Chapter 2

801 Words
Niyakap nya ng mahigpit si Donya Feliza ng puntahan ito sa may gazebo sa likod ng mansyon. "Salamat Apo at hindi mo ko binigo, salamat Aya pumayag kang bisitahin ako." Sabi ng Donya habang mahigpit din nakayakap sa kanya. "Patawarin nyo po ako Lola hindi ko po sinasadya." Paumanhin nya rito. "Ssshh... alam ko yon, alam ko Aya, kaya nga kita pinapunta dito eh, marahil ito na ang tamang panahon para muli tayong magsimula tulad ng dati." Sabi ng Donya sa kanya habang hinahagod-hagod ang mahabang buhok nya. "Magsimula po ulit?" Nagtatakang tanong nya at tiningala ang Donya. "Oo Aya, I want you to stay here for good." Nagulat sya sa sinabi ng Donya, ang pagkakaalam nya dalawa hanggang tatlong araw lang sya mananatili sa mansyon, isama pa ng dahil sa nangyari kanina sa kanila ni Joshua, lalo syang hindi pwedeng manatili sa mansyon. "Napaayos ko na kay Nanay Alma mo ang dati mong silid, doon ka na ulit tutuloy." Patuloy nito, hindi na lang muna sya kumibo rito, ayaw nyang sumama kaagad ang loob ng Donya sa kanya, ngayon lang sila nito nagkita muli makalipas ang pitong taon. Matapos silang mag kwentuhan ng Donya, pinasamahan na sya nito kay Nanay Alma sa dating silid. Pag-akyat nya sa ikalawang palapag ng mansyon halos, hindi nya napigilan ang mga luha na sunud-sunod na pumatak habang ginagala ang mga mata sa paligid, kaagad nyang nasulyapan ang silid ni Joshua na isang silid lang ang pagitan mula sa silid nya noon at magiging silid nya ulit ngayon. Napahugot sya ng malalim na paghinga habang nakatingin sa silid ni Joshua, naninikip ang dibdib nya nais nyang umiyak ng umiyak. "Nalungkot kaming lahat sa pag-alis mo Aya, hindi namin maintindihan kung bakit, lalo na si Sir Joshua." Sabi ni Nanay Alma sa kanya habang papasok na sila sa dating silid. "Gusto kitang tanungin, pero alam kung wala ako sa posisyon na gawin yon. Pero naging masaya ako sa narating mo Aya, sikat ka na at inahangaan ng marami." Patuloy nito, ngumiti lang sya at ginala sa loob ng silid ang mga mata nya, walang nagbago sa silid, ganoon parin ang ayos nito. Ang kulay ng pintura ganoon parin parang rine-paint lang. Ang kama, ang mga unan at ilang mga stufftoys andoon parin, maliban lang sa stufftoys na regalo ni Joshua sa kanya noon si Honey bear, marahil ipinatapon na yon ng Tita Maristel nya. "Hindi pinabago ni Donya Feliza ang silid mo, lagi nga nyang pinapalinis ito eh, dahil ang sabi nya babalik ka, at hindi nga sya nagkamali bumalik ka nga." Nakangiting sabi nito, Tumango lang sya rito at nadako sa may tokador ang mga mata. Naroon parin ang mga larawan nya, mula ng grades school hanggang highschool. "Andito parin pala ang mga ito at isa-isang dinampot ang mga larawan. Larawan ng dating buhay nya, ang masaganang buhay nya sa mansyon. Dinampot nya ang Family picture nila, Sya ang Donya Feliza, ang Mag-asawang Tragora at si Joshua, kuha yon noong nasa first year Highschool palang sya at nasa second year College naman si Joshua, hindi nya napigilan ang maiyak, sa ala-alang ang saya-saya nila noon sa mansyon. "Magpahinga kana muna Aya siguradong pagod ka." Sabi ni Nanay Alma ng makita nitong umiiyak sya. "Ah... opo... opo..." Sagot nya at pinunasan ang mga luha at binalik ang larawan sa tokador. "Maiwan na muna kita ah, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka." "Opo.. salamat po Nanay Alma." Nakangiting sagot nya at niyakap muli ito at nagpaalam na sa kanya. "Bakit ako pumayag? hindi ba dapat hindi na lang ako pumayag? hindi ba dapat nasa maynila ako ngayon kasama ang mga kaibigan ko? nagsasaya imbes na umiiyak dito, sa ala-ala ng nakaraan?" Tanong nya sa sarili at naupo sa kama, tulad ng dati Barbie parin ang cover non pati mga pillow case nya Barbie rin, hindi nagbago ang lahat, tanging sya at mga tao sa paligid lang nya ang nagbago. Naalala nya si Joshua ang galit na mga mata nito, ang masasakit na salita at ang magaspang na halik nito, na ang tagal na nyang pinapangarap. Nang halikan sya nito kanina ayaw man nyang aminin pero may kilabot at excitement syang naramdaman. Alam nyang walang dapat ikagalit sa kanya si Joshua, hindi nya gusto ang mga nangyari noon, kahit sya hindi nya na isip na mangyayari yon sa kanya, napakabata pa nya noon kaya wala syang nagawa, hindi nya nagawang ipaglaban kung anong meron sila ni Joshua noon, alam nyang kung nalaman lang ni Joshua yon, nakakasigurado syang ipaglalaban sya nito at hindi pababayaan. Pero dahil sa bilis ng mga pangyayari hindi na nya nagawang maipaalam kay Joshua ang lahat. At ngayong nag babalik na sya ng mansyon, galit na Joshua ang sumalubong sa kanya, hindi na ang dating Joshua na minahal ng batang puso nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD