"May sundo ka ba Aya?" Tanong ni Ella matapos ang klase nila at naupo sa may bench malapit sa Elementary building. "Ah.. ewan ko kung susunduin ako ni Joshua, ikaw ba?" "Susunduin ako ng Kuya Nate ko sabay kaming umuuwi non lagi." "Talaga? ang bait siguro ng Kuya mo no?" "Oo naman Kuya ko yon eh, si Joshua Kuya mo ba?" "Ah... ano eh, ayaw nyang tinatawag ko syang Kuya" "Bakit? kapatid mo sya ayaw nyang tinatawag mo syang Kuya?" "Hindi ko sya kapatid, anak sya ni Tita Maristel" "Ella!" Tawag mula sa di kalayuan at nakita nya ang binatilyo, marahil nasa highschool lang ito, may bitbit na gitara at malaking bag. "Kuya Nate!" Tawag ni Ella at kinawayan ang binatilyong papalapit sa kinauupuan nila. "He is my Kuya" Nakangiting sabi ni Ella. "Hello girls!" Bati ng binatilyo ng makal