Chapter 6

1603 Words
Ngayong araw magaganap ang unang bahagi ng pagsasanay naming lahat. Labing lima sa amin ang pumayag na maging kasapi nag TAJSO at ang lima naman ay pinauwi. Sa aming hanay ay sampo kaming babae at lima naman ang lalaki. Kabilang na kaming lima nina Luna, Sol, Nara at Keyla. Tinangap namin ang misyon dahil alam naming malaki ang maitutulong namin sa kanilang layunin. At may kakayahan din naman kami para mapagtagumpayan ito. Bago sumabak sa training ay tinipon muna kami sa loob ng orientation room para sa magaganap na training namin sa loob ng tatlong buwan. Kaya tatlong buwan din kaming mananatili sa isla na ito para patunayan namin na kaya namin ang ipapagawa sa amin. “Ang tagal naman ni Mr. X masyado tayong pinapasabik.” Nakataas ang kilay na sabi ni Keyla. Nakakainip ang paghihintay dito sa orientation room maaga pa naman kaming gumising para sa araw na ito. “Goodmorning.” Seryosong bati niya sa amin. “Goodmorning Mr. X.” Sagot naming lahat. May hawak siyang papeles sa kanyang kamay. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng mesa. Bago siya ma-authoridad na tumayo sa aming harapan. “Bago tayo mag-umpisang lumusong sa training ngayong araw. Gusto ko munang bigyan kayo ng kaunting kaalaman.” Pagsisimula niya. Mataman lang kaming nakikinig sa kanya. “Hindi kayo basta pinili na lamang ng organization. Ang iba sa inyo ay kilala namin ang iba naman sa inyo ay recommended sa amin ng mga bumuo ng organization na ito. Pinagaralan namin hindi lang ang kakayanan niyo bilang individual kundi pati na rin kung paano kayo kumilos at gawin ang misyon niyo. Umaasa ako na magagampanan ninyo ang tungkulin ninyo. At umaasa din ako na walang susuko sa training.” Paliwanag niya sa amin. “Bakit may susuko Mr. X? Hindi niyo naman siguro kami palalakarin sa ng nakayapak sa baga hindi ba? O di kaya ipapahabol sa leon.” Wika ni Nara. Napatingin si Mr. X sa kanya. “Nara Mendoza, bata ka palang nakitaan ka na ng katapangan nang tusukin mo ng lapis ang ulo ng isa mong kaklase noong elementary dahil binastos ka.” “Hala? Paano niyo nalaman Mr. X? Simula noon takot na lahat ng schoolmates namin kay Nara.” Natatawang sabi naman ni Keyla na ikinasimangot ni Nara at sinamaan pa siya ng tingin. “Mr. X, anong connect ng story ko sa pagsasanay?” Seryosong tanong ni Nara sa kanya. “Ibig sabihin, hindi aksidente ang pagkakapili namin sa inyo. Dahil mula noong mga bata pa kayo ay may talento na kayo kahit hindi pa ito nahahasa. Ngayon sa loob ng tatlong buwan niyo dito sa isla ay ipapakilala ko kayo sa mahigpit na magsasanay sa inyo.” Wika ni Mr. X. Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto at bumungad sa amin ang lalaking malaki ang katawan. Balbas sarado din ito at parang nakakatakot itong maging trainor. “Ninong Raul?!” Sabay na bulalas ni Luna, Sol, Nara at Keyla. “Ninong niyo?” Kunot noo na tanong ko sa kanila. “Kumusta mga bata? Matagal din tayong hindi nagkita.” Nakangiting wika ng lalaking tinawag nilang Raul. Sabay-sabay silang apat na tumayo at binati ang bagong dating. “Ikaw ang magtraining sa amin?” Nagtatakang tanong ni Luna na ikinatango nito. “Maupo na kayo. Para sa hindi pa siya kilala. Siya si Raul Montes. Senior agent sa dating organization na binuo ng government. Ngayon ay siya na ang hahawak sa inyo at mag-evaluate. Depende sa makukuha niyong marka kung gaano kadelikado ang hahawakan niyong misyon. At mula dito ay ituturn over ko na kayo sa kanya. Goodluck sa inyong lahat.” Magalang na nagpaalam si Mr. X sa amin. Hangang sa lumabas na siya ng pinto. “Haist! Ang seryoso ng superior ko. Ano? Nakahanda na ba kayo?” Nakangising tanong ni Mr. Raul sa amin. “Yes Sir!” Sabay-sabay naming sagot. Pagkatapos naming magusap sa orientation room at magpakilala sa magiging trainor namin ay lumabas na kami. Nakasuot kami ng iisang uniporme na camouflage at naka combat shoes. May name tag kami sa aming mga dibdib. At kaming mga girls ay nakatali ang mga buhok paitaas. Para kaming susugod sa gera kulang na lang ay armalite. “Nakahanda na ba kayo?” Seryosong tanong ni Mr. Raul sa amin. “Ninong? Anong ginagawa natin dito? At bakit may mga malalaking bato?” Usisa ni Sol. Hindi ako makapaniwala na ninong nila itong apat. Magkaibigan pala ang Ama nila at pati ni Mr. Raul kaya naging ninong siya nila. Nakasakay kami ngayon sa military boat. At nasa malalim kami na bahagi ng dagat. “Kung mapapansin niyo nasa thirty feet ang lalim ng tubig mula dito hangang sa ilalim. Kailangan niyong makawala sa nakataling kadena sa paa niyo mula sa malalaking bato.” Nagulat kaming lahat sa sinabi niya. Itatali namin ang aming mga paa sa kadena na connected sa malaking tipak na bato? “Thirty feet ninong? Baka bago pa namin matangal ang isang locked ay tigok na kami.” Litanya ni Sol. “Oo nga ninong! Pinagpalit niyo pa kami ng camouflage tapos lulunurin niyo din pala kami. Eh di sana namatay man lang akong nakatwo peace.” Maarteng sabi ni Keyla. “Wala kayong magagawa yun ang unang training natin. Kailangan niyong matagalan ang paghinga sa ilalim ng tubig. Dahil in case of emergency na connected sa sea ang misyon niyo magagawa niyo pa ring makaligtas.” Napasinghap ako. Kakayanin ko ba ang ganun kalalim habang nagkakalas ng dalawang podlocked? Parang imposible. “Sabay-sabay kayong lulubog sa ilalalim kaya malalaman ko kung sino ang mauuna. At kung sino ang may pinakamabilis na timer. Bibigyan ng advantage sa susunod na pagsasanay.” Paglilinaw niya sa amin. Wala kaming choice kundi sundin ang sinabi niya. Siguro naman hindi niya kami hahayaan na matigok na lamang at malunod. Kinuha namin ang tig sampong kilo na bato at inilagay namin ang dalawang kadena sa bawat isa naming paa. Hawak din namin ang susi sa aming kanang kamay. Nakahilera kami sa mahabang tabla. Sabay-sabay naming ihuhulog ang bato at sabay-sabay din kaming lulubog. “Are you ready?!” Malakas na sigaw ni Mr. Raul. “Yes Sir!” Sabay din naming sagot sa kanya. Kung unang pagsubok pa lamang ay hindi ko na ito kayanin paano ko magagawa ng maayos ang misyon? Hindi lang ito kung paano ka makatakas sa kadena para hindi ka malunod. Matutunan din dito kung paano mo uunahin ang mag focus kaysa ang mataranta para hindi ka mamatay. “Okay, Drop the stone now!” Kasabay ng pagbagsak ng malaking bato sa tubig ay ang sabay-sabay din naming pagtalon at paglubog sa ilalim. Mabilis na bumulusok ang bato sa pinakailalim na buhangin. Pantay din ang buhangin at nasa malayo pa ang mga corals. Huminga ako ng malalim kanina bago kami tumalon upang hindi ako maubusan ng hangin sa ilalim. All of us are struggling na makawala sa kadena. Nang makatapos ako sa pagtangal ng isang paa ko ay nabitawan ko ang susi! Nagmadali akong hagilapin sa buhangin ang susi at nararamdaman ko na ang pagkaubos ng hangin ko. Shit! Nasaan na ang susi?! Pinilit ko ang sarili kong hindi magpanic. Kapag inisip kong hindi ko mahahanap ang susi ay siguradong malulunod ako. Nakita ko ang iba na nakawala na sila at mabilis na lumangoy paibabaw. Habang ako ay hinahanap pa din ang susi. Nagulat na lamang ako nang lapitan ako ni Luna. Sinenyasan ko siyang lumangoy na paibabaw at wag akong alalahanin. Alam ko gusto niya akong tulungan pero ayokong pumayag dahil individual ang pagmarka sa amin. Hindi ko talaga makapa ang susi kaya kumuha ako ng malaking bato. Buong pwersa kong pinukpok ang kadena. Halos mauubusan na ako ng hangin sa ilalim pero kaylangan lakasan ko ang loob ko! Sa limang malakas na pokpok ko ay nasira ang kadena sa isa kong paa kaya mabilis agad akong lumangoy sa ibabaw. Nang makarating n Buong pwersa kong pinukpok ang kadena. Halos mauubusan na ako ng hangin sa ilalim pero kaylangan lakasan ko ang loob ko! Sa limang malakas na pokpok ko ay nasira ang kadena sa isa kong paa kaya mabilis agad akong lumangoy sa ibabaw. Nang makarating na ako sa ibabaw ay habol ko ang aking paghinga. “Good job Riya!” Cheer sa akin ni Nara. Nasa itaas na sila ng bangka. Tatlong babae at apat na lalaki ang kasabay kong umahon sa tubig. Sa aming lahat ako lang ang may natirang kadena sa paa. Lahat sila ay nagawa nilang matangal ang kadena nila. Kung hindi ko naiwala ang aking susi ay baka sabay lang kami ni Luna. Habang naglalakad ako papalapit sa kanila ay sinalubong na nila ako. “Langya ka pinakaba mo ako!” Litanya ni Keyla. “Oo nga! Alam mo bang gusto na naming sagipin ka.” Segunda naman ni Sol. “Mabuti at hindi niyo ginawa. Dahil sa pagkawala ng susi ni Riya ay natutunan niyang hindi ka dapat umasa sa isang solusyon lamang. Sa misyon may hindi inaasahan na magaganap. Hindi natin hawak ang swerte pero kung matapang ka ay hindi ka magpapadala sa mga negatibong pag-iisip siguradong kakayanin mong matapos ang misyon ng buhay.” Wika ni Mr. Raul. Kahit paano ay proud ako sa aking sarili. Akala ko talaga katapusan ko na kanina. “Nakakamangha ang ipinakita niyong galing sa unang pagsubok. Sana ganun din sa susunod.” Pinalakpakan niya kaming lahat. Masarap sa pakiramdam na ang dating binubully lang na gaya ko at takot na takot na masangkot sa gulo. Ngayon ay nakahanay na ako sa mga importanteng tao at inaasahan na magtatangol bansa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD