalakad tungo sa sala.
Doon ko pa rin naririnig ang mga tinig ng bawat taong nandito sa loob ng bahay namin sa mga sandaling ito. Ang hula ko pa ay pati si Mama at si Althea, nandoon na rin. Pati na nga rin siguro si tita Elizabeth at ang anak niya na parang kaya rin akong ipagbili.
Nakaka-iritang balikan iyong mga sinabi niya. I thought he was going to take us away from here! Hindi ba't siya ang pumuna kanina sa akin na ayoko namang magpakasal? Inakusahan pa niya ang tatay ko na pinipilit niya ako!
Pero bakit bigla yatang nag-iba ang ihip ng hangin? Sa tingin ko ay sumasang-ayon na siya sa tatay ko ngayon.
Sabagay, dumanting man sila o hindi, hahantong pa rin naman ako sa ganito. The result will just be the same. Haharap pa rin naman ako sa mga Salcedo kahit na wala sila. Nakaka-disappoint nga lang dahil umasa ako na hindi ko na kailangang makisalamuha sa kahit na kaninong pamilya nang ganito ang hitsura.
Maybe this is really my destiny. Perhaps this is what fate has in store for me. Sa huli ay wala pa ring magagawa ang kung sino—kahit na ako mismo. I just have to accept the fact that no one can save me from this stupid arrangement. Nabuhay lang ako sa mundo para ipagkanulo.
Saglit akong huminto sa paglakad para humugot ng isang malalim na hininga bago tuluyang tumungo sa sala. Inayos ko rin ang ngiti na dapat kong ipakita sa kanila. Bahagya ko ring hinila pataas ang skirt ng dress ko para umangkop sa gustong makita ng tatay ko. Tutal naman ay nandito na rin lang, I might as well play this good.
At hindi nga ako nagkamali sa hinala ko dahil nandito rin ang ina at kapatid ko. They were both entertaing the Salcedo family. Siguro ay binigyan na sila ng instructions ng tatay ko na pakitunguhan nang maayos ang mga bisita. Kahit si tita Elizabeth ay nakikisalamuha rin sa kanila. Nakaka-dismaya talaga dahil akala ko ay mapapadali ang pag-alis namin dito.
I shouldn't lose hope though. Kaya pa rin naming gawin mamaya iyong nauna naming planong mag-iina kahit na wala na akong makitang tabang sa mukha ng nanay at kapatid ko.
Nang sa akin dumapo ang atensiyon ng mga taong nandito ay mas lalo ko pang pinagbuti ang pagngiti ko sa kanila. I can will them into thinking I want this. Na sang-ayon ako sa kung anuman ang magiging resulta. Madalas ko naman iyong gawin sa tatay ko kahit na ang totoo ay labag na labag sa loob ko ang ganito.
Namataan ko si Ivan na nakaupo sa pahabang sofa, kasama ang tatlong lalaki. Iyong dalawa ay pinsan niya at iyong isa ay kapatid niya, kung hindi ako nagkakamali. Mayroon ring dalawa pang lalaki na medyo ka-edad ni Papa, at alam kong tiyuhin ni Ivan ang mga ito na ngayon ay kausap si tita Elizabeth at si Thea.
Sa akin diretsong nakatingin ang mga mata ni Ivan habang may isang malapad na ngisi sa mga labi. Dalawang beses ko pa lamang siyang nakita at nakasalamuha. At sa dalawang beses na iyon, laging ganito ang tingin na ibinibigay niya sa akin. It's as if I was some meat that he would devour anytime if I gave him a chance. Ito na nga siguro ang simula ng pagkakataong iyon para sa kanya.
Ang alam ko ay limang taon ang tanda niya sa akin. Halata rin ang kayabangan sa hitsura at kasuotan niya. Isinisigaw rin ng mga alahas na suot niya kung gaano sila kayaman.
Ilang beses na bang nagkaroon ng balita tungkol sa kanya na binubugbog niya ang mga naka-relasyon niya? May kumalat pa nga noon na ipinagahasa niya iyong gusto niyang babae dahil lang sa tinanggihan siya nito.
Pero ngayon, eto siya sa bahay namin at relax na relax na nakaupo sa sofa. Parang naghihintay lang ng grasya na iaabot sa kanya.
Siguro nga ay kaugali ng tatay ko ang mga lalaking napipili niya para sa akin.
"Austeja," malambing na sambit ni Papa saka iminuwestra ang ulo na lumapit ako sa kanila.
Nasa tabi niya ang nanay ko na may ngiti sa mga labi habang nakatingin sa akin. Pero kahit gano'n, alam kong peke rin ang ngiti ng nanay ko. Kailangan lang niyang umarte lalo na't naka-akbay ang braso ng tatay ko sa may balikat niya at nakikita ko ang maharang pagpisil ng kamay niya doon.
Malapad akong ngumiti at naglakad palapit sa kanila. Nasa harapan nila ang mga magulang ni Ivan. Agad akong sinalubong ni Mrs. Salcedo saka ako hinalikan sa pisngi. Inabot naman sa akin ni Mr. Salcedo ang kamay niya na agad kong kinuha.
"Ivan," tawag ni Mr. Salcedo sa anak.
Mabilis na tumayo si Ivan mula sa pagkakaupo at lumapit sa amin.
"I can't believe this is the woman I am going to marry so soon," Ivan said while checking me out. "I don't think I can wait any longer."
Ngumiti ako sa kanya at tumango kahit na hindi ako komportable sa paninitig niya.
Sandali kong sinulyapan ng tingin ang ama ko nang tumawa ito. Mukhang nagalak siya dahil doon sa sinabi ni Ivan. Pero nang kay Mama naman ako mapatingin, hindi na niya nagawang itago ang pagtutol sa mukha nito.
Nanatali akong nakaharap kay Ivan at sa mga magulang niya. Nagkunwari rin akong nakikinig sa pinag-uusapan nila kahit na ang totoo ay ni isang salita ay walang pumapasok sa mga tenga ko. Puro tango at opo lang ako sa kanila sa tuwing may itatanong sila sa akin. Ngingiti lang rin ako kapag kinukuha ni Ivan ang atensiyon ko. Pero at least, hindi siya nangangahas na talagang lumapit sa akin at hawakan ako.
Napatingin ako sa bandang kanan nang mapansin na naglakad si Thea at tita Elizabeth palayo sa mga kausap nila. Pero ang kumuha talaga sa atensiyon ko ay ang lalaking nakaupo sa single seater sofa na siyang may kasalanan kung bakit nandito pa rin kami. Naka-de kuwatro pa ito habang nakatungkod ang siko ng braso niyang puno ng tattoo sa armrest.
Nakipagsukatan rin naman ito ng tingin sa akin habang nasa mga labi ang isang daliri, at nakikita ko ang disappointment sa mga mata niya. Ilang segundo lang ay inalis niya sa akin ang paningin para ituon sa mga kasamahan ni Ivan.
Hindi ko siya kaagad na napansin dahi siguro natatakpan siya ng nanay niya at ng kapatid ko. At hindi ko mawari kung kinakausap ba niya ang tatlong lalaki.
"Excuse me po, kukuha lang po ako ng maiinom," paalam ko sa mag-asawang Salcedo—pati na rin sa anak nila, at sa mga magulang ko.
Hindi ko na kayang tagalan na kaharap sila lalo na't panay ang tingin ni Ivan sa may bandang dibdib ko.
"Samahan na kita," nakangiting alok ni Ivan. "Nauuhaw din ako." Binasa nito ang ibabang labi gamit ang dila niya.
Tatanggihan ko na sana iyon nang biglang hawakan ni Papa ang siko ko at pinisil iyon. Tumingin ako sa kanya nang may pagtatanong subalit mukhang hindi na niya kailangang magsalita pa dahil alam ko na ang ibig niyang sabihin: gusto niyang pumayag ako.
"Okay." Pilit akong ngumiti saka na naunang naglakad tungo sa kusina.
Nasa likuran ko naman si Ivan, at ramdam ko ang mga titig niya sa may pang-upo ko. Wala sa sariling hinila ko pababa ang skirt ng suot ko na para bang mayroong magagawa iyon.
"Ang ganda-ganda mo talaga, Austeja," ani Ivan pagpasok na pagpasok namin sa kusina. Kumabog ang dibdib ko dahil sa napakamalisyoso niyang tinig.
Hindi ko siya pinansin at nagtuloy nang lakad palapit sa lalagyan ng mga baso. Kumuha ako ng dalawa saka humarap sa kanya na ikinagulat ko. Nasa mismong likuran ko kasi siya na halos wala nang distansya ang namamagitan sa aming dalawa ngayon.
Humakbang ako pagilid upang ilayo ang sarili ko mula sa kanya.
"Ano ang gusto mong inumin?" Sinulyapan ko ang lamesa kung saan naroon ang mga pagkaing nakatakip at mga nakahandang plato.
Ang hula ko ay malamig na ang mga ito sa mga sandaling ito.
"What can you offer?" Lumakad rin ito tulad ng ginawa ko at muling huminto sa mismong harapan ko.
Napalunok ako sa takot at mahigpit na hinawakan ang mga baso. Nanginig rin ang mga binti ko dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Halos idikit na niya ang katawan niya sa harapan ko.
"Offer him a drink that might be his last to drink, Austeja Laurice," wika ng isang tinig. "Then let's see if he's going to drink it."
Agad akong napatingin sa may gawing bukana ng kusina. Mabilis namang lumingon si Ivan doon at lumayo sa akin nang makita ang pinsan kong naglalakad.
Mababagal lang ang ginagawa niyang hakbang. Walang pagmamadali, walang inaalala. Parang hindi niya nakitang hina-harass ang pinsan niya. Subalit hindi ko alam kung bakit nakaramdam pa rin ako ng ginwaha sa presensiya niya.
"What did you say?" Tanong ni Ivan. Humalo ang pagkapikon sa tinig nito.
Hindi sumagot si Zigger at nagpatuloy sa paglakad sa direksiyon namin. Hindi mo man lang rin makitaan ng pangamba ang hitsura niya.
Malakas na suminghal si Ivan at sinundan ng tingin ang pinsan ko nang matantong wala siyang sagot na makukuha mula sa kanya.
Tumingin naman si Zigger sa mga basong hawak ko nang makarating siya sa may gilid ko.
"You're holding two breakable glasses, Austeja," usal nito sa obvious na bagay. Maingat niyang inabot ang isang hawak ko. Awtomatikong lumuwag ang kamay ko sa baso para tuluyan niya iyong makuha mula sa akin. "Learn how to put them in use—like this."
Inangat nito ang kamay niya kung saan niya hawak ang baso. Akala ko noong una ay kung ano ang gagawin niya, subalit nagulantang na lang ako bigla nang basagin niya iyon sa mukha ni Ivan.
Kitang-kita ko ang malakas na impact ng baso sa mukha ni Ivan at ang mabilis niyang pag-upo sa sahig habang nasa mukha ang mga palad.
Hindi ko na alam kung galing ba sa bibig ko ang malakas na hiyaw at mga samu't saring mura na pumasok sa mga tenga ko kasabay ng tunog ng mga piraso ng baso na nahuhulog sa sahig o hindi. Pero isa lang ang sigurado ako, narinig ko ang sigaw at nasaktang daing ni Ivan.
Nanginig ang buo kong katawan habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa dalawa. Hindi ko na rin namalayan na nahulog na sa sahig ang basong hawak ko.
"Shh..." Ani Zigger na ngayon ay naka-squat na sa harapan ni Ivan. Nakatakip na rin ang palad ng isa niyang kamay sa bibig ng lalaking binasagan niya ng baso sa mukha.
Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa dugong nakikita ko sa iba't ibang parte ng mukha ni Ivan. May mga natira ring bubog doon. Nakapikit ito at halata ang sakit sa ekspresiyon ng hitsura niya.
"Make another sound, buddy, and I swear, you won't be able to make any," pahayag pa ni Zigger sa kalmadong tinig. "You got me?" Marahang tumango si Ivan.
Hindi ko man lang maramdaman ang takot sa tinig ng pinsan ko kahit na karumal-dumal ang ginawa niya. Anong klase ba ng tao ito? Bakit parang wala lang sa kanya ang ginawa niya? Ganito ba siyang pinalaki ng mga magulang niya? Ni tita? Mukhang mas malala pa siya sa tatay ko kung manakit!
Bigla kong naalala na tinutukan nga rin pala niya ng baril ang tiyuhin niya!
"A-anong ginawa m-mo?" Pabulong kong tanong sa nangangatal na boses. Hindi ako sigurado kung narinig niya ako o hindi, subalit lumingon ito sa akin. Rinig na rinig ko ang malakas niyang buntonghininga.
Pinakawalan nito ang bibig ni Ivan. Ipinahid pa niya ang palad ng kamay niya at ang likuran no'n sa damit ng lalaking duguan ang mukha.
Tumindi ang takot sa sistema ko nang tumayo ito sa mismong harapan ko. Mas lalo pang tumindi ang nararamdaman ko nang makarinig ako ng mga yabag na patungo dito sa kusina, subalit itong lalaking kaharap ko ay mukhang wala namang pakialam. Nabuhay rin ang konting pagtataka sa akin nang biglang tumahimik sa may sala.
"Didn't I tell you to change? O hindi mo lang nakuha ang sinabi ko kanina?" Umiiling nitong tanong. Nahigit ko ang hininga ko nang hawakan niya ang baba ko saka ini-angat ang mukha ko sa kanya. Diretso itong tumitig sa mga mata ko na lalong nagpakabog sa dibdib ko.
"B-bakit mo ginawa iyon?" Pilit kong tanong kahit na pati sa tinig ko ay mahihimigan na ang takot.
"I was just trying to teach you a lesson, Austeja." Inalis niya ang pagkakahawak sa baba ko saka suminghap. "It appears that you don't know how to stand up for yourself. You don't even know how to say no." Pinilig nito ang ulo at pagkatapos ay isinuklay ang mga daliri sa buhok.
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pang-iinsultong humalo sa tinig niya. At hindi ko rin naiwasang mapatanong sa isipan ko kung gaano ba kalambot ang buhok niya kung ang kamay ko ang gagamitin ko? That's a stupid question, I know.
"Hindi ako nabibigyan ng pagkakataon na sabihin iyon," mahina kong turan dahil iyon ang totoo. Kung gagawin ko mang tumanggi, may kaparuhasan.
Tumingin ako kay Ivan nang marinig ang mahina nitong daing. Hindi pa rin niya mabuksan ang mga mata. At nakakapagtakang wala man lang sumilip dito sa amin sa mga taong nasa sala. O baka hindi nila narinig ang mga basong nabasag? Ang sigaw ko at ni Ivan?
"We all have a free will, Austeja. I suggest that you always use it," pangaral ng pinsan ko kaya muli kong itinuon ang atensiyon ko sa kanya. "Bend if you can, but snap when you have to. And don't let anyone decide for you. How old are you again?" Matabang nitong sabi. Muli kong nahimigan ang pang-iinsulto sa tinig niya.
"T-twenty," sagot ko kahit na hindi ako sigurado kung tinatanong ba niya ang edad ko o mino-mock niya lang ako dahil hindi ako makapagdesisyon para sa sarili ko.
Mabilis na umatras ang pinsan ko palayo habang hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. Halos maapakan pa nga niya si Ivan sa ginawa niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil parang nakakita siya ng multo.
"No, you're not." Umiling ito saka pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Muli niyang isinuklay ang mga daliri sa buhok nito, and this time, parang frustrated na siya.
At ang hula ko ay dahil sa edad ko. Ano ba ang akala niya? Kasing edad lang niya ako? O nagmukha akong matured na talaga dahil sa suot ko at kolorete ko sa mukha? Hindi ba niya narinig ang sinabi ng nanay niya kanina sa tatay ko na ang bata ko pa? Not that young, though. But still, too young to get married.
"It doesn't matter," mungkahi niya makaraan ang ilang saglit. "Go and get your things. Change your clothes, too. We're leaving." Isinenyas niya ang ulo sa gawing labasan ng kusina.