"Paano mo naging Kuya si Joshua?" Tanong ni Ella habang sabay silang naglalakad sa pasilyo Matapos syang ibaba ni Mang Maning sa tapat ng building nila kaagad nyang nakita si Ella sa may hagdan at mukhang sya talaga ang hinihintay nito. Buong umaga syang hindi pinapansin ni Joshua sa almusal kanina mabilis itong kumain at kaagad lumabas ng komedor at sumakay na sa kotseng sundo nila. Hinabol nya ito para mag sorry ulit sa nangyari pero pagsakay nya ng kotse naka suot na sa tenga nito ang malaking headset at nakapikit ang mga mata. Malaya tuloy nyang napagmasdan ang gwapong mukha nito. Sigurado syang marami sa mga ka eskwela nila ang nakakapansin sa gwapong mukha ni Joshua, makapal ang kilay nito, magandang mga mata, matangos na ilong, magandang hugis ng mga labi Isama pa ang magandang ku