Austeja Hindi ako pinakawalan ng lalaking nakahawak sa braso ko na para bang tatakasan ko sila. Nakatayo na rin halos ang ibang guests habang pinagpi-piyestahan ako ng mga mata nila. Iba’t ibang maruruming salita rin ang naririnig ko mula sa bibig nila habang hinihintay ang pagdating ng ‘reaper’ na tinutukoy nila na tinawag ng isang isang server. Lumiwanag na rin dito sa loob. Binuksan yata nila halos lahat ng mga ilaw para lang makita nila nang maayos ang mukha ng espiya na inaakusahan nila. Ilang beses ko bang sinabi at ipinilit sa kanila na nagta-trabaho lang ako rito at hindi ako spy? Hindi ko na mabilang. Muntik ko na nga ring ipangalandakan na pinsan ko ay may-ari nitong lugar na ito ngunit sa tingin ko ay hindi naman nila paniniwalaan iyon. Baka isipin lang nila na gumagawa ako