Austeja Sinubukan kong ikalma ang dibdib ko nang sumarado ang pintuan. Ngayon ay masasabi ko na elevator nga ito dahil may floor panel, subalit ang kumuha talaga sa atensiyon ko ay ang button na sa tingin ko ay pinindot ng lalaki dahil umilaw ang paligid ng -1 na numero. At ramdam ko sa mga sandaling ito na pababa pa kami. Hindi ko lang aam kung saan iyong ibaba na iyon, at kung bakit mayroong ganito rito sa building na ito. Wala namang -1 button ang isang elevator nitong Archer's. Pasimple kong sinuri ang lalaking kasama ko. Hindi naman siya naka-formal attire, pero masasabi kong disente pa rin siyang tingnan sa puting t-shirt at itim na pantalon niyang suot. Matangkad siya, matipuno ang katawan, at mukhang kasing edad lang siya ng pinsan ko. Nakatayo ito sa may unahan ko habang na