Austeja Sa sandaling mapansin ko ang pagbukas ng pintuan ng elevator ay kaagad kong inilayo ang ulo ko kay Zigger at buong lakas siyang itinulak na sanhi ng bahagya niyang pag-atras. Mabilis akong naglakad palabas nang matanaw ko na ang hinintuan namin ay ang mismong penthouse niya. Nagtuloy-tuloy lang ako nang lakad kahit na alam kong nakasunod siya sa akin. “Zigger, ano ang nangyayari roon sa underground?” Pagpupumilit kong tanong nang makarating kami pareho sa may living area. “Bakit mayroong ganoong kaganapan sa building mo, ha?” Ayokong i-entertain iyong sinabi niya, o iyong gusto niyang ibigay ko sa kanya. Masyado pang maaga para roon. Isa pa, hindi naman ako sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Ayoko namang ikulong ang sarili ko sa isang tao nang hind