Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto. Pagtingin ko sa orasan ay alas-nuebe na ng umaga. Napabalikwas ako ng bangon dahil kailangan kong mag-duty ngayong araw. Pagbukas ko ng pinto ay mukha ni Mr. President ang bumungad sa akin. Nakaligo na siya at nakasuot ng dark blue na long sleeve polo. Naka-tuck in din ito sa kanyang itim na slacks. “I’m sorry kung nagising kita. Magpapahatid kasi ako ng almusal sa kwarto mo pagbaba ko para makakain kana at makainom ng gamot.” Wika niya sa akin. Hindi naman niya ako obligasyon pero iniisip niya pa rin ako. “Hindi na po Pres. Xander, bababa na lang po ako sa kitchen. Kailangan ko pong mag-duty ngayon.” Agap ko, nang akmang aalis na siya. “Duty? Hindi ka pa pwedeng mag-duty Riya ng ganyan Riya. Hindi naman ako aalis ngayong araw kaya