Austeja Nadagdagan pa lalo ang takot sa buong sistema ko dahil sa sinabi ni Zigger. Wala akong nahimigang kapilyuhan sa tinig nito, o nakitang pagbibiro sa mukha niya. Lalo pa nga yatang naging seryoso ang hitsura niya dahil na rin sa hindi gano'n kaliwanag dito sa kinatatayuan naming dalawa. "You'll kill...me?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Nalasahan ko na rin ang takot sa sarili kong tinig. Hindi ito kaagad na sumagot pero maya-maya lang ay narinig ko ang paghugot nito ng isang malalim na hininga. "Kapag may nakapansin sa'yo rito at may nag-complain sa akin na isa kang espiya na nakapasok rito, iyon ang gagawin ko," tugon niya sa mababang tinig. Sunod-sunod akong napalunok, at mas lalo pa akong nakaramdam ng panlulumo. "H-Hindi naman ako spy! Nagta-trabaho ako rito!" Depensa ko