Chapter 3

1266 Words
Flashback "Ma, sino yang batang kasama nyo?" Tanong ni Maristel sa Donya ng makita itong may hawak-hawak na batang babae. "Ah.. sya si Ayana, anak ng isang tinutulungan ko sa Feliza Foundation." Magiliw na sagot ni Donya Feliza at tinawag si Alma para kunin ang bata at pakainin sa kusina. "Bakit po sya narito?" Tanong ni Maristel at sinundan ng tingin ang batang babae. "Dalawang linggo ng pumanaw ang Nanay nya." Panimula ng Donya ng makapasok na sa komedor ang bata. "Hindi sya maaring manatili sa Foundation ko, dahil wala pa sya sa tamang edad, balak na syang ipasa sa DSWD pero naawa ako sa bata, nakipag ugnayan ako sa DSWD na kung maaari ako na lang muna ang kukupkop sa bata, pumayag naman agad ang mga ito dahil, alam nilang hindi ko pababayaan ang bata." "Kukupkupin nyo ang bata?" "Oo dito na sya titira sa atin, kasama natin. Alam kung matagal ka ng nasasabik sa anak na babae." "Pero Ma, pinaalam nyo na po ba ito kay Miguel?" "Hindi pa, mamaya sa hapunan sasabihin ko sa kanila ni Joshua. Alam kung papayag ang anak ko, malaki na si Joshua, matagal na tayong walang bata sa bahay na ito." Sabi ng Donya at sinulyapan si Maristel na hindi maitago ang excitement sa mga mata. "Pwede ko po bang puntahan ang bata?" Nakangiting tanong ni Maristel sa Donya. "Oo naman, sige samahan mo sya, may tatawagan lang ako." "Sige po." Masayang sabi ni Maristel at lumakad na papunta sa komedor. "Bakit ayaw mong kumain? ayaw mo ba ng spaghetti?" Tanong ni Alma sa batang babae na hindi parin ginagalaw ang pagkain. Lumapit si Maristel ng makita ang bata na nakaupo lang at nakatingin sa pagkain pero hindi ginagalaw. "Sige Alma ako na ang magpapakain sa kanya." Sabi ni Maristel at na upo katapat ng batang babae. "Anong gusto mo? ayaw mo ba ng spaghetti?" Magiliw na tanong ni Maristel sa batang babae. Sinulyapan lang ng batang babae si Maristel at muling binalik sa pagkain ang mga mata. q "Anong pangalan mo?" Malambing na tanong ni Maristel sa bata. "Aya po" "Ang ganda naman ng pangalan mo,Gusto mo bang tumira dito?" "Hindi po" Mabilis na sagot ng bata. "Ayaw mo rito? bakit?" "Gusto ko po sa Mama ko" "Alam ko yon, pero pwede mo rin akong maging Mama" "Bakit po? wala na rin po ba ang anak nyo?" Tanong ng batang babae at nilingon si Maristel. "Hindi,may anak ako si Joshua, wala sya ngayon nasa school pa, mamaya pa sya darating. Pero wala akong anak na babae tulad mo" "Eh hindi naman po kayo ang Mama ko, wala na po ang Mama ko kinuha na sya ni Papa god" Sagot ng bata at bigla itong naiyak. Mabilis na lumapit si Maristel sa bata. "Huwag ka ng umiyak kasama na ni Papa god ang Mama mo masaya na sya doon, isa pa malulungkot sya pag nakita ka nyang umiiyak" "Iiyak din po ba sya?" "Oo kasi umiiyak ka, kaya dapat huwag ka ng umiyak ah?" "Pag po ba hindi na ko umiyak, hindi po iiyak ang Mama ko?" "Oo hindi sya iiyak matutuwa pa sya pag nakita ka nyang masaya" "Talaga po?" "Oo" "Sige po hindi na po ako iiyak" Sabi ng batang babae At pinunasan ang mga luha sa pisngi at pinilit na ngumiti kay Maristel. "Ayaw ko pong umiyak si Mama sa heaven kaya hindi na po ako iiyak" "Tama yon, at matutuwa ang Mama mo kung kakain ka" "Talaga po?" "Oo" Sagot ni Maristel at inilapit sa bata ang plato ng spaghetti para pakainin ito. "Sige po kakainin kuna po yan" Nakangiting sabi ng batang babae at hinawi ang mahabang buhok na nagkalat sa mukha. "Oo ubusin mo to, pagkatapos maliligo ka at mamasyal tayo" "Mamasyal? saan po tayo pupunta?" "Bibili tayo ng mga laruan mo at mga damit" "Laruan po? sabi ni Mama huwag daw po ako pabibili ng mahal na laruan sa palengke kasi po wala syang pera" Sabi ng bata habang kumakain ng spaghetti at hindi pansin ang nagkalat na sauce sa pisngi. "Hindi tayo bibili ng mahal yung mura lang pero maganda at gusto mo" "Talaga po? oh sige po uubusin ko po ito at hindi na po ako iiyak para hindi na po malungkot sa heaven si Mama" Matapos kumain ni Aya pinapaligo sya ni Maristel kay Alma at pinabihisan na rin at gaya ng pinangako ni Maristel sa bata mamasyal ang mga ito at mamimili ng mga gamit para sa bata. Sa Tragora mall namasyal ang dalawa ang mall na pagmamay-ari ng pinaka mayaman na pamilya sa bayan ng San Miguel ang mga Tragora. "Tragora mall? ito po ba yung mall ni Donya Feliza?" Tanong ni Aya ng makapasok na sila sa malaking mall. "Oo sa Lola Feliza ang mall na to kaya pwede mong kunin ang lahat ng laruan na gusto mo" Magiliw na sagot ni Maristel sa bata. "Talaga po? pwedi akong kumuha ng marami?" "Oo naman lahat ng gusto mo kunin mo" "Salamat po" Matapos nilang maikot ang malaking mall at napamili ang lahat ng kailangan ni Aya. Dumaan sila sa Mc Donalds para mag meryenda muna bago umuwi. "Salamat po Mam Maristel ang dami nyo pong pinamili sa akin may mga damit pa po, salamat po talaga" Ang nakangiting sabi ni Aya habang kumakain sa loob ng McDo. "Lahat ng yan galing sa Lola Feliza mo sa kanya ang Mall na ito kaya walang bayad ang mga yan. Kaya dapat kay Lola Feliza ka magpasalamat at isa pa, Tita Maristel na lang ang itawag mo sa akin huwag na Mam Maristel oh kaya kung gusto mo Mama Maristel na lang?" "Tita Maristel na lang po muna baka magalit po sa akin ang anak nyo pag narinig nya ko" Sagot ng bata at halos maubos na ang large french fries at sundae. "Mabait ang Kuya Joshua mo sigurado magugustuhan ka nya" Nakangiting sabi ni Maristel habang aliw na aliw panoorin si Aya na kumain ng french fries na sinasawsaw nya sa strawberry sundae. "Masarap ba?" "Opo masarap na masarap,dati po Mam Maris- ay Tita Maristel pag kumakain po kami ni Mama sa McDo maliit na fries lang po pinapabili ko kasi po alam ko wala syang pera, ngayon po binilhan nyo ko ng malaking fries siguro po marami kayong pera" Natawa si Maristel sa bata bago sinagot ito na patuloy parin sa pagkain. "Dahil tinawag mo kong Tita bibilhan pa kita ng isang malaking fries para may kainin ka sa bahay" "Talaga po? bibilhan nyo rin po ba si... ano nga po ulit pangalan ng anak nyo?" "Joshua, Kuya Joshua na lang itawag mo sa kanya" "Ah opo si Kuya Joshua po ba bibilhan nyo rin ng french fries?" "Ah.. hindi, kase hindi sya kumakain ng french fries dito sa ibang restaurant sya kumakain ng fries" "Ah.. ganoon po ba, di po ba lahat ng bata gusto ang McDo? hindi po ba gusto ng anak nyo ang McDo?" "Ah.. alam mo kase ang Kuya Joshua mo feeling binata na kahit nasa 2nd year highschool pa lang sya binata na ang isip non" "Ah" tanging sagot ni Aya at inubos na ang kinakain para maka order sila ulit ng fries para may kainin pa sa bahay. Pagdating nila sa Tragora Mansion nakangiting bumaba ng magarang sasakyan si Aya bibit ang ilang pinamili nila at maraming french fries. "Halika na sa loob mukha dumating na ang Kuya Joshua mo para makilala muna sya" "Talaga po, sige po bibigyan ko po sya ng french fries kahit ayaw nya" Nakangiting sabi ni Aya at pumasok na sa malaking pinto ng mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD