Austeja Mabuti na lamang at naisipan ni Thea na sabihin kay Zigger na idaan muna kami sa bahay para makapagpalit ng mga suot. Para na rin makakuha siya ng damit, at pati na rin ako para sa pagpasok ko sa trabaho mamaya. Kung ako kasi, hindi ko iyon sasabihin. Ayoko na lang kausapin ang pinsan namin. Ni hindi ko nga rin magawang lumingon kay Thea habang nagbabyahe. Pati noong makarating kami sa bahay ay hindi ko magawang tumingin sa kapatid ko dahil sa takot na baka nakita pala niya ang ginawa ni Zigger. Baka kapag nagtagpo ang mga mata naming magkapatid, magkaroon siya ng lakas ng loob na magtanong sa akin, at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung papaano ko iyon ipapaliwanag sa kanya. Hindi naman rin sumama sa loob ng bahay si Zigger. Naiwan lang siya sa sasakya