“Ano? Gusto mong maging pulis Riya?” Ulit ni Daddy sa akin. Napatingin pa silang lahat sa akin. Nag-aalmusal kami dahil papasok na ulit ako sa school matapos ng isang linggo na kinailangan ‘kong magpahinga dahil sa nangyari sa akin. Ilang araw ko ding pinag-isipan ang naging desisyon ko nitong mga nakaraang araw. At ngayon ay sigurado na akong gusto ‘kong maging alagad ng batas. Hindi dahil sa empluwensya ng mga bago kong kaibigan kundi gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya ko ding gawin ang nagagawa nila.
“Anak pag-isipan mong mabuti. Hindi madali ang maging pulis. Para mo na rin inilagay ang isa mong paa sa hukay. Kung dahil ‘to sa nangyari sa’yo. Hindi na yun mauulit pa dahil wala na ang mga studyanteng yun sa school. At nakakulong na rin ang iba sa kanila.” Wika naman ni Mommy.
Pagkatapos ng nangyari sa presinto ay napaisip ako. Kung magiging kagaya ako ng mga bago ‘kong kaibigan. Makakaya kong protektahan hindi lang ang sarili ko kundi ang ibang tao. Nalaman ‘kong magkakilala ang mga magulang ni Nara, Keyla, Sol at Luna. Kaya kilala pala nila ang isa’t-isa. Pero hindi sila ganun ka-close. Dahil bihira lang naman sila magkita. Ngayon lang sila nagusap-usap nang magkita-kita sila ulit sa presinto.
Sa ilang araw ‘kong pamamahinga sa bahay ay palagi ko silang nakakausap sa video chat. May group chat na rin kasi kami. Nakakapa ko na rin ang mga ugali nilang apat. At mas lalo akong humanga sa kanila habang unti-unti ko silang nakikilala. Mga bata pa lamang sila ay hinahasa na nila ang kanilang kakayanan dahil na rin sa trabaho ng kanilang mga magulang. Hindi ako makapaniwalang na-kidnap na noon sila Luna at Sol at kitang-kita nila kung paano tinalo ng mga magulang nila ang mga masasamang kumidnap sa kanila. Si Sol ang nagkwento sa amin noon. At nalaman ko din na binubully din pala sila noon dahil sa kawerduhan nilang dalawa. Yung din ang una kong impression sa kanila. Pero nagbago nang makita ko ang galing nila sa bilyaran.
Magaling naman na agent ang mga magulang ni Keyla at Nara. At mas lalo akong nagulat dahil hindi pala lang pala sila kambal kundi triplets sila at nag-aaral sa ibang university bilang doctor ang isa pa nilang kakambal na si Isaiah. Gusto ko din siyang makilala.
“Dad, Mom, I know nag-aalala po kayo sa akin. Ayoko na pong maulit ang nangyari sa akin. Ayoko pong danasin ng ibang kabataan ang dinanas ko at ayoko na pong may iba pang kabataan ang maligaw ng landas dahil sa mga taong walang ibang ginagawa kundi ang gumawa ng masama. At sirain ang mga kabataan sa hinaharap. Gusto kong may gawin ako hindi lang para sa aking sarili kundi para sa bansa. Gusto ‘kong maglingkod sa ating bansa. Gusto ‘kong tumulong sa mga authoridad na mapuksa ang kremin. Please Mom and Dad….” Paki-usap ko sa kanila. Ngayon lang ako humiling sa tanang buhay ko ng pagkakataon na gaya nito kaya sana pagbigyan nila ang naging desisyon ko.
Seryosong ibinaba ni Daddy ang kanyang kubyertos. Nagtinginan sila ni Mommy. Siguro iniisip nila kung papayagan ba nila ako.
“Dad, naintindihan ko si Riya. Pero syempre kayo pa din ang masusunod.” Sabat naman ni Miguelito. Habang ang dalawa ko pang kapatid ay abala lang sa pagkain.
“Riya, malaki ka na anak. Kung ano man ang desisyon mo ay igagalang namin ng Mommy mo. Pero umaasa pa rin ako na magbabago ang isip mo. Sa ngayon gawin mo at hanapin mo kung ano talaga ang gusto mong gawin.” Mahinahon na sabi ni Daddy sa akin na ikinangiti ko.
“Anak, hindi porke’t pumapayag ako ay gusto ko na ang gagawin mo. Pero ipangako mo sa akin na mag-iingat ka palagi. Na hindi ka na magpapa-bully sa iba. Ipangako mong gagawin mo ito hindi lang para sa sarili mo kundi para sa pinaniniwalaan mong pagbabago. Nandito lang kami ng Daddy mo para sa’yo. Kung saan ka masaya ay susuportahan ka namin.” Wika ni Mommy. Hindi ko mapigilan ang maging emotional nang sabihin niya yun. Kahit nagkamali ako at minsan na nagsinungaling ay may tiwala pa rin sila sa akin. Tumayo ako at sabay ko silang niyakap dahil magkatabi lang sila sa upuan.
“Thank you Mom, Dad. I promise I will make you proud of me.” Sambit ko sa naiiyak kong tinig.
Ngayon mas lalo nang malakas ang loob ko dahil pumayag na sila. Ang kailangan ko na lamang gawin ay makausap ang mga bago kong kaibigan. Gusto kong maging kasing galing nila! Gusto ko din na matutong lumaban!
Pagkarating ko sa school ay magaan ang mga paa kong inapak sa lupa. Wala na ang mga nambubully sa akin at may bago na rin akong mga kaibigan na makakasama ko.
“Kapag nahirapan kang hanapin kung saang department ka pupunta tawagan mo ako.” Wika ni Miguelito nang makababa na kami sa kotse.
“Salamat Migs.” Paalam ko sa kanya.
Malayo pa lamang ay natanaw ko na ang mga bago kong kaibigan nakaupo si Keyla at Sol sa upuan na nasa ilalim ng malaking puno. Habang si Luna naman ay nakasandal sa katawan ng puno at si Nara ay nakaupo sa damuhan na parang may sinusulat. Magkakasama sila pero parang hindi sila masyadong nag-uusap.
“Hey, Guys!” Masayang tawag ko kanila. Dito kasi ang napagusapan naming lugar na pagkikitaan namin bago pumasok.
Nakangiting kinawayan ako ni Nara at Sol. Si Keyla naman ay may hawak pang lipstick habang kumakaway sa akin. At si Luna ay tipid lang na ngumiti pero nakasandal pa rin sa puno.
“Pinayagan ka na ba ni Tita Lhira at Tito Miguel?” Kaagad na tanong ni Keyla sa akin nang makalapit na ako sa kanila. Hindi lang kami ang naging magkakaibigan kundi nakilala din namin ang mga magulang ng isa’t-isa. At nagpasalamat ang mga magulang ko sa pagtulong ng mga kambal sa pagligtas sa akin.
Tumango ako sa kanila.
“Yun oh! So kelan mag-uumpisa ang private training natin?” Segunda naman ni Sol.
“Sa week ends.” Wika ni Luna.
“Ngayong weekends na? At saan naman?” Usisa ko. Wala kasi akong alam na pwedeng pagsagawaan ng training.
“Ako na ang bahala, pwede tayo sa Kristal de Galyo. Siguradong papayag si Daddy kapag naglambing na ako sa kanya.” Si Nara ang sumagot.
“Saan yun?” Segunda naman ni Sol.
“Sa pribado naming island. Doon kami nagta-training ni Keyla.” Sagot ni Nara sa amin.
Hindi lang sila magagaling kundi mayayaman din. Napakaswerte ko hindi man kami pare-pare ng ugali ay iisa naman ang goal naming lahat.
“Kailangan ko ng pumasok. Magkita na lamang tayo mamayang lunch.” Sabi ni Luna at siya na rin ang naunang umalis. Magkakahiwalay kami ng kurso kaya hiwa-hiwalay din ang daan namin. Pero kailangan ko muna magpa-enrol ulit dahil magpapalit na ako ngayong araw ng kurso. Excited na ako sa magaganap na training. Gusto ko na ring makita ang mga kambal kung paano sila bumaril at gumamit ng mga armas sa pakikipaglaban.