Bakit kaya ako kinahabahan ng ganito? Dahil ba sa posisyon namin ngayon? Nakahawak lang naman siya sa beywang ko at nakatitig sa basa kong mukha. O baka naman dahil kaunti na lang tuluyan na akong susubsob sa kanya? Nanginginig na ang dalawa niyang kamay at sa tingin ko ay hindi na niya kayang hawakan ako. Malapit na rin dumulas ang kamay ko. Dahil hindi kayang suportahan ang aking katawan. Napakagat ako sa ibabang labi dahil pinilit kong i-angat ang aking katawan. Para makaalis ako sa ibabaw niya. Ayoko nang mangyari ang nangyari sa yate kung saan ay nahalikan ko na siya sa labi. “Wag mong pilitin kung hindi mo kaya.” Wika niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. “Kung hindi ko po pipilitin hindi tayo makakaalis dito.” Sagot ko sa kanya. Tuluyang nabasa na pati ang buhok ko bath robe n