Austeja Hindi pa ganoon kalinaw kung ano ba talaga ang mayroon sa amin ng pinsan ko. Basta ang sigurado ako, willing siyang mag-commit sa akin. Ako lang ang hindi sigurado kung willing rin ba ako. Ako rin ang pumutol sa halikan namin kanina sa hallway bago pa kami mapunta sa kung saan, at bago pa man kami mahuli roon. Hindi na rin namin naituloy ang pag-uusap tungkol sa aming dalawa dahil iniwan ko na siya roon sa kinatatayuan niya. Nagmadali na akong nagtungo sa kuwarto. Hindi naman niya ako sinundan na siyang ipinagpapasalamat ko. Wala pa naman akong iniwang salita sa kanya para masabing may relasyon na kaming dalawa bukod sa magpinsan. Ngunit sa tingin ko, hindi ko na kailangang i-voice out. Sa puntong ginantihan ko ang galaw ng mga labi niya, iyon na siguro 'yon. "Aus..." biglang