Chapter 44

1944 Words

Austeja "So, why did you only show yourself up just now? Dalawang buwan ka na pa lang nakauwi rito," usisa ni Hannah sa pinsan. Nandito kaming lahat sa harapan ng mesa habang kumakain ng lunch. Hindi na kami natuloy pa sa pag-swi-swimming kanina dahil nakakahiya naman kung hindi kami makikisalamuha sa pinsan nila. Although, ayaw ko nang makiharap lalo na't nandito rin si Zigger. Hindi ko pa siya nakakausap nang maayos. Ipinanalangin ko pa kanina noong magtungo ako sa kuwarto para maligo na sundan niya ako upang makausap ko siya nang masinsinan tungkol sa mga salitang lumabas mula sa bibig niya, pero hindi niya ako sinundan. Nanatili lang siya sa sala kasama ang pinsan at mga magulang niya. Hindi ko na rin inalam pa kung ano ang pinag-usapan nilang lahat habang wala ako. Ma-s-stress la

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD