Chapter 5

1496 Words
"Bilisan mo nga, pag ako na late hindi na kita isasabay sa susunod" Inis na sabi ni Joshua sa kanya, habang pababa sya ng itim na kotse na naghahatid, sundo kay Joshua sa San Miguel University. Matapos ang isang linggo naiayos na lahat ni Donya Feliza ang mga kailangan nya para makapag enroll sa San Miguel University. Isa sa pinaka kilalang eskwelaan sa San Miguel, na pag mamay-ari ng mga Tragora, na kilalang pinaka mayaman sa buong bayan ng San Miguel. At maswerti sya dahil ang mga Tragora ang kumupkup sa kanya. Halos malula sya ng makita kung gaano kalaki at kalawak ang eskwelaan, naalala pa nya sa tuwing madaraanan nila ng Nanay nya ang SMU ay madalas nyang sabihin na dito sya mag-aaral para makakuha ng magandang trabaho at makabili ng bahay na sing laki ng eskwelaan. Pero hindi na nya magagawa yon dahil sa murang edad nya nawalan na sya ng Ina at ngayon ay mamumuhay syang kasama ang mga bagong pamilya nya. "Aya! ano ba? bilisan mo nga maglakad dyan!" Sigaw ni Joshua sa kanya. Sinulyapan nya ito at halos tumakbo na sya para lang habulin ito. "Sandali lang Kuya" Humihingal na sabi nya at bumunggo sa bagpack na nakasabit sa likod ni Joshua. "Aray ko" Reklamo nya at hinawi ang mahabang buhok. "Huwag mo kong tatawaging Kuya dito sa school! I don't like it, kahit sa bahay huwag muna kong tatawaging kuya, we're not brother and sister! Hindi kita kapatid! Wala akong kapatid!" Galit na sita nito, at nakasimangot na tinalikuran sya tumakbo ito papasok sa malaking building. "Bakit ba ang sungit nya?" Bulong nya at sinundan nalang ito. Pagdating nila sa classroom kaagad silang nilapitan ng magandang guro, nakangiti ito at binati pa si Joshua. "Good Morning Mr. Tragora" Bati ng magandang guro kay Joshua, hindi man ngumiti si Joshua sa magandang guro, nilingon sya nito nasa likuran parin. "Ms. Tagle she's Aya sya yung inen-roll ni Lola last week" Walang ngiting pakilala nito sa kanyan. Kaagad syang ngumiti ng lingunin sya ni Ms. Tagle. "Ah.. yeah, hello Aya how are you?" Magiliw na sabi ni Ms.Tagle sa kanya na marahil ay magiging teacher nya. Nasa grade 4 na sya at lagi syang nasa honor sa dati nyang eskwelaan public school lang yun, hindi tulad ng SMU na private school at siguradong lahat ng nag-aaral sa eskwelaang ito ay mayayaman tulad ni Joshua at matatalino. "Aya get in I need to go to my first class" Utos ni Joshua sa kanya at pasimple pa sya nitong tinulak papasok sa classroom. "Ah sige ku- Joshua salamat" Alanganing sabi nya. "Be a good girl Aya" Sabi pa ni Joshua bago tumakbo palayo para pumunta na sa classroom nito. "Let's go Aya, ikukuha na kita ng upuan" Magiliw na sabi ni Ms. Tagle at giniya na sya nito sa loob ng classroom . "Hi" Bati ng batang babae sa kanya ng matapos ang klase nila. "Hello" Sagot nya at ngumiti sa batang babae na naka all pink mula ulo hanggang paa. Pink na headband, pink na necklace terno ng bracelet nito at hikaw, pati ang trolly barbie bag nito pink din pati ang medyas na puti hindi pweding walang halong pink. "I'm Mariella but you can call me Ella, we're classmate, we were in same class earlier" Nakangiting sabi nito sa kanya, at iniaabot pa ang maputing kamay na halatang hindi pa ito nagtatrabaho, hindi tulad nya na lagi syang nagbubuhat ng mga paninda nila ng Nanay nya sa palengke, at minsan naghihigib din sya ng tubig para sa bahay nila. "Ayana, pwede mo kung tawaging Aya" Nakangiting sagot nya rito. "Can we be friends?" Tanong nito at ngumiti lumitaw ang magagandang ngipin nito na halatang alaga ng dentista. "Oo naman" Nahihiya nyang sagot rito. "Yey! sa wakas may kaibigan na ko" Sabi nito at nagtatalon pa sa tuwa. "Bakit wala ka bang kaibigan?" Nagtatakang tanong nya at nilingon ang ilang mga kaklase nila na tulad din ni Ella malilinis at halatang galing sa magandang pamilya. "They are all not friendly as you look, let's go hati tayo sa baon ko" Yaya nito at hinila na ang trolly bag at dinampot ang pink na lunch box. "Sige" Nakangiting sagot nya at sinabit na sa balikat ang barbie bag pack nya. Pagpasok nila sa malaking cafeteria maingay sa loob, dahil halos nagkukwentuhan ang mga naroon, may nagtatawanan ng malakas at nagsasalita ng malakas habang may tumutugtog sa loob ng cafeteria. Parang isang malaking mamahaling restaurant ang pinasukan nila at hindi school canteen. Hindi tulad sa dati nyang eskwelaan na lima lang yata ang mesa kaya laging naguunahan ang mga estudyanteng maka upo, isama pa na mainit sa loob, samantalang sa SMU Cafeteria naka aircon. SMU Cafeteria ang nakasulat sa harap ng pinto at hindi School Canteen. "Hati tayo sa baon ko, specialty to ni Mommy saka favorite ko, kami ng Kuya ko, pero ngayon nasa highschool na si Kuya ayaw na nyang nagbabaon mas gusto na nyang bumibili na lang rito sa Cafeteria, o kaya naman kumakain sa labas kasama ng mga barkada nya" Kwento ni Ella habang hinahati ang malaking sandwich na puno ng palaman ng kung anu-anong gulay meat and cheese, tulad ng mga nakikita nya sa TV na kinakain ng mga mayayaman. "Ang laki naman pala nyan paano mo uubusin yan?" Tanong nya ng matapos hatiin sa dalawa ni Ella ang sandwich. "Pag natikman mo ito, malalaman mo kung paano ko nauubos yan" Nakangiting sabi nito at nilabas ang baunan ng tubig na katerno ng lunch box nito. "Mukha nga syang masarap" Sabi nya at kinagatan ang sandwich. "Ikaw anong baon mo?" "Hindi ko alam kung ano ang pinadala ni Tita Maristel" Sagot nya at binuksan ang lunch box na Barbie at tinignan kung ano ang laman non. sandwich, apple at fruit juice ang nasa loob. "Wow masarap din pala ang baon mo, sino may gawa ng sandwich Mommy mo ba?" "Ah, hindi si Tita Maristel ang naghanda nyan" "Bakit nasaan ang Mommy mo?" Tanong nito habang kinakain ang sandwich. "Wala na ang Mommy ko" Malungkot na sagot nya at binitawan ang sandwich na kinakain "OMG! I'm so sorry Aya" Paumanhin nito at niyakap pa sya nito. "Ok lang yon" Nakangiting sabi nya at nilabas sa lunch box ang baon. "Hati rin tayo sa baon ko" "Oo ba sige" Mabilis na sagot nito, at binilisan ang pagkain habang nagtatawanan sila. Matapos nilang maubos ang mga baon nila nag kwentuhan pa sila dahil isang oras ang lunch break nila. Kaagad nyang napalagayan ng loob si Ella, dahil halos pareho sila ng mga hilig tulad din nya paborito nito si Hannah Montana at memorize din nito ang mga kanta ni Hannah Montana, crush din nito si Troy Bolton at walang kanta ng Highschool Musical ang hindi nito alam. "Oh wait, I need to give this" Biglang sabi nito at may kinuha sa pink trolly bag. "Sadwich? gutom ka ulit?" Nagtatakang tanong nya ng makita ang isa pang sandwich na sing laki din ng pinaghatian nila kanina. "Nope, I'm going to give this to Vincent!" Excited na sabi nito at pasimple pang sinuklay ang mahaba nitong buhok tulad ng sa kanya at inayos ang pink na headband, at ngumiti habang nakatingin sa may pinto ng cafeteria. Kasalukuyang papasok ang mga estudyanteng marahil nasa highschool na dahil kasing tangkad na ni Joshua ang mga ito at pareho nito ng School Uniform. "Sino si Vincent?" "Sya!" Sagot nito sabay turo sa binatilyong naghahanap ng mauupuan, kasama ang tatlo pang estudyante habang pinagtitinginan ang mga ito ng mga naroong estudyante. "Bakit artista ba sya?" "What?! no but he's so handsome pwede nga syang maging artista o kaya model" Masayang sagot nito. "Ah.." "What do I look? maganda na ba ko?" "Ah? maganda ka naman eh" Alanganing sagot nya dahil hindi nya maintindihan ang kinikilos nito, mula ng pumasok ng cafeteria ang tinatawag nitong Vincent. "Wait me here Aya, ibibigay ko lang to" Excited na paalam pa nito at tumayo na. Nag ayos pa ulit ito ng buhok at suot na uniporme. Alanganing syang ngumiti at sinundan ito ng tingin kung ano ang gagawin sa bitbit na sandwich. Nakita nyang lumapit ito sa mesa ng binatilyong tinawag nitong Vincent, at binati nito ang binatilyo na agad namang ngumiti at binati rin si Ella. Nag-usap pa ang mga ito bago iniabot ni Ella ang hawak na sandwich at ngumiti ang binatilyo rito at tinanggap ang sandwich. Nag-usap pa ulit ang dalawa bago lumakad pabalik si Ella sa kinauupuan nya. Bago pa nakabalik si Ella sa tabi nya napansin nya agad ang pamilyar na binatilyo na papasok sa cafeteria. Si Joshua,mag-isa lang ito, may hinahanap at tulad ni Vincent marami ring mga naroon ang nagtitilihan kay Joshua na bagong dating. Nagkatinginan pa sila ni Joshua bago ito pumuwesto sa mesa ng grupo ni Vincent. "Nakausap ko nanaman sya" Masayang sabi ni Ella ng makabalik sa pwesto nila at naupo sa tabi nya. "Aya may crush kana ba?" Biglang tanong nito. "Crush?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD