Chapter 5

1306 Words
Seven years later… “Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga taong nasasangkot sa kremin. Mga taong patuloy na gumagawa ng masama at labag sa batas. Sa mga taong patuloy na inaabuso ang kanilang posisyon sa gobyerno at higit sa lahat dahil sa mga taong may mataas na ambisyon sa lipunan na nagiging dahilan ng pagkaganid nila sa kapangyarihan. Nabuo ang isang organization na tinatawag na T.A.J o Trial and Justice Secret Organization. Layunin nito na bumuo ng mga taong karapat-dapat na maging bahagi ng Organization. Mga taong tapat at walang bahid ng anumang kasamaan na tutulong sa gobyerno para malinis ang lahat ng magtatangkang sirain ang kapayapaan sa bansa. Lahat ng pinagkakatiwalaan ng pangulo ay gumawa ng hakbang para kumalap ng impormasyon tungkol sa mga taong magiging parte ng TAJ Secret Organization. Kaya nandito kayo ngayon upang tangapin ang mahalagang tungkulin. Yun ay protektahan ang mamamayan at kapakanan ng ating bansa laban sa mga taong walang ibang ginawa kundi sirain ang mga buhay ng mamayan at ng ganid sa kapangyarihan. Kailangan kayo ng TAJ para maging matagumpay ang gobyerno na tapusin ang kasamaan dito sa ating bansa maasahan ko ba kayo?” Tanong ni Mr. X habang nakatayo sa aming harapan. At ipinapaliwanag sa amin kung bakit kami naririto. Nakatangap ako ng isang imbitasyon kahapon pagkabalik ko mula sa presinto. Mabuti na lamang at binasa ko ng mabilis ang kapirasong papel na yun dahil sa loob ng isang minuto ay kaagad na naglaho ang nilalaman ng sulat na yun. Hindi ko alam kung magic ba yun o talagang may especial sa papel na yun. Ang lamang ng sulat ay maiksing pagbati na isa ako sa napili ng TAJSO para pumunta sa tagong lugar na ito. Sinundo kami ng isang malaking chopper kung saan kami nagtipon sa matarik na bundok na yun ng Mount Batulao sa Nasugbo Batangas. Lagpas bente kaming tao ang sama-samang nagkatipon dito ngayon. Pero hindi ko inaasahan na makakakita ako na magkikita kaming muli ng mga dati kong kaibigan. Isang taon pa lamang ako sa serbisyo bilang Police captain. Tumaas ang rango ko dahil naging successful ang lahat ng hinawakan ‘kong kaso. Kabilang sa mga kasama kong sinundo nila ay ang magkakambal na sina Nara at Keyla at nandito din si Luna at Sol kumpara kila Nara at Keyla. Wala pa rin silang pinagbago. Kung gaano sila kagaganda noon ay mas gumanda at sumexy pa sila ngayon. Masaya ako nang makita ko silang muli. Hindi pa man natatapos ang pag-aaral namin sa university ay hindi na kami nagkikita dahil abala na kaming lahat sa iba’t-ibang dahilan. Kaya hindi ko na nalaman kung ano ang naging buhay nila. At dahil sa narinig kong paliwanag ni Mr. X may kutob ako na mas nahasa pa nila ang galing na ipinakita nila sa akin noon habang kami ay nagtratraining sa pribadong isla nila Nara tuwing wala kaming klase. Hangang sa mas naging abala na kami sa kanya-kanya naming kurso kaya kahit noong graduation ay hindi na namin nabati ang isa’t-isa. Ngayon na nagkita kami ulit at nagkasama ay masayang-masaya talaga ako lalo pa’t may pakiramdam akong magiging masaya ang gagawin namin dito. “Exciting.” Nakangisi at kagat labing sabi ni Luna na nasa tabi kong upuan. “Lahat naman sa’yo exciting.” Segunda naman ni Sol sa kanya. “Mukhang magiging maganda ang trabaho natin ngayon sana lang hindi na natin kailangan na magtago.” Wika naman ni Keyla. Tahimik lang si Nara na nasa tabi niya at parang may malalim na iniisip. “Tinatangap niyo ba ang maging bahagi ng TAJ?” Ulit na tanong sa amin ni Mr. X. May basbas sa president ang pagtitipon namin na ito. Hindi ko din alam kung nasaan kaming parte ng Pilipinas. Nakapiring kasi kaming dinala dito. Pagtangal sa amin ng piring ay nandito na kami sa isang malaking opisina. Kasama ang mga pinili. “Tinatangap ko po.” Sagot ko. Nakatingin silang apat sa akin dahil sa mabilis na sagot ko. “Sigurado ka na ba?” Kunot noo na tanong ni Nara. “Oo naman, maaring hindi ako kasing galing niyo pero may ibubuga pa rin naman ako.” Nakangising sabi ko sa kanya. Totoong malaki ang agwat ng kakayahan namin dahil late na ako nagsimulang mag-ensayo at nakita nila ang mga kahinaan ko sa training. Pero sa nakalipas na dalawang taon ko sa pagiging pulis ay hinigitan ko pa ang fighting skills ko. Mahigpit din ang naging training ko sa aking sarili. Kung dati mahina ako sa pagamit ng baril. Ngayon walang bala na sayang sa akin. Kung dati lampa pa akong habang tumatakbo kami sa gubat at palaging naiiwan. Mas pinalakas ko na ang stamina ko kaya hindi na akong mabilis hingalin. “Bibigyan ko kayo ng limang minuto para magisip. Kapag ‘Oo’ ang sagot niyo. Kunin niyo ang itim na medalyon sa mesa. May nakaukit dito na isang tigre tanda ng pagiging bahagi niyo ng TAJSO. Maiiwan kayo dito sa tagong isla para sa pagsasanay. At kapag ayaw niyo ay tahimik kayong makakaalis dito. Pero kung paano kayo nakarating dito ay ganun din kayo aalis sa lugar na ito. Dahil sekreto ang Organization na ito. Sa oras na tinangap niyo ang maging bahagi ng TAJSO. Mas magiging delikado ang mga misyon niyo at mas malalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay niyo. Pero kung handa kayong mamatay para sa ating ipinaglalaban. Maisasalba natin hindi lang ang bansa kundi pati narin ang mga mamayan ng Pilipinas. Matatangap niyo ang mataas na karangalan mula sa ating bagong uupo na Presidente. Dahil ang nais din niyang gawin ay linisin ang lahat ng kanyang nasasakupan at ibangon ang ating bansa. Kaya maiwan ko na kayo, at babalik ako mamaya.” Kaagad siyang lumabas ng pinto kasama ang dalawang naka-itim din na lalaki at naiwan kami. Ang ilan ay nag-uusap at ang ilan naman ay tahimik lang at nag-iisip din. “Sigurado ka na ba Riya?” Tanong ni Sol sa akin. “Sigurado na yan, kaya nga nag-pulis yan eh para mag-serbisyo sa bayan. At kaya tayo nandito dahil kasama tayong napili nila. It means nagtitiwala sila sa kakayahan natin.” Segunda naman ni Nara. “Tama.” Sabat naman ni Luna. “Keyla? Bakit ang tahimik mo?” Baling ni Nara sa kapatid. “Payag na ako. Iniisip ko lang ang mga death treats na natatangap ko araw-araw. Sinisimulan ko pa lang na hanapin ang taong malakas ang loob na padalhan ako ng mga bagay na yun. Kung hindi red card patay na hayop naman ang ipapadala sa akin. Malalaman ko din kung sino ang gagong yun. At kapag nahuli ko siya. Yare talaga siya sa akin.” Nakangising sabi niya. Kapag ganito na ang awra niya nakakatakot na talaga siya. Kung sino man ang nagbabanta sa buhay niya. Siguraduhin niya lang na mas magaling at malakas siya kay Keyla. Maarte lang ito sa unang tingin pero kapag sa oras ng labanan ay lumalabas ang pangil nito. “Magingat ka mukhang wala sa katinuan ang may gawa noon sayo.” Wika naman ni Sol. “Gusto mo tulungan ka namin?” Alok ko sa kanya kaya napatingin sila sa akin. Kung ebedensya lang din ay kayang-kaya kong hanapin ang taong yun. “Hindi na kailangan Police Captain Lhiriya Martinez. Malapit ko na siyang mahuli at malapit na rin siyang mahulog sa bitag ko.” Nakangisi pa niyang sabi sa amin. Sabay-sabay kaming tumayo at kumuha ng itim na medalyon. Tama nga ang sinabi ni Mr. X may nakaukit na ginto dito na isang tigre. Simbolo ng TAJSO na binuo nila. “Trial and Justice?” Sambit ko nang tignan ko ang meaning sa likuran ng Medalyon. “Ang corny, pero exciting ang tagline.” Sang-ayon ni Sol. Nagkatinginan kaming lima. Sigurado na kami sa napili namin yun ay maging bahagi ng TAJSO!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD