Austeja Buong maghapon akong naglagi sa kuwarto ng kapatid ko, at nang mamalayan ko na magdidilim na ay doon pa lang ako umakyat sa silid ko. Mukhang wala pa si Zigger, at mukhang hindi na iyon babalik pa rito. Baka umuwi na iyon sa penthouse niya o mayroong inasikasong kung ano. Nangangati ang mga kamay ko na i-text siya o tawagan ngunit hindi ko na lang itinuloy. Wala rin naman akong pasok sa Archer’s ngayong gabi at bukas ng gabi kaya paniguradong sa lunes na kami magkikita. Doon ko na lang rin siya kakausapin tungkol sa binabalak niya sa tatay ko. Nang oras na para kumain ng hapunan ay wala talagang Zigger na dumating. Hindi na rin naman siya napag-usapan habang kumakain kami kasama ng kapatid at mga magulang niya. At sa tuwing napapatingin ako sa kapatid ko na katabi ko sa hapag-