Chapter 6

2656 Words
Austeja "What is happening here?" I whispered to myself with a shaky voice. Para akong bato na nakatago dito sa isang pillar sa pagitan ng kusina at sala. Hindi pa man humuhupa ang takot ko sa ginawa ng pinsan ko kay Ivan sa kusina, mayroon na naman yatang panibagong gulo ang mangyayari rito sa aming bahay. Pag-apak pa lang ng mga paa ko sa labas ng kusina ay kaagad ko nang namataan itong mga lalaking hindi ko kilala. Hindi rin pamilyar ang mga mukha nila sa akin, subalit alam kong panganib ang hatid nila dahil pare-pareho silang may hawak na baril. Nasa sampu ang mga lalaking bagong dating dito, at hindi ko alam kung papaano sila nakapasok o sa kung sino ang nagpapasok sa kanila. Halos magkakamukha ang lima sa mga lalaki. Pati ang mga suot nilang damit ay pare-pareho rin na parang ito ang uniform ng grupo nila. Samantalang iyong lima naman ay iba-iba ang mga suot at hitsura subalit kung ikukumpara sa iba, masasabi ko na mas mayroon silang ibubuga pagdating sa mukha. Iyon nga lang, parang mas delikado ang mga ito. Ang guguwapo sana nila kung wala lang silang hawak na mga baril ngayon habang palakad-palakad sa sala namin na parang isa itong pasyalan. Hindi ko masabing mga tauhan ito ng mga Salcedo dahil nakaluhod sa sahig ng aming sala ang mga magulang ni Ivan habang nasa may likuran ng leeg ang mga kamay nila. Gano'n rin ang iba nilang kasama. Pati nga si Papa ay gano'n rin, at hindi ko alam kung magpapasalamat ako o lalong matatakot dahil hindi ko makita ang nanay at kapatid ko rito. Pati na rin si tita Elizabeth ay wala. O baka nakapagtago na sila sa kung saan? But who brought trouble here? Ano kaya ang kailangan ng mga lalaking ito? May pinagkakautangan ba ang tatay ko at ngayon na siya sinisingil? Kaya ba gano'n na siya ka-desperadong ipakasal ako? O hindi naman kaya ay ang mga Salcedo ang pakay ng mga lalaking ito? Baka may atraso ang pamilya ni Ivan sa kanila? Naramdaman ko ang pagpatak ng isang butil ng pawis na namuo sa noo ko. Sino ba ang hindi pagpapawisan kung ganito ang bubungad sa'yo? Ngayon ay nasisigurado ko nang hindi lang ako ang napasigaw kanina. Parang nagkaro'n din ng pulso sa loob ng mga tenga ko dahil sa kaba. Wala naman akong marinig na tinig mula sa mga bagong dating. Pati sa mga nakaluhod ay wala rin, ngunit nakikita ko ang tahimik na pag-iyak ni Mrs. Salcedo. Puno naman ng takot ang mga kasama niyang hostage ng mga lalaki. Pati na yata ang paghinga nila ay pigil na pigil. Nakarinig ako ng mga yabag subalit hindi ko na magawang tingnan kung sino o kanino iyon. Hindi ko kayang alisin ang paningin ko sa mga taong nasa sala. "What the actual f**k?" Malakas na sabi ng isang tinig sa padaing na tono. Bumaling kaagad ang ulo ko sa may bandang right side at nakita ang pinsan kong gulat na nakatingin sa mga nasa sala. Napansin kong hawak ng isa niyang kamay ang palad niya at mukhang napatigil sa pagpisil doon. Halata ring basa ang mga kamay niya. At hindi ako sigurado subalit parang dumudugo ang palad niya. Nasugatan ba siya sa ginawa niyang pagbasag ng baso sa mukha ni Ivan? "What the hell are you all doing here?" Hindi pa makapaniwalang sabi nito. Kumunot ang noo ko sa tanong niya at agad na itinuon sa mga lalaking hindi ko kilala. Ngunit mukhang itong pinsan ko--base sa sinabi niya--kilala niya ang mga ito. "We thought you might need some help," simpleng sagot ng isang lalaking papaupo sa sofa. "Dane, why would I need your f*****g help?" Matigas na tugon ng pinsan ko. "This is a family matter, for f**k's sake!" Isang malaking hakbang pasulong ang ginawa niya ngunit kaagad din itong huminto at ibinaling sa pinagtataguan ko ang ulo niya na ikinagulat ko. "And why are you hiding right there?" Tanong nito sa akin. Biglang nag-iba ang timbre ng boses niya. Naging malambot. Kumukurap-kurap ako. Hindi ko rin alam kung sasagot ako o mas maiging huwag na lang. "Come out, Austeja," utos nito, pero lumapit na siya sa akin at siya na mismo ang nag-alis sa akin sa pinagtataguan ko. Tumingin sa akin ang mga armadong lalaki. Pati ang mga nakaluhod—kahit si Papa—ay lumingon sa gawi ko. Awtomatikong napahawak ako sa laylayan ng dress ko saka hinila iyon pababa. "Y-you... know them?" I ask quietly. Hindi ko inalis ang tingin ko sa unahan dahil sa takot na baka may isa sa mga lalaki ang magtanim ng bala sa ulo ko. "I know them," sagot ni Zigger. "This is your house, but why are you hiding?" Naramdaman ko ang tingin niya sa mukha ko kaya wala sa sariling nilingon ko siya. "They have guns," turan ko sa malumanay na tinig. But what I really want to do is to snap at him--like what he told me just a while ago. I want to call him stupid, pero wala akong lakas ng loob na gawin iyon. Ano ba ang gusto niya? I-welcome ko itong mga taong hindi ko naman kilala? Gusto ba niyang makisalamuha ako sa kanila kahit na harap-harapan silang may mga hawak na baril? Na sa tingin ko ay hindi magdadalawang isip na lagyan ng butas ang katawan ko? Binasa ni Zigger ang ibaba niyang labi saka tumango. Inalis ko ang tingin ko roon at dumapo ang paningin ko sa may bandang leeg niya. Napansin ko ang isang itim at medyo malaking tuldok sa may bandang ibabang kanan ng maputi niyang leeg. Akala ko noong una ay tattoo iyon subalit napagtanto kong nunal. "Yeah. Of course, they have. But you are safe, alright?" Muli kong inangat ang paningin ko sa kanya. "Now go to your room and change. Kanina pa kita pinagpapalit ng suot, Austeja." Nahimigan ko ang pagbabanta sa tinig niya. "Or do you want me to do that for you?" Itinaas nito ang parehong kilay na sensyales na hinahamon ako. Mabilis namang kumunot ang noo ko. Tinabig ko rin ang kamay niyang nakahawak sa braso ko, at naramdaman ko ang lamig mula doon. May narinig akong isang mahinang tawa mula sa mga lalaking kilala niya kaya napatingin ako sa kanila. "I thought this is a family matter, Zig?" Anang lalaking naka-itim na hoodie jacket sa mapang-asar na tono. Nakataklob pa ang hood no'n sa ulo niya ngunit maayos kong nakikita ang mukha nito. "It is. And you aren't supposed to be here, Von," matabang na sagot ni Zigger at muling inihawak ang kamay na tinabig ko sa braso ko. Nahigit ko ang hininga ko nang magsimula itong maglakad habang hawak ako. "I thought we were going to see dead bodies scattered on this very floor," asar pa ng isa. Hindi ko na nagawang lumingon para tingnan kung sino iyong nagsalita dahil kinakaladkad na ako ng pinsan ko tungo sa kuwarto. "Shut up, Jercie," tamad namang sagot ni Zigger bago kami tuluyang makaalis sa sala. Agad na binuksan ng pinsan ko ang pintuan ng kuwarto nang makarating kami. Walang sabing ipinasok niya ako sa loob at tinulak pasarado ang pintuan sa likuran niya nang pakawalan niya ako. Nadagdagan ang kaba ko nang tumingin ito sa akin subalit makaraan lang ang ilang saglit ay pumikit ito saka pa tumingala para lumanghap ng hangin. Kitang-kita ko ang Adam's apple niya sa ginawa niyang iyon. "Sino ang mga 'yon?" Tanong ko para mawala ang atensiyon ko sa leeg niya. Why does it seem like every little detail of this guy is pretty darn attractive? Kahit iyong nunal niya! Subalit alam kong hindi ako puwedeng ma-attract sa kahit na ano mang mayroon sa kanya dahil pinsan ko siya. "My friends. And also general pains in my ass," mahinahon nitong sagot nang magmulat ng mga mata. "Now, change, Austeja." "Anong ginagawa nila dito?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "P-patayin ba nila ang mga Salcedo? Ang Papa ko?" Halos mabulunan ako nang banggitin ang tatay ko. Marami siyang maling ginawa sa aming mag-iina subalit ayoko namang humantong sa papatayin siya. Iyong hiling ko na sana ay mawala na siya nang tuluyan sa paningin ko ay hindi naman gano'n ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang na makalayo kami sa kanya--makaalis sa puder niya. "I'll answer all of your questions the moment you change your clothes, Austeja Laurice," aniya sa mababang tinig. "I am so f*****g done seeing with that skimpy dress. Change!" Pabulyaw nitong sabi na ikinalundag ko. Muntik pa akong matapilok sa gulat. Hindi na ako muli pang nagtanong at mabilis na naglakad patungo sa closet kung nasaan ang mga damit kong dapat na maiiwan dito. Masyado na akong sanay na gano'ng trato na kahit gusto ko siyang kuwestiyonin at sabihan na wala siyang karapatan na bulyawan ako, hindi ko magawang maipalabas iyon sa bibig ko. Sinanay kasi ako ni Papa na parang wala akong karapatang mag-reklamo sa kung ano man ang magiging trato niya o ng ibang tao sa akin. Wala akong karapatang lumaban, at gustuhin ko man, kaagad na papasok sa isipan ko ang mga posibleng kapalit. Ang mga magiging parusa. Pagbukas ko sa closet ay napamaang ako nang wala akong makitang damit ni isa. Natataranta kong tinitigan ang kama kung saan ko inilagay ang mga bag kanina ngunit napansin ko na wala na ang mga gamit ko doon. Lumunok ako at humarap kay Zigger subalit hindi siya natagpuan ng mga mata ko kung saan ko siya huling nakita. Nang lumingon ako sa may bandang kanan nitong kuwarto ay nakita ko siyang nakatayo doon. Mukhang may tinitingnan siya sa mga nakapatong sa display table. Halos mga larawan lang naming pamilya--noong mga panahong masaya pa kami--ang mga naka-display doon. "Wala--wala na 'yong mga damit ko," pagkuha ko sa atensiyon na. Bumaling ito sa akin na hawak ang isang picture frame, at hindi ko alam kung kaninong larawan ang hawak niya. "Kahit anong puwedeng isuot, wala?" Sinulyapan ko muna ang bukas na closet na walang kalaman-laman bago umiling sa kanya. "Okay naman itong suot ko," usal ko sa mababang tinig saka pinaglaruan ang mga daliri ko sa kamay. Mapakla itong tumawa. "Nothing is okay with that stupid dress when I've got my eyes on you, Austeja," mapait niyang sinabi saka ipinatong ang hawak sa table. Humakbang ito pasulong, at kahit na medyo malayo pa ang distansiya niya mula sa akin ay napaatras ako. Marahas akong napasinghap at halos lumuwa ang mga mata ko nang abutin ng isa niyang kamay ang bandang itaas ng likurang damit niya. Walang kahirap-hirap niya iyong hinubad mula sa katawan niya. "W-what are you doing?" Nagpa-panic kong sabi nang makita ko ang magandang hulma ng dibdib at tiyan niya. Gusto kong alisin ang paningin ko roon subalit hindi ko magawa. Para akong inaakit ng maganda niyang katawan na halos makalimutan kong mali ang makaramdam nang gano'n. Ang puti ng balat nya. Makikita mo rin ang mga ugat nito sa left arm niya kung saan walang tinta balat niya. Siguro ay ganoon rin ang isa pa kung wala lang siyang tattoo roon. Mukhang may tattoo rin siya sa left shoulder niya dahil nasulyapan ko ang parang itim na ugat-ugat doon na medyo abot sa unahang bahagi ng braso. Pero nang medyo malapit na siya ay natanto kong hindi roots tattoo iyon kundi lighting tattoo. And it looks cool on him. Ang hindi cool ay ang tumitig ako sa kanya at pasadahan ng tingin ang bawat tinta niya sa katawan. "Wear my shirt," inabot nito ang hinubad niyang damit sa akin na agad kong kinuha. Hindi na ako nagsalita pa. Agad ko na iyong isinuot para mawala ang atensiyon ko sa katawan niya, at naging tagumpay iyon. Ngunit nang malanghap ko ang mabango at manly na amoy ng damit niya, hindi ko naiwasang mapapikit. Kung ganito na ang amoy ng damit niya, paano pa kaya kung siya mismo ang maamoy ko? Mabilis akong napamulat nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Wala na si Zigger sa harapan ko. Nang tingnan ko ang pintuan ay naabutan ko siya na papalabas na. Inayos ko ang damit saka na humabol nang lakad sa kanya. Napahinto ako sa mismong tabi ng pinsan ko nang makita itong huminto. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang mapansin na parang gulat na gulat ang mga taong nandito sa sala--maliban kay Papa na masama ang tingin sa akin at halata ang galit sa buong mukha. Pakiramdam ko ay gusto niya akong lapitan at saktan kung wala lang lalaking mayroong hawak na baril na nakatayo malapit sa kanya. "What the hell did you do, Zigger Enzo?" Panunuya ng isang lalaking matingkad ang kulay ng buhok. "For the love of God, Adin! She is my f*****g cousin!" Humalo ang galit sa tinig niya saka isinuklay ang mga daliri sa buhok. Napamura ako sa isip ko nang ma-realized ang isang bagay na maaaring isipin ng mga taong nandito. Iniisip siguro nila na may ginawa kami ng pinsan ko sa kuwarto dahil una sa lahat, wala siyang suot pang-itaas. Pangalawa, nasa akin ang damit niya. Kaya siguro ganito makatingin sa akin si Papa. Kaya rin sinabi ni Zigger na pinsan niya ako. "Are you done here?" Tanong ng isang lalaki na mayroong multong ngiti ang mga labi. "So done, Officer. Let's go." Hinablot niya ang braso ko saka na siya lumakad kaya gano'n na rin ang ginawa ko. "Nasaan...ang anak ko?" Mahinang tanong ni Mrs. Salcedo nang mapadaan kami sa gilid niya. Bakas ang takot sa tinig nito. Huminto si Zigger sa paglakad at tiningnan ang babaeng nakaluhod sa sahig kaya napahinto rin ako. "He's in the kitchen, weeping for his ruined face. Did you forget to tell your son that it's bad to corner a girl?" Matabang nitong pahayag. Nang hindi sumagot si Mrs. Salcedo ay si Papa ang hinarap ni Zigger. Agad siyang ginawaran ng masamang tingin ng tatay ko. "Well, Uncle, the guy you chose for my cousin to marry seems like the only asset he could offer was his dick." Zigger scoffed. My father mumbled something under his breath. "Don't f*****g point your gun at me again!" Agad akong napatingin sa galit na tinig na iyon. Nakita ko ang marahas na pagtayo ng isa sa mga pinsan ni Ivan. Matapang ang hitsura nito habang nakatingin sa kaibigan ni Zigger na naka-hoodie jacket na kung hindi ako nagkakamali ay tinawag na Von ni Zigger kanina. Malakas na ang loob ng pinsan ni Ivan dahil siguro wala nang baril na nakatutok sa kanya. "I can point my gun to anyone as I please," simpleng tugon ni Von habang nakangisi. "I can fire it, too. Wanna try me?" Inangat nito ang hawak na baril at itinutok sa tuhod ng pinsan ni Ivan. Muling nanumbalik ang takot sa dibdib ko at wala sa sariling napakapit ako sa braso ng pinsan ko. "Mykolas..." padaing na saway ni Zigger bago pa man tuluyang kalabitin ng kaibigan niya ang trigger. Wala nang nagsalita. Muli namang lumuhod sa sahig ang pinsan ni Ivan. Tinanggal ni Zigger ang mga kamay ko sa braso niya. Akala ko noong una ay ayaw niya ng gano'n at hindi siya komportable sa hawak ko, ngunit nagulat na lang ako nang mahigpit niyang hawakan ang isang kamay ko saka na ako muling hinila patungo sa pintuan. Narinig ko ang pagsunod ng mga yabag sa aming dalawa. Subalit ang mas malinaw na pumasok magkabilang tenga ko ay ang pagtawag ng isang tinig sa pangalan ko. "Austeja!" Ani Papa. "Wala ka talagang utang na loob! Kayong lahat! Iiwanan niyo na lang ako nang ganito?" Sigaw pa nito. Parang may tumusok sa dibdib ko dahil sa narinig kong iyon. Wala pa pala kaming utang na loob kahit na parang bayad na kami sa lahat dahil sa mga pananakit niya. "Keep walking," bulong ni Zigger at mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Marahil naramdaman niyang gusto kong kumalas sa kanya para balikan ang tatay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD