Chapter 47

1203 Words

Austeja Maingat ang bawat hakbang na ginagawa ko pababa sa hagdanan habang bitbit ang mga sapatos ko. Tanging pares lang ng medyas ang mga suot ko sa paa para maiwasan ko ang makalikha ng anumang ingay. Kinakabahan ako dahil baka mayroong makakita sa akin na bihis na bihis at mukhang may lakad pa sa mga oras na ito. O ang malala, ang nanay ko o ang kapatid ko pa ang makakita sa akin. Mabuti na nga lang at nakapagdala ako ng mga damit na pang-alis. Ang nasa isipan ko kasi ay baka biglang mag-ayang lumabas si Hannah. Hindi ko naman inaakalang ang kuya niya ang sasamahan ko. Hindi pa naman kami talagang lumalabas ni Zigger. Ayoko namang tawaging date ito, o iyong mga pagpunta namin sa resto para kumain kapag sinusundo niya ako sa bahay. Nang makarating ako sa sala ay nagpalinga-linga ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD