Chapter 4

875 Words
Aya "Dumating na ba si Joshua?" Tanong ng Tita Maristel nya kay Nanay Alma ng makapasok na sila sa loob ng bahay. "Opo Mam baka nasa silid na po nya" "Ah.. oh sige Aya maglaro ka muna ah magbibihis lang ako sandali" Paalam ng Tita Maristel nya sa kanya at umakyat na ito sa hagdan. Isa-isa nyang inilabas ang mga laruan sa sala para ipakita kay Nanay Alma ang mga yon at nag kwento rin tungkol sa pamamasyal nila at pagkain nila sa McDonalds. "Ang bait-bait po ni Tita Maristel" Sabi nya habang binubukasan ang bagong biling barbie. "Oo mabait talaga yon, sige dyan ka na muna ah magpapahanda lang ako ng hapunan maya-maya lang andito na si Sir Miguel" Paalam ni Nanay Alma sa kanya, tumango lang sya habang nasa laruan ang atensyon. "Who are you?" Tinig na nagmula sa malaking hagdan. Napatingala sya, mula sa pagkakaupo sa magarang carpet, habang nilalaro ang mga bagong laruan at nakita ang binatilyo, na naka kunot ang noo na nakatingin sa kanya at sa mga laruan nya na nagkalat na sa carpet. Napako ang tingin nya sa binatilyo na naka uniporme pa, puting polo na may purple logo ng SMU sa may bulsa, medyo marumi na rin ang polo nito, itim na slack at itim na sapatos. May bibit itong bola na sinisipa-sipa nito. Binalik nya sa mukha ng binatilyo ang mga mata nya. Gwapo ito at bagay rito ang buhok nito na parang Zac Efron style o Troy Bolton sa paborito nyang palabas na Highschool Musical. "Are you deaf? I'm asking you?" Tanong ulit ng binatilyo na nasa tono ang iritasyon, habang nilalaro ang hawak na bola. Nanatili lang syang nakatingin rito at isa-isa nyang dinampot ang mga laruan na nagkalat. "Hey! I'm talking to you! ang sabi ko sino ka?" Iritang tanong ulit ng binatilyo at humakbang palapit sa kanya, marahil ito ang Joshua na anak ng Tita Maristel nya. "Ah... ikaw ba si Kuya Joshua?" Alanganing tanong nya habang inaayos ang mga laruan sa sahig. "What? you know me? and you called me Kuya Joshua eh sino ka?" Kunot noong tanong nito. "Ah.. ako si Aya ang totoo kong pangalan ay Ayana Suarez" Nakangiting pakilala nya rito. "Eh anong ginagawa mo rito? at bakit mo alam ang pangalan ko? bakit mo ko tinawag na kuya?" supladong tanong nito, habang sinisipa-sipa nanaman ang bola. "Sinabi sa akin ni Tita Maristel ang Mama mo" "Si Mama? eh ano bang ginagawa mo rito?" Kunot noong tanong nito at huminto sa paglalaro ng bola. "Joshua Hijo" Tawag ni Donya Feliza na kalalabas lang mula sa isang silid. Pareho pa sila ni Joshua na napatingin sa Donya habang nakangiti ito at papalapit sa kanila. "Lola, who is she?" Tanong ni Joshua at sinulyapan sya. "She is Aya and she's going to stay here for good" Sagot ng Donya na kinagulat ni Joshua. "Stay here? for good?" Bulalas ni Joshua na kinagulat pa nya ang malakas na boses nito at napatakbo palapit sa Donya. Nagtago sa likod nito, dahil sa takot kay Joshua. "It's ok Aya mabait ang Kuya Joshua mo" Halo ng Donya sa kanya. "You adopted her?" Tanong ni Joshua at sinulyapan sya sa likod ni Donya Feliza. "Yes, at sumanghayon na ang Mama mo" "But, why? is she a homeless kid? where's her Mom and Dad?" "Hijo we will talk about that tonight, while having our dinner" "Don't tell me Lola sasabay na sya sa dinner natin?" Tanong ni Joshua na para bang ayaw pa sya nitong isabay sa dinner. "Of course she is now part of this family" Nakangiting sabi ng Donya at hinawi ang mahabang buhok nya na tumatakip sa mukha nya. "Wow she's lucky then" Tipid na sabi ni Joshua at sinipa papunta sa pinto ang bola. "Where are you going Joshua?" "I'm going to play outside" Sagot nito at tuluyan ng lumabas ng mansyon. Sa hapag kainan ang pag ampon sa kanya ang pinag-uusapan, at natutuwa sya dahil pumayag kaagad ang nag-iisang anak ng Donya na ampunin na sya. At nagpapatawag na rin ito Papa, pero syempre tumanggi sya, kaya Tito Miguel nalang muna ang tawag nya rito. "Ayan Aya may bago ka ng Mama at Papa" Bulong ni Donya Feliza sa kanya "Salamat po Donya Feliza" Magiliw na pasalamat nya. "Lola Feliza na lang itawag mo sa akin tutal dito ka na titira" Nakangiting sabi ng Donya. "Maraming salamat po at nagustuhan nyo po ako rito" Nahihiyang sagot nya at tumayo sa kinauupuan, mabilis na tumakbo palapit sa Donya at hinalikan ito sa pisngi, kasunod ang Tita Maristel nya at Tito Miguel, nahinto sya sa may upuan ni Joshua na tahimik lang na kumakain at walang pakialam sa pinag-uuspan. "Salamat din sa iyo Kuya Joshua" Alanganing sabi nya, sinulyapan lang sya ni Joshua at walang pakialam na tinuloy ang pagkain. "Joshua, say something" Sabi ng Tito Miguel nya, dahil kanina pa ito walang himik, parang ayaw tuloy nito sa kanya. "Welcome to Tragora Mansion Aya" Walang emosyong sabi ni Joshua sa kanya na napipilitan lang. Ngumiti sya rito kahit alam nyang pilit lang ang pag welcome nito sa kanya. "Thank you Kuya Joshua" Sabi nya at hinalikan sa pisngi ito. Nagulat ito at mabilis itong lumayo sa kanya, ngumiti lang sya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD