Austeja Patapos pa lamang ang panghuling klase ko ngayong araw ay kinakabahan na agad akong lumabas. Alam kong nasa tapat na ng university si Zigger at naghihintay sa akin. Sa mga araw na sinusundo niya ako rito, hindi pa siya na-late. Hindi ko pa naranasang maghintay sa kanya dahil madalas na nauuna na pa siya sa akin. At ang ikinakakaba ko sa mga sandaling ito ay iyong huling sinabi niya kanina. Ayoko na lang sanang isipin iyon ngunit hindi nabura sa utak ko. Ni hindi ko na ulit siya tineks o tinawagan kahit na may free time ako. Hindi ko na rin inabala ang sarili ko na i-check pa ang phone ko. Nang i-anunsyo na ang class dismissal ay nagtataka akong tumingin sa mga kaklase ko—na naging kaibigan ko na rito—nang bigla silang pumalibot sa upuan ko. "Pupunta nga pala kami sa Archer's