Austeja Althea: Aus, walang tao sa bahay. Nandito kami ni Mama kila tita kasi may party silang pupuntahan mamaya. Isasama kami. Dito na rin kami matutulog. Nagpakawala ako ng isang buntonghininga pagkatapos kong mabasa ang text message ng kapatid ko. Kanina pa pala ito pero dahil hindi na ako nakapag-check ng phone gawa ng pag-uusap namin ni Zigger kaninang tanghali, ngayon ko pa lamang nakita. Naramdaman ko ang tingin sa akin ng lalaking nakaupo sa sofa na ngayon ay hinuhubad ang gloves sa mga kamay matapos matanggal ang jacket sa katawan. “What is it?” May konting concern ang tinig ni Zigger. Narinig niya siguro ang pagbuntonghininga ko. “Nandoon pala sila sa inyo,” pahayag ko. “May pupuntahan daw na party ang mommy mo, isinasama sila Mama.” Maliit akong ngumiti bago umupo sa tabi