Austeja "Um... saan tayo pupunta?" Tanong ko sa lalaking kasama ko habang nagbabyahe kami. Wala akong ideya sa kung saan niya ako dadalhin. Simula kaninang makaalis kami sa bahay nila ay ngayon ko pa lang ulit siya kinausap. Hindi rin naman siya nag-insist ng conversation. Hindi rin namin napag-usapan kung saan kami pupunta. At ngayon ay hindi ko na matiis ang manahimik na lamang. "Sa malayo," mabilis nitong sagot. Diretso lang ang paningin nito sa kalsada. "Dadalhin na kita sa malayo—sa lugar na walang nakakakilala sa ating dalawa." Namilog ang mga mata ko at nakaramdam ng panlalamig sa mukha. "Zigger..." kinakabahan kong sambit. "Why?" Lumingon ito sa akin. Mas lalo akong kinabahan dahil sa pagiging seryoso ng hitsura at tinig niya. "Nagbibiro... ka lang, 'di ba?" Pilit akong n