Austeja Mali siguro ako nang inaakala sa mga kaibigan ng pinsan ko. Ni isa kasi sa kanila ay hindi ko narinigan ng panghuhusga. Wala rin ang emosyon na iyon sa mga mata nila sa tuwing dadapo ang paningin nila sa akin. They were all offering me warm smiles. At kahit ako lang ang babaeng kasama nila, hindi ko naramdaman na mag-isa lang ako. Isinasali naman ako nila ako sa usapan at paminsan-minsan ring tinatanong. Pero may pagkakataong hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila. Tsaka, bago pa man nila maituloy, agad nang sumasabat si Zigger na parang ayaw niyang malaman ko—o marinig. Hindi na rin kinailangan ni Zigger na sabihin kung ano ang mayroon sa aming dalawa. Sa sandali pa lang yatang nakita nila ang mukha ko, may ideya na sila. Although, wala pa naman talagang kami.