Chapter 45

1208 Words

Austeja Hind naging panatag ang kalooban ko hanggang sa matapos kaming kumain. Nabahala ako roon sa mga huling sinabi ni Zigger. Wala siyang binanggit kung sino iyong tinutukoy niya ngunit may kutob ako na si Papa ang nasa isipan niya. Hindi na dapat ako makaramdam ng pag-aalala sa tatay ko ngunit hindi ko maiwasan. Hindi na rin ako magtataka kung bakit alam niyang may mga peklat ako sa likuran. Ilang beses na niya akong nakitang walang suot. Hindi ko lang lubos maisip na apektado siya sa maga ‘yon. Akala ko kasi ay hindi naman niya napapansin ang mga ‘yon dahil ni minsan ay hindi naman niya ako tinanong tungkol sa mga peklat ko sa likuran. Pero kailangan ko siyang makausap tungkol sa kung ano ang balak niyang gawin sa tatay ko. Hindi ko lang alam kung kailan ako makakakuha ng tiyempo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD