“Sir, kung iintayin ko pa ang command niyo bago ako kumilos sigurong bumubula na ang bibig ni Mr. President. Kagaya noong isang waiter na uminom din ng wine na si-nerve ng lalaking nagtangka sa buhay ni Mr. President.” Reklamo ko kay Commander Gilberto dahil kasalukuyan niya akong sinasabon dito sa presidential security office. Akala ko dadalhin nila ako sa kulungan pero dito nila ako dinala upang kuhanan ng statement kung bakit ko ginawa ang bagay na yun.
“Tahimik! Kaya ka nandito para protektahan ang presidente. Alam mo ba kung nasaan siya ngayon? Kasalukuyang ginagamot ang mga talsik ng bubog na tumama sa kamay niya dahil sa kagagawan mo!”
Halos lumabas na ang litid niya sa leeg dahil pagsigaw sa akin. Kung pinakilos na sana niya ang mga PSG para hanapin ang lalaking yun baka sakaling nahuli pa nila ito. Kaysa talakan ako ng talakan dito lalo lamang hindi namin mahahanap ang kriminal na yun.
“Sir, ginawa lang ni Riya ang sa tingin niya ay makakapagligtas kay Mr. President.” Pagtatangol naman ni Mon sa akin. Narito rin kasi siya upang kausapin ako sa nangyari dahil kailangan niya din itong i-report kay Mr. X.
“Isa ka pa agent Bautista! Kapag walang nakita doon sa sample ng natirang alak kay Vice-President hindi ko alam kung saan kayo pupuluting dalawa!” Singhal niya.
Kaunti na lang bubuga na siya ng apoy sa aming dalawa ni Mon. Bago siya lumabas ng detention room. Napabuntong hininga na lamang ako. Kinakabahan din ako pero alam kong tama ang ginawa ko. Pero what if walang substance na nakakalason sa inumin ni Vice President? Yun na lang kasi ang natitira kong pag-asa para mapatunayan na wala talaga akong kasalanan.
“Bukas pa lalabas ang result at autopsy ng namatay na waiter Riya, kaya kailangan mo pang magtagal ng bente-kwatro oras dito.” Paalala sa akin ni Mon. Tumango ako sa kanya. Walang problema sa akin kung gaano pa ako katagal dito ang importante mapatunayan kong inosente ako sa mga bintang nila sa akin.
“Paano ang media? Paano kung lumabas ang mukha ko sa TV? Baka malaman nila Mom and Dad ang ginawa ko.” Nag-alalang tanong ko sa kanya.
“Narinig ko mismo sa palasyo na walang pwedeng lumabas na balita tungkol doon. Hinold nila ang media dahil yun ang utos ng presidente. Pinabura nila ang nakuhanan ng camera pero kinuha muna nila yung copy kung saan kita doon ang suspect at ang pagbaril mo sa baso ni Mr. President. Sa totoo lang ang galing ng ginawa mo nakakahanga ka nngunit delikado ang ginawa mo Riya. Paano kung gumalaw ng kaunti si Pres? Pwede mo siyang tamaan at isa pa puwedeng ma-exposed ang TAJSO kapag lumabas ang balita at ayoko mang isipin ang mas worst na mangyayari sa’yo if ever na hindi mo napatunayan na wala kang kasalanan.” Paliwanag niya sa akin. Mabuti na lamang at ginawa yun ng president dahil hindi, baka hindi ko din alam kung ano ang maaring mangyari sa akin kung ma-exposed ako sa media. Baka mawalan ng saysay ang ilang taon kong pinaghirapan bago ako makarating sa kinalalagyan ko ngayon.
Pagkatapos ng naging usapan namin ni Mon ay umalis na rin siya. Nanatili ako sa loob ng detensyon room at hindi ko alam kung paano ako makakatulog ngayong gabi. Inalala ko ang nangyari kay Mr. President dahil nasugatan daw ito. Hindi ko naman sinadyang matamaan siya ng mga bubog pero kung hindi ko yun ginawa baka mas malala pa ang nangyari. Naniniwala akong may lason ang white wine na yun!
Nakaupo lang ako sa upuan at yakap ko ang aking tuhod. Hating gabi na at wala pa ring balita sa labas. May mga iilan na nagbabantay sa akin kahit wala naman akong balak tumakas.
“Mr. President!”
Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses na yun mula sa labas. Bahagya kasing bukas ang pintuan ko.
Maya-maya pa ay mas lumaki ang pagkakabukas ng pintuan at bumungad sa akin ang seryoso niyang mukha. Mabilis ako tumayo sa upuan upang tumayo ng tuwid sa harapan niya. Nakayuko ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Isinara niya ang pinto kaya kami na lamang dalawa ang nasa loob ng detention room.
Nakita ko ang may benda na kanang kamay niya. Kaya lalo akong nahiya.
“Paumanhin kung nasugatan kayo nang dahil sa akin. Pero sa maniwala kayo sa hindi ginawa ko yun to protect you. Maiintindihan ko kung magagalit ka. Pero hindi ako nagsisisi dahil ginawa ko lang po ang aking trabaho.” Nakayukong sabi ko sa kanya. Wala akong narinig na salita niya kaya nag-angat ako ng tingin.
“Thank you for saving me.” Seryosong sabi niya sa akin.
“Hindi pa po lumalabas ang result ng wine sample kaya hindi pa po kayo sigurado kung niligtas ko nga kayo.” Pagtatama ko sa kanya.
“Maniniwala ka ba sa akin kapag sinabi kong naniniwala ako sa statement mo? I’m sorry kung kailangan mong ma-detained dito hangang bukas. Gusto kasi nilang dumaan sa proseso kung paniniwalaan ka ba o hindi. But don’t worry lalabas din ang totoo. Sinigurado ko na magiging safe ang sample ng wine. Baka kasi may magtangka na palitan ito or nakawin.”
Kahit paano ay lumuwag ang pakiramdam ko dahil siya mismo ay naniniwala sa akin. At sinigurado pa niya na lalabas ang totoo.
“Thank you Mr. President.” Nahihiyang sabi ko sa kanya.
“Ako ang dapat mag thank you. Hindi pa man lumalabas ang result ay gusto ko nang magpasalamat. Minaliit ko ang kakayahan mo dahil isa kang babae pero napakatalas ng pakiramdam mo. Kung hindi mo binaril ang baso na hawak ko kanina ay siguradong wala na ako ngayon at nagtagumpay na ang mga taong nais na mawala ako.”
Sumeryoso ang mukha niya ng sabihin niya yun.
“Mr. President, baka po may idea kayo kung sino ang gustong pumatay sa inyo? Para mas mapadali natin ang problema.” Suhestion ko sa kanya. Kapag hindi namin nahuli ang may malaking galit sa kanya. Paniguradong hindi rin ako makakaalis dito at ang mas malala baka siguraduhin na ng mga kalaban na tapusin siya.
“To tell you honestly, kahit pa matagpuan natin ang mga nagtatangka sa buhay ko. Meron at meron pa din lalo na ngayon. Mahigpit kong binabantayan ang mga illegal na negosyo na nakakalusot dito sa bansa. Hindi mauubos ang mga kalaban ko Riya. Ang tangi ko lang magagawa ay manatiling buhay hangang matapos ang aking termino.” Paliwanag niya sa akin. Kung hindi namin magagawang mahanap ang culprit paniguradong anim na taon din akong magiging PSG niya? Unang misyon ko pa lang ito pero nangungunsume na ako sa pwedeng mangyari sa akin kapag nagkataon.
“Bago ako magpaalam, siguradong bago magtanghali bukas ay makakalabas ka na dito. Gusto kong pumunta ka sa opisina ko dahil may importante tayong pag-uusapan.” Wika niya na ikinapagtaka ko.
“Ano po yun Mr. President?” Magalang na tanong ko sa kanya.
“Basta, dumating ka bukas bago mag-lunch. Aalis na ako, mabuti pa magpahinga ka na rin.” Nakangiti siyang nagpaalam sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapapunta bukas ayaw naman niyang sabihin sa akin.
Pero sapat na sa akin na malamang naniniwala siya sa akin. Kahit yun lang makakatulog na ako ng maayos.
Pero bakit pumunta pa siya dito ng dis-oras ng gabi para sabihin ang mga yun sa akin? Pwede naman bukas? Ay basta! Bahala na!