Austeja Mas lalong humigpit ang kapit ni Yura sa akin. Si Miles naman ay tumingin sa akin nang may pag-aalala at awa sa mga mata. Mabuti pa 'tong mga hindi ko naman ka-ano-ano ay natatakot para sa akin. Pero itong mismong masasabi kong kadugo ko ay ni katiting na awa, hindi ko mahanap sa mukha niya. Desido talaga siyang itumba ako sa harapan ng mga guests niyang mas importante pa para sa kanya. Ngunit sa tingin ko ay mabuti na ring siya ang tumapos sa buhay ko nang sa gano'n ay matigil na rin ang namamagitan sa aming dalawa. Hindi na ulit ako magkakasala dahil sa kanya. Mapuputol nang tuluyan ang ugnayan naming dalawa, at siya ang mismong pumili sa gano'n. Tama na siguro itong napadpad ako rito. Humugot ako ng isang malalim na hininga at hindi inalis ang paningin ko sa lalaking nakati