Chapter 1
Pagpasok nya sa malaking gate ng Tragora Mansion, nalulula sya sa sobrang lawak ng bakuran, puno yon ng mga nagtataasang puno at mga bulaklak sa gilid ng daan, na kahit sinong mapadaan ay hahanga talaga sa ganda't ayos ng mga yon, napaka lilim ng bakuran at payapa ang buong paligid.
Binagalan nya ang pagmamaneho at pinagmasdan ang malawak na paligid. Nananariwa sa kanya ang lahat, ang kanyang masaganang kabataan sa loob ng mansyon na yon na inakala nyang pang habangbuhay na, ngunit hindi pala. Panandalian lang pala ang lahat ng kaligayaang naramdaman nya sa Tragora Mansion.
Pagbaba nya ng sasakyan kaagad nyang napuna ang pulang Ferrari sports car sa tabi ng puting Honda Civic nya. Bumuntong hininga sya habang nakatingin sa mamahaling sasakyan.
"Joshua" Bulong nya, na parang ang hirap sa kanyang banggitin ang pangalan na yon.
"Aya! Aya!"
Tawag mula sa may bungad ng pinto. Liningon nya ang tumatawag sa kanya at nakita ang matandang babae na marahil nasa singkwenta na pataas.
"Nanay Alma" Tawag nya ng makilala ang matandang babae na tumawag sa kanya.
"Hay nako bata ka! halika nga rito!"
"Nanay Alma! kumusta na po kayo?" Magiliw na bati nya at kaagad na niyakap ang matandang babae.
"Nako! bata ka ang tagal mong nawala ah!" Sabi nito, at niyakap sya ng mahigpit.
"Sorry po Nanay Alma" Naiiyak na sabi nya, at kumalas ng yakap rito.
"Halikana sa loob kanina ka pa hinahantay ni Donya Feliza, sabik na sabik na syang makita ka." Sabi nito. Tumango sya at sumunod na rito papasok sa malaking bahay.
Pagpasok nya sa loob halos hindi sya makahinga, pinagmasdan nya ang loob ng malawak na sala ng Mansyon.
"Ganoon parin pala ang mansyon." Bulong nya, habang ginagala ang mga mata.
Pitong taon din syang hindi nakabalik sa mansyon at tila walang pagbabago ang buong mansyon, ganoon parin ito maliban lang sa nalipat ng pwesto ang ilang mga kagamitan roon. Napansin nya ang malaking larawan na nakasabit sa may dingding katapat ng malaking Piano. Pinagmasdan nya ang larawan ng apat na taong naging malapit sa kanya.
Si Donya Feliza Tragora na nakangiti habang nakaupo sa malaking sofa, katabi ni Maristel Tragora na asawa ng anak ni Donya Feliza na si Juan Miguel Tragora at ang isang lalake na naka black tuxedo nakangiti ito. Napalunok sya ng mapagmasdan ng husto ang lalake.
"Aya sumunod kana lang ah, nasa likod bahay ang Donya sa may gazebo" Sabi ni Nanay Alma sa kanya.
"Ah....si....sige po...."Alanganing sagot nya, at tumingala para pigilan ang luhang nais pumatak.
"Don't cry Aya! Don't cry!" Bulong nya, at muling binalik sa larawan ang tingin.
"You're back!"
Tinig na nagmula sa may hagdan, napalingon sya at nakita ang lalaking pababa ng hagdan.
The Man's wearing a White polo sleeve with a gray coat and black tie, black slack, and brown leather shoes. He looks appealing handsome and sure to his self. Joshua Tragora the Tragora heir.
"Totoo pala ang tsimiss na darating ka!" Patuloy na sabi ni Joshua at tinignan sya, mula ulo hanggang paa at bumalik sa mukha nya.
Well, napag handahan nya ang pagbabalik nya sa Tragora Mansion. She choose to wear her best a mini white tube dress showing off her clevage, high heels, her hair in perfect curl. Alam nyang maganda sya, kaya wala syang dapat ikatakot sa gwapong kaharap na napaka intimidating.
"Lo-... I mean Donya Feliza asked me to visit her." She answered.
"Oh yeah? You're here to grant her simple wish?" The man said in a sarcastic tone.
"Yes!"
"Babalik ka rin naman pala dito, bakit mo pa pinatagal ng pitong taon?" Mabalasik na tanong nito.
"Si Lo- Donya Feliza ang sadya ko rito, kung ano man ang dahilan ko kung bakit ngayon lang ako nakabalik hindi mo na kailangan malaman pa!"
"Bakit Aya? mas masarap bang mamuhay mag-isa sa Maynila? kaya mas pinili mong tumira doon kesa dito na handang ibigay ng mga taong nasa paligid mo ang lahat!" May pag-aakusa sa tono nito.
Nag-iwas sya ng tingin naramdaman nya ang pamumuho ng mga luha sa mga mata nya, ayaw nyang umiyak sa harap nito, hindi nya kailangan umiyak sa harapan ni Joshua.
"Bakit hindi ka makasagot? mas gusto mo ba na ibilad yang katawan mo sa harap ng maraming tao para lang kumita ng konting halaga, na kung tutuusin eh makukuha mo kung nanatili ka rito!" Galit na patuloy nito.
"Joshua please stop this!" Saway nya rito, dahil hindi ngayon ang tamang panahon para pag-usapan nila ang bagay na yon, hindi ito ang tamang sitwasyon para sabihin rito ang mga dahilan nya.
"Stop? why? dahil hindi mo kayang marinig ang katotohanan? hindi mo kayang tanggapin?" Galit na akusa nito sa kanya. Hindi nya inasahan na ganoon ito ka galit sa kanya.
"Please! I want to see Donya Feliza, sya ang sinadya ko dito at wa-"
"Damn you! alam mong nandito ako! alam mong makikita mo ko rito! bakit ka pumayag?" Matigas na putol nito sa sasabihin pa sana nya. At humakbang palapit sa kanya. Napalunok sya at nagtaas ng mukha.
"Bakit ka bumalik?" Mabalasik paring tanong nito. At muli syang sinuri. Naramdaman nyang nagtagal ang mga mata nito sa may dibdib nya, kung nasaan ang nunal nya na nakakadagdag ng appeal sa kanya. Nailang sya pero hindi sya nagpahalata rito, nag taas lang sya ng mukha.
"Bumalik ako para kay Donya Feliza at walang ng iba pa!" Nakuha nyang isagot na nakataas noo.
"Yan lang ba ang sinadya mo rito? tapos ano babalik ka nanaman sa Maynila at magtatago?"
"Kung ano man ang plano ko wala ka ng pakialam!"
"Damn you Aya!" Sigaw nito. At hinila sya sa braso palapit rito, malakas na bumunggo ang dibdib nya sa dibdib nito, napangiwi pa sya sa sakit pero hindi sya nagpahalata rito.
"Sa tingin mo ba hahayaan pa kitang makaalis dito ng basta-basta? You made a wrong move Aya! para ka na ring pumasok sa bahay ng leon at pinahin mo ang sarili mo!" He said with gritted teeth.
"Joshua... let.. me.. go" Sabi nya, na hindi maitago ang kaba at takot. Oo natatakot sya kay Joshua ngayon, nag-iba na ito, hindi na ito ang dating Joshua na nakilala nya. Ganoon pa man sa paglipas ng mga taon, masasabi nyang lalo itong gumuwapo, at lumakas ang dating.
"You're going to pay everything Aya! I've promised to myself, you're going to pay every pain you've gave me! Kind of pain I've never felt before!" Sabi nito, na halos magbasagan na ang mga magagandang ngipin nito.
"Wha-" Joshua didn't let her finish. He pulled her and kissed her lips roughly. She struggled, she tried to pushed him, but Joshua hold her hands tightly and put them on her back. She did everything to free herself, but, he didn't let her go, and kissed her more roughly and deep, she almost out of breath when he left her lips and free her hands.
"Oh god!" She gasped trying to catch her breath.
"Your lips still soft like the old times!" He said and touched his lips in a seductive way.
"Bastos!"
"Bastos? ako bastos? bakit Aya wala pa bang nagbigay ng magaspang na halik sa iyo? lahat ba ng naging lalaki mo, they treated you like a princess in bed? It's Because you are now Aya Suarez the high paid super model, every Man wants to get inside your pants" He said like an acid in his mouth.
"This is pointless Joshua! Hindi ko sasayangin ang oras ko para lang magpaliwanag sa iyo! Andito ako para sa Lola mo! at hindi para magpaliwanag sa iyo!"
"Hindi ko hinihingin ang paliwanag mo, ang hinihingin ko kabayaran sa lahat ng ginawa mo sa akin!"
"For god sake Joshua, its been seven years and more. You should move on and for-"
"Shut up! hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko Aya! wala kang alam!" Sigaw nito na nagpagulat sa kanya. Napaatras sya ng isang hakbang. Kitang-kita nya ang galit sa mga mata nito, at hindi nya alam kung bakit tila sukdulan ang galit nito sa kanya, nagyuko sya ng ulo upang itago ang mga luhang nais ng pumatak.
"Revenge Aya! I want Revenge a Tragora way of revenge"