Maaga akong bumangon dahil ngayon ang unang araw ko as PSG ng president. Ngayon din ang araw na magtutungo kami sa batasang pambansa sa Quezon City para sa kanyang state of the nation address. Kailangan naming siguraduhin ang kanyang safety kaya kami narito ni Mon. Habang may banta sa buhay niya ay hindi kami pwedeng umalis dito sa palasyo kaya kailangan naming siguraduhin na ligtas siya sa kung sino ang mga taong may balak sa kanya na masama.
At dahil sa aalis kami ng palasyo ay dirty white na barong ang suot namin na may puting t-shirt sa ilalim. At black na slacks naman para sa pantalon. Hinigpitan ko ang tali ng aking mahabang buhok pataas. Upang hindi ito maging sagabal. Hindi ko akalain na babagay sa akin ang suot ko. Ako lang ang babaeng PSG kaya nakakapanibagong tignan pero bagay naman sa akin at comportable naman. Isinuksok ko ang baril sa likuran ko in-case na may magtatangka. Sinigurado na ng ibang presidential security groups ang securidad sa loob ng batasang pambansa pero hindi parin kami pwedeng mapanatag. Lalo na kung matalino gumalaw ang kalaban.
Saktong alas-otso na nang dumating ako sa Malacañang palace. Nagkukumpulan na rin ang ibang PSG na naroon para sa pag-alis ng presidente. Kasama ang kanyang pamilya.
Maya-maya pa ay lumabas na rin ito at nakahanda na ang sasakyan niyang presidential car pati na rin ang mga sasabay sa convoy. Napili kong sumakay sa honda gold wing motorcycle para mas malawak kong makikita ang dadaanan naming paligid.
Pagkasakay ng president ay umabante na rin ang ibang kasama sa convoy patungo sa batasang pambansa. Sumakay na rin ako. Nakita kong sumakay din si Mon sa isa pang motorcycle. At nasa likuran siya ng immediate family ni Pres. Alixander.
Naging smooth ang naging byahe namin papuntang batasang pambansa at wala naman naging aberya. Paminsan at nasa gilid ako ng presidential car kapag napapatigil dahil sa bahagyang traffic. At mataman ko din na tinitignan ang paligid. Mahirap na baka may mga sniper na nakaabang sa dadaanan namin. Mabuti na rin yung sigurado kahit bullet proof pa ang sasakyan ng presidente ay hindi parin ito sapat para hindi siya masaktan lalo na kung mataas na kalibre ng baril ang gagamitin. Pero so far ay mabilis naman naming narating ang batasan. Ito ang una kong misyon kaya talagang importante sa akin ang bawat detalye.
Pagkarating namin ay nauna kaming bumaba upang secure ang lugar. Safe na nakapasok si Pres. Alixander sa batasang pambansa at inabot ng halos isang oras ang kanyang speech. Wala naman akong napansin na magiging banta sa securidad niya. Kinakabisa ko ang ibang tao sa paligid at pinagmamasdan ang kilos nila. Minsan may nakikita akong naka-smirk habang nagtatalumpati siya at minsan naman ay nakataas ang kilay. Normal lang siguro ang mga ganon dahil magkaiba ang layunin ng bawat isa kaya gusto nilang maupo sa gobyerno.
Nakaka-intimidate lang makakita ng lalaking napaka-dedicated sa pinili niyang career. Mas marami din ang pumalakpak sa kanya. Nang matapos na ang kanyang state of the nation address ay nagsimula naman ang mga picturan. Dumadami ang lumalapit sa kanya at nagpapakuha ng litrato. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Paminsan-minsan nga lang ay napapansin niya ang mariin kong tingin kaya kaagad akong umiiwas. Nakangiting humarap si Mr. President sa press at sa ibang gusto siyang makadaupang palad. Hindi naman pala siya kagaya ng first impression ko na saksakan ng sungit at mataas ang tingin. Mas bagay sana sa kanya kung palagi siyang nakangiti. Lumalabas kasi ang kakisigan niya.
Pagkatapos ng ilang minuto ay kailangan na rin niyang bumalik sa Malacañang para sa magaganap na party sa ceremonial hall mamayang gabi.
Wala pang asawa si Mr. President at hindi naman maitatago sa media ang kanyang kakisigan. Kaya laman din siya ng kaliwa’t-kanan na news portal dahil na rin sa kanyang plataporma at isa sa pinakabatang naging president ng Pilipinas bukod kay Emilio Aguinaldo. Matagumpay siyang namuno sa iba’t-ibang posisyon sa goberno at ngayon ay nakuha na niya ang pinakamataas na posisyon sa edad na forty.
Nakatuon ang atensyon ko sa kalsada pabalik sa Malacañang nang maramdaman kong may nakatingin sa kin. Napatingin ako sa katapat na presidential car na sinasakyan ni Pres. Alixander. Dahil nasa tabi lang ako nakasunod sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Kaya binalik ko ang tingin ko sa daan dahil baka mabanga ako. Baka gusto lang din niyang lumanghap ng sariwang hangin. Ilang minuto lang ay nakabalik na kami ng palasyo. Ipinarada ko muna ang motorcycle ko bago ako bumalik sa Malacañang may ilang oras pa naman bago mag-umpisa ng pagtitipon mamaya kaya may time pa kami para sa inspection ng pagdarausan ng event mamaya.
Pagdating namin doon ay nag-aayos na ang catering ng mga lamesa at upuan pati na rin ng pagkain sa mahabang mesa para sa party mamaya. Lahat ng sulok ay mahigpit naming tinignan. Pati na rin ang lahat ng mga tao na naroon ay sinigurado naming magiging ligtas para mamaya. Kahit nga ang mga bulaklak sa gitna ng mesa ay sinuri ko din mahirap na baka may bomba pala doon o kahit na ano mang pampasabog. Nang matapos kami ay bumalik na kami sa labas.
Kinagabihan ay nag-umpisa na rin ang event nagpasalamat si Mr. President sa naging supporta sa kanya ng taong nandito ngayon sa pagtitipon. Kabilang narin ang mga kapartido niya. Nandito rin ang Vice-president na si Crisanto Valderama. Ang malapit na kaibigan ng kanyang ama. Pati narin ang buong pamilya ni Mr. President.
Nasa likuran ako ng mga bisita at malayo ang kinatatayuan ko para makita ang lahat ng galaw ng tao sa paligid. Si Mon naman ay nasa side ng family ni Mr. President. Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng uhaw kaya umalis ako sandali upang kumuha ng bottled water sa malaking cooler malapit sa cater ng pagkain.
“Doon ka na lang kumuha!”
Narinig kong nagtatalo ang dalawang lalaki na nakaputi sa tingin ko ay mga waiter silang dalawa.
“Tatlo naman ang bitbit mo kaya akin na lang yang isa.” Sagot naman ng isang lalaki at kinuha ang dala nitong white wine. Nagmadaling umalis ang lalaking may bitbit na dalawang wine at sinundan ko siya ng tingin dahil hindi siya pamilyar sa akin. Inilapag niya sa ibabaw ng table ni Mr. President ang isang wine at sa katabi naman niyang si Vice-President ang isa.
Inubos ko ang laman ng tubig na ininom ko at naghanap ako ng pwedeng tapunan sa bandang likuran.
Ngunit nagulat ako nang makita ko ang lalaking nanghingi kanina ng isang wine glass na akala ko ay ibibigay niya sa ibang bisita. Hawak-hawak niya ang baso na ininuman niya hangang sa nabitawan na niya ang wine glass at bumagsak ito sa sahig at nabasag.
“Kuya!”
Kaagad ko siyang nilapitan hawak niya ang kanyang leeg at parang namimilipit siya sa sakin. Nakasandal na siya sa sementong pader. At segundo lang ay bumula na ang kanyang bibig at tumirik na ang kanyang mata.
“Anong nangyari?” Usisa ng mga nagdatingan.
“Hindi ko alam uminom lang siya ng wine tapos nagka—.”
Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang maalala ko ang wine na dala ng kahina-hinalang lalaki kanina.
Mabilis kong iniwan ang lalaki at kaagad kong kinuha ang baril ko. Nakita kong itinaas na ni Pres. Alixander ang wine glass.
“Cheers!” Nakangiting sigaw niya. Hindi na ako aabot kapag nilapitan ko pa siya kaya hindi ako nagdalawang isip na barilin ang hawak niyang baso. Nagkagulo sa buong paligid at naghiyawan ang mga tao. Mabilis na hinarangan ng ibang PSG members si Mr. President na ngayon ay gulantang din sa nangyari. Akmang hahanapin ko na sana ang waiter na nagbigay ng wine pero nagulat ako nang nagsilapitan ang ibang PSG sa akin at itinutok nila ang kanilang mga armas sa akin.
“Drop your weapon now!” Sigaw ng isa sa kanilang may mataas na rango. Hindi ko siya pinansin sa halip ay hinanap ko pa din ang lalaki na waiter hangang sa nakita ko siyang papalabas ng ceremonial hall.
“Mon! Harangin mo!” Malakas na sigaw ko sa kanya. Nabaling ang atensyon nila kung saan ako nakatingin kaya nagawa kong makatakbo.
“Tigil!” Narinig kong sigaw nila. May narinig pa akong nag-warning shots. Nakayuko sa mesa ang ibang guest at ang iba naman ay hinawi ko para maabutan ko ang lalaki. Ngunit pagkalabas ko ay biglang nawala ang lalaki. Hahanapin ko na sana siya kung saan man siya nagsuot ngunit nagdatingan ang ibang PSG.
“Ibaba mo ang baril mo ngayon din!” Sigaw nila sa akin nang mahabol nila ako.
Peste! Saan nagsuot ang lalaking yun! Sa dami ng tao at sasakyan hindi ganun kadaling mahanap ang lalaking yun lalo pa’t hinahabol din ako ng PSG akala siguro nila ay balak kong patayin si Mr. President.
Wala akong nagawa kundi ang itaas ang kamay ko at humarap ako sa kanila ibinaba ko ang baril ko. Kaagad nila akong nilapitan at pinusasan.
“Riya!" Nag-aalalang bungad sa akin ng tingin ni Mon. Tumango ako sa kanya.
“It’s okay Mon. I just did my job.” Sagot ko sa kanya bago nila ako dalhin.